Chapter 31

129 3 0
                                    


"Are you sure Chione?" Nag-aalinlangan siya sa narinig niya. Halatang walang kasiguraduhan yung tanong niya saakin dahil alam naman niya na baka bigla ko nalang itong pagsisihan. At ayaw ko naman itong mangyari. 

"Yes." Nakangiti kong tugon sakanya. I know he is just concerned with my decisions dahil minsan I am being impulsive.  I just decide on the things that are currently present and I do not think ahead of my time. 

"Connor, pabayaan mo na yan si Chi. Alam mo naman ang ugali niyan kapag gusto na niyang gawin ang isang bagay." Suhestyon ni ate. 

Nandito ako ngayon sa office ko to sign the resignation letter I am going to pass to my boss. Wala rin alam si Riya na I am planned on quitting my job. I go straight to Attorney Lagdameo's office since it is still early and I know wala pa itong clients for the day. 

Nakita kong nakaupo na sa pwesto nito ang secretary ni Attorney. Nang napansin niya akong nakatayo ay dali-dali itong tumayo.

"Good morning Miss Uy." Bati niya saakin.

Ngumiti naman ako pabalik sakanya. "Good morning. I am here for Attorney Lagdameo, is she already inside?" 

Tumango naman ito at hinintay kong tawagan niya si Attorney to confirm my presence. Madali naman akong nakapasok. Nagpa-salamat nalang ako sa secretary nito. 

"Miss Uy, what brings you here?" Hindi ito nakatingin saakin nang sinaad niya ito. 

Walang salita kong inabot sakanya ang envelope na naglalaman ng resignation letter ko and request for leave of absence. 

"This is your resignation letter." She stated while looking at the envelope. 

Tumango naman ako bilang sagot sakanya. 

"May I know why are you resigning?" I do not know kung sasagutin ko ang tanong niya kasi baka hindi niya magustuhan ang sasabihin ko. 

"Miss, it is because of personal reasons. I also wanted to take a break for a while and just take care of my daughter." It is half true naman. I am resigning because of personal reasons pero I know it is not entirely true.

Tumango naman ito. "Okay then. Miss Uy, thank you for your hard work and good luck for your future." Nakangiti nitong saad. Ngumiti naman ako bilang tugon sakanya. 

"Thank you po for the given opportunities to me." Nakangiti kong saad. Mahahalata mo saakin na I am happy to resign. Siguro I needed to start thinking about my mental health because it is not healthy anymore. 

Mabilis naman akong umalis ng office ni Atty. Lagdameo. Bumalik naman ako sa sarili kong office to tie up some things I need to finish. The lucky thing is that I already finished everything because I already planned to take a leave. Kaya halos wala narin akong kailangang gawin. aside from I need to transfer everything to another lawyer.  I also needed to sign some of the papers. After that ay tapos na ako. 

I am currently working on packing my things because I need to finish everything because I need to finish it before the day ends. 

"Miss?" Hindi ko napansin na pumasok pala si Riya dito sa loob. Pabalik-balik ang tingin niya saakin at dun sa mga gamit na inaayos ko.

"Miss?" Ulit nito. 

Ngumiti naman ako dito dahil hindi ko rin alam what should I tell her pero alam ko naman na alam na niya what is happening. 

"Miss, are you resigning?" Mahina nitong tanong saakin. 

"Yes." Maikli kong saad. Gusto ko narin kasing matapos yung pag-aayos ko ng gamit kasi para mabilis narin akong makaalis. 

Mismong si Riya na ang nag-ayos ng mga law books ko na nasa cabinet pa. Tahimik lang kami parehong nag-ayos. Siguro we both do not know what we both should say to each other. 

Nang matapos kami sa pag-aayos ng gamit ko ay siya na mismo ang nag-dala nito sa lobby. Since I would be waiting for Ethan there. 

While waiting for Ethan ay nag-bilin na ako kay Riya. I worry about her since siya talaga ang una kong secretary since I started my career. 

"Riya, remember this. If ever you encounter problems and even if it is small. Do not hesitate to call me. Miss Lagdameo said you will be assisting a new hired lawyer." Nag-bilin pa ako ng iba iba because kahit gusto kong kasama si Riya ay hindi pwede. I do not have the capacity to hire her with me. Kahit naman kami ang may-ari ng firm pero I am still going to go through the proper process. 

Tahimik lang kaming nag-intay para kay Ethan pero it is a comfortable silence. 

After 5 minutes ay dumating narin si Ethan at dali-dali naman nitong kinuha ang mga boxes ng gamit ko. 

"Good morning sir Ethan." Bati naman ni Riya. Tumulong narin ako sakanila sa pag-ayos ng gamit ko sa trunk ng kotse. 

Mabilis naman naming natapos ang pag-aayos. MAbilis akong sumakay sa front seat while I leaned forward by the opened window. 

"Riya, mag-ingat ka ha." Paalala ko rito. Nakatingin lang ako sakanya at tumango naman ito bilang pag-sangayon saakin.

"Miss, ikaw din. If you have problem, call me." Kumaway naman ito ng paalis na kami. 

Tahimik lang naming binabaybay ang daan ng EDSA. Wala saaming nag-sasalita.

"Chi, Zoe called me kanina from her school and she said Connor is the whom brought her to school." Naka-tuon lang ang pansin nito sa daan ng tinanong niya ako.

Patango-tango naman ako sa narinig ko.

"He fetch us kanina. Actually hindi ko rin alam na dadating siya because wala naman akong sinabi sakanya. Pero bigla nalang siyang dumating sa bahay." Kwento ko rito. Tumango-tanogo naman ito saakin. Ihahatid naman niya ako sa bahay na muna namin kasi hindi pa naman oras para sunduin si Zoe sa school niya. 

Malapit lang naman ang office ko sa bahay namin since it is around Makati lang naman. Hindi ko nga rin alam why I still chose to have my own condominium unit if my home is closer. 

"Hindi na ako makakasama saiyo sa pag-sundo kay Zoe mamaya. I still have so much to do sa office." Saad nito nang maibaba niya ang huling box na naglalaman ng gamit ko. Hindi ko na kasi pinatulong ang mga kasama namin sa bahay since they are doing general cleaning dito sa bahay. 

They usually do general cleaning on weekdays since walang tao dito sa bahay at lahat nasa mga trabaho. 

"MOMMY!!!" Rinig kong tili ni Zoe. Nandito ako sa harapan lang ng school niya. 

"Hello, my dear Zoe." Nakangiti kong saad. Kinuha ko nalang ang maliit niyang bag. Sumakay naman ito sa car seat nito. Nag-kwento lang siya ng kwento tungkol sa nangyari sakanya buong araw. Sabi niya ay binigyan daw sila ng Tootsie Roll nung teacher nila because they are behaved nung may pumunta sa admin ng school.

"Mommy, are you going to stay at home from now on?" She asked while we are getting out from my car. Nakasalubong ko naman yung bagong kasama namin sa bahay. Kinuha niya yung boxes mula sa kotse. 

"Mommy, needed to work. Kapag hindi ako nag-trabaho hindi natin mabibili sila Barbie." Naka-ngiti kong tugon. 

Nagpatuloy nalang kami sa paglakad papasok ng bahay. 

"Mommy last question." Hindi ko alam kung bakit hindi ito nauubusan ng tanong. Siguro because of her age narin. 

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sakanya.

"Will Tito Connor be my daddy?" 

A Walk For You and Me (Friends Series #1)Where stories live. Discover now