Chapter 14

154 7 0
                                    

"Chione, where's your rigatoni pasta?" Rinig kong tanong ni Connor mula sa kitchen.

"I think there are still some sa pantry." Pasigaw kong sagot sakanya.

Madalas na nandito si Connor sa unit ko. Nakasanayan narin namin na sabay kaming kumakain ng dinner and breakfast. Sa lunch naman ay he will message me to eat first before studying.

"Connor what are going to cook?" Tanong ko sakanya habang palapit sa kitchen.

Binalingan muna niya ako ng tingin. "Creamy pasta." Pinagpatuloy nalang niya iyong niluluto niya. Siya ngayon ang nagluluto for our dinner kasi I am lazy.

"Gavin messaged. Pupunta daw sila nila Corrine ngayon." Pagbabalita ko.

Napatingin siya saakin. "Do I need to allot a portion for them too?" Tanong niya.

Since sabi naman ni Gavin na pupunta sila ngayon. "Yes, kung hindi naman sila dito kumain. Pwede naman nating kainin siya bukas for breakfast." Sagot ko sa tanong niya. "Do you want for me to bake some garlic breads? Or some twisted bread?" Dagdag kong tanong.

Napaisip siya kung anong gusto niyang bread. "Garlic Bread." Simple niyang tugon.

We both work in our own stations para hindi na kami magkaproblema. Madali lang naman gawin ang Garlic Bread.

After 10 minutes ay nag-ring yung doorbell ng unit and obviously, that is our friends. Sinalubong ko sila since I am done with the Garlic Bread.

Pagkabukas ko. "Bakit ba kasi kayo nandito?" Tanong ko sa mga walanghiya kong kaibigan.

Tumawa lang sila. "Wala lang." Walang modong pagkasabi ni Gavin. Hinambalos ko si Gavin ng paper bag na dala niya.

Natahimik sila pare-pareho. "May nagluluto ba?" Curious na tanong ni Corrine. Pinilit ko silang pumunta nalang sa living room para doon kami habang si Connor naman ay nagluluto.

Tumikhim si Gavin. "Hindi mo sinasagot iyong tanong." Pahayag niya.

Sinadya kong hindi sabihin sakanila kung sino iyong nagluluto kasi sobra pa naman ang bibig ng mga kaibigan ko. Kapag nasimulan na sila ay hindi na sila tumitigil.

Sinamaan ko sila ng tingin. "Hindi nga seryoso. Bakit kayo nandito?" Seryoso kong tanong sakanila. Hindi naman sila basta-basta pupunta kung wala talaga silang pakay.

Sumeryoso narin yung mga mukha nila. "May birthday celebration si Patrick." Pagkasabi ni Alice iyong mga katagang iyon ay sabay-sabay silang tumawa.

Sinamaan ko ulit sila ng tingin. "Akala ko naman kung ano iyong problema." Bulyaw ko sakanila. Nagtawanan nalang silang lahat kaya mas nainis pa ako.

Naririnig ko na yung paglapag ng mga food wares sa table kaya lumapit ako doon.

"Do you need help?" Tanong ko. Tumingin lang siya at umiling saakin. Si Connor na mismo ang nag-ayos ng mga plates kaya inaya ko nalang sila Gavin.

Lumapit ako sakanila. "Gav, kain kayo." Aya ko sakanila. Nagsilapitan sila tatlo saakin para sumunod papuntang dining area.

Nakita ko na nakaupo na si Connor dun sa usual seat niya. Yung mga pagkain din ay nakaayos narin sa table with also water, juice, and soda.

Hindi parin ata nila napapansin si Connor until now pero napansin din siya agad ni Alice after we all sit down.

"Uy, Connor what are you doing here?" Gulat na tanong niya. After what she said ay lahat sila nagulat pero they recover immediately.

"Hi, Connor." Bati nila.

Ngumiti lang si Connor sakanila. Wala saamin parehas na sumagot doon sa tanong nila. Hindi ko rin alam kung bakit maski si Connor ay hindi sumasagot.

A Walk For You and Me (Friends Series #1)Where stories live. Discover now