Kabanata 16

1.5K 52 3
                                    

Kabanata 16

Our first day as a senior high is quite overwhelming pakiramdam ko ay parang college na ko lalo na sa mga subject na ituturo.

I feel like this is one of the milestone of reaching my dream. Truly senior high is one of exciting part as a student.

STEM ang strand na kinuha ni Trek dahil plano niya ang maging isang inhinyero katulad ng ama.

Samantalang ABM naman ang strand na kinuha ko. Dapat ay ARTS AND DESIGN pero sinabi ni papa na mas madali akong makakapili ng kurso sa college kung sa ACADEMIC STRAND ang pipiliin ko at baka daw magbago pa ang isip ko sa kurso sa kolehiyo pagtungtong ko doon. But I doubt if it will really change ngayong simula bata ako ay iyon na talaga ang gusto ko.

"Goodluck on your first day."he smiled at me.

Tumango ako sakanya at ngumiti pabalik."Goodluck din sayo!"

Pagpasok ko sa classroom ay nakita ko agad sila Dina at si Dandan. Magkakaklase kami samantalang sila Gerald at Garen naman ay nasa kabilang block pero ABM din ang kinuha nila iyon nga lang nahiwalay samin nila Dina. Pero ayos lang iyon magkikita-kita pa din naman kami siguro tuwing free time.

"Waah! Tori! Buti na lang magkaklas tayo dahil kung hindi papalipat talaga ako kung nasan kayong dalawa ni Dandan."Dina hug me dramatically. Nasa unahan sila pagpasok ko. Wala pa ding nagbago sa paboritong spot nila sa classroom.

Samantalang ako naman ay tinanaw lang ang likod bago naupo na din sa unahan katabi ni Dandan. They both look shocked siguro inaasahan nila na sa likod ako uupo.

"What?"I asked, nagtatanong akong tumitig sakanilang dalawa."For a change."kibit-balikat na sabi ko at naupo na din sila sa tabi ko. They look pleased that I'm seating in front and beside them.

My first day as a senior high and a grade 11 student went well. Masaya na nakakapagod kahit first day palang dahil madami na agad activity pero hindi pa naman seryoso at mukhang getting to know with classmates stage palang wala pa talagang pang acads activities. Kaya enjoy lang.

"Kamusta ang first day mo sa school, Tori? Kaklase mo pa din ba sila Dina?"nakangiting bungad ni mama saakin sa pinto ng bahay.

Hindi na ko pinagbabaon ni mama ng lunch box simula nung tumungtong ako ng grade 10.

Matamis akong ngumiti kay mama at niyakap siya."Masaya po."

"Halika na sa loob at magmeryenda kana."

Tumango ako at napahinto sa pagsunod sa kusina kay mama ng tumunog ang cellphone ko.

From: T

Hi, baby! Sorry hindi kita nasundo sa first day mo pinatawag kasi kami agad ni coach. Can I call you later? I miss you.

Napangiti ako ng mabasa ang text ni Trek bago nagisip na ng irereply sakanya. Nang masent ko na ang reply ko ay sumunod na ko kay mama sa kusina. Naabutan ko doon si mama na katatapos lang maghanda ng meryenda sa lamesa.

Sa mga sumunod na linggo ay naging busy na kami sa pag-aaral ni Trek. Bihira na lang kami magkita lalo na at pagkatapos ng klase ay diretso na siya sa practice. Sa text at tawag na lang kami naguusap. Ayos naman ako sa ganoong set up. Hindi naman ako clingy at needy kaya hindi issue saakin kung busy siya at hindi na niya ko nahahatid sa bahay. Pakiramdam ko nga dahil sa pagiging busy namin ay parang matured na kami sa relasyon dahil hindi namin pinag-aawayan ang ganoong bagay. We understand each other. Alam naming hindi lang sa isa't isa iikot ang mundo namin. We grow together. At kahit busy kami pareho hindi namin nakakalimutan na suportahan ang isa't isa. We are always there for each other. We make sure of that.

Trek StallixWhere stories live. Discover now