Chapter 15

164 6 0
                                    

"As far as I know. Ang sabi ay chillnuman lang. Hindi wild na inuman." Naiinis na saad ni Leila. Yung mga lalaki kasi ay nakahilata sa living room. Si Gavin ay nasa may harapan ng television, si Connor naman ay nasa couch, while si Ethan naman ay nasa ilalim ng dining table. Hindi ko rin alam kung bakit siya napunta doon.

Hay naku, minsan pahirap talaga yang mga yan.

"Alam mo, dapat magka-girlfriend na ito si Gavin. Palagi nalang ganito. Para naman may nag-aalaga diyan." Turo ko kay Gavin.

Natawa ng mahina si Leila at Corrine. "May gusto yang tao pero hindi niya masabi." Kwento ni Corrine.

Hindi na ako magtataka kung bakit alam ni Corrine iyong mga bagay na iyon.

Nagulat ako sa information na nakuha ko. "Really? Sino?" Excited kong tanong.

Ngumiti lang silang dalawa. "Bawal sabihin hangga't hindi pa siya nakakaamin." Sagot naman ni Leila.

Understandable.

"Ganito nalang, kilala ko ba yung babae?" Pilit ko. Sobrang curious kasi ako kung sino iyong babaeng gusto ni Gavin.

Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. "Okay. Kilala mo siya." Ayun lang ang sagot ni Leila.

Pipilitin ko pa dapat pero may tumapik sa balikat ko.

"Chi. Let it be. Kung kailan handa si Gavin sabihin kung sino ang gusto niya ay sasabihin niya rin." Pigil ni Connor sa kung ano man ang maitanong ko pa.

Hindi namin alam na gising na si Connor because of my questions.

"Connor, what breakfast do you want?" Tanong ko rito. Hindi ko na muna siya paglulutuin because may hangover pa ito.

Nakatitig lang siya saakin.

"Connor ano nga?" Ulit ko. Ayaw kasi akong sagutin.

Nagkibit-balikat nalang siya. "Ikaw ang bahala. Just cook a soup." Sagot niya.

After what he said ay nagsimula na akong magluto ng pagkain. Good thing narin muna may stocks si Gavin dito sa condo niya. Kung hindi wala kaming makakain.

I cooked cream and mushroom soup, rice, hotdog, and eggs. After cooking ay tinawag ko na ang mga kaibigan ko. Ginising ang mga dapat gisingin.

"You should not bother cooking so much." Saad ni Aki. Itong babae na ito talaga.

"Pabayaan mo na si Chi, Aki. She wanted to cook naman kanina." Pigil ni Leila. Ayaw kasi ni Aki na nagluluto ako ng maaga. She feels I am obligating myself to cook for them kasi walang marunong sakanila.

Kumain nalang kami kasi bukas ng umaga ang alis naming papuntang Ilocos then pababa ng Philippines.

The plan is, for 14 days we have ay we are going to all the provinces we can fit within the 14 days. It is fun and nothing planned for the day.

After eating. Kaming dalawa ni Connor ang natira dito sa kitchen because we volunteer to wash the dishes.

"Chi. May pinabibigay saiyo si Ethan." Dungaw ni Alice mula sa pintuan.

Naghugas muna ako ng kamay at lumapit sakanya. May dala nga siyang paper bag.

Kinuha ko ito. "What's this?" Tanong ko.

Nagkibit-balikat si Alice. Maliit na paper bag lang ito. Nang binuksan ko ay ang nakalagay yung Pandora na bracelet. Nagulat ako na ibinigay niya ito saakin kasi itinuro ko lang naman sakanya ito. No intention na ipabili.

Napasinghap si Alice sa nakita niya. Maski ako hindi makapaniwala na binili niya ito.

"Girl. Bakit naman ganyan si Ethan magregalo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Alice.

A Walk For You and Me (Friends Series #1)Where stories live. Discover now