Chapter 5

281 9 1
                                    

Nagising na lang ako dahil sa alarm clock na sigaw mula sa living room. Malamang yung si ahia iyon kasi dito siya natulog. Late narin nung nakarating kami dito sa condo. Malamang sa malamang nanonood nanaman iyon ng basketball.

Nang makapag-ayos na ako lumabas narin ako para masilip kung ano yung pinapanood niya. At tama ako. Basketball nga. KBL (Korean Basketball League) ang pinapanood niya. Yung laban ng DB Promy at ng LG Sakers. Sirae VS Jong-kyu. Highest paid player ng Sakers VS Highest paid player ng Promy.

Mas gusto naming nanonood ng KBL compare sa NBA or PBA. Dahil sa hindi ko malamang dahilan.

"Ahia, feeling ko mananalo ang Sakers dyan." mas maraming bagong imports yung team na iyon. Ang sabi din ay may rigorous training daw, may napanood nga rin ako na video na they are running to the mountain top.

"Pero nasa Promy ang dating star player ng Sakers."

Since may feeling na ako kung sino ang mananalo tsaka medyo malaki narin naman ang lamang. Nagluto nalang ako ng breakfast naming dalawa. For sure wala naman na yung mga kaibigan ko.

Hindi ko nga alam kung bakit until now nandito pa yan si Ahia sa condo ko. Hindi ba dapat may pasok siya ngayon.

"Why are you here ba? Don't you have work? I mean alam ko you have a day off pero it is only Wednesday" tuloy-tuloy kong tanong sakanya from the kitchen because of curiosity.

"Pinag-day off muna ako ni Professor Veladezma for a week. All residents will be alternating to have a day off." tuwang-tuwa ako kasi makakasama ko siya ng wala siyang work.

"Since I don't have classes ngayon. Ahia, alis muna tayo ngayon. Gala lang ganun" aya ko sakanya. "And I also need to buy gift for Rain" dagdag ko.

"I thought you already bought a gift for Rain?"

Ang alam kasi ng mga kapatid ko ay may nabili na ako. Kaya ang akala nila pwede na silang maki-ride dun sa gift ko pero biglang nawala.

"May nabili na ako pero birthday pala ni Connor kahapon. Yung nabiling kong regalo, ayun nalang yung binigay ko kasi nakakahiya kung wala akong ibibigay." pamaktol na ang boses ko

Inaamin ko medyo spoiled ako sa mga kapatid ko kasi nga malaki yung age gaps namin. Achi Exie is older by 10 years while Ahia Dame is older by 7 years. They are older when I was born kaya lahat ng gusto ko binibigay nila.

Hinintay ko nalang matapos yung game between Promy and Sakers. Bago ayain ko na kumain na kami. I cooked a simple breakfast. Hindi mawawala ang favorite ko na garlic rice, bacon, sausage, dried fish and mini pancakes for Kuya.

"Tawagan kaya natin si Achi. Let's ask if wala siyang work ngayon." aya ko sakanya.

"May trabaho siya ngayon for sure."

"Wala namang mali kung hindi muna siya papasok ngayon. Also ngayon ka lang nagkaroon ng mahabang off" sabi ko. Kapag nag-aya naman kami ay papayag naman agad iyon si Ate.

Tinawagan namin si Achi after eating. Pumayag naman siya agad at siya pa mismo ang nagsabi na she will just fetch us dito sa condo. She also said na mga ilang minutes land daw ay nandito na siya.

I just put on a simple look with a pair of high-waist black jeans and tucked green sweater. My hair is in a ribbon and also my black sneakers.

"Bring a bag. I will put my things there." Over the door na utos niya

Because of what he said even if I do not have a plan on using a bag. Kinuha ko nalang yung Mini Leather backpack ko at nilagay ko nalang yung mga gamit ko.

Nang makalabas na ako ay nandun na si Ahia na naka-white shirt, black shorts and a simple white sneakers.

"Nandyan na si ate sa ibaba" tumayo na siya sakanyang pakakaupo.

A Walk For You and Me (Friends Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon