Chapter 18

371 18 0
                                    

Tuliro akong umuwi ng apartment. Pinilit kong iwaksi ang mga nagbabadyang luha habang sinisilid sa maleta ang mga damit. Wala ako sa tamang hwisyo at ang tanging naiisip ko lang ay ang makalayo kay Liam. Ayokong makita ang pagmumukha niya kahit kailan.

I cried for almost an hour while looking at the room that served as a witness to our intimate moments. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling umiyak nang ganito. Ever since my mom died, I haven't shed a single tear. Para sa akin ay wala nang mas sasakit pa sa pag-iwan ng nanay ko sa'kin. Sinong mag-aakala na 'yung taong minahal mo at tinuring mong tahanan ay siya rin palang mananakit sa'yo sa bandang huli?

"Sigurado ka na bang aalis ka? Sayang naman ang advance payment mo. Hindi ka na ba babalik?" tanong ni Aling Cecil, dahilan ng pagkagising ko mula sa mga iniisip.

Awa ang bumalatay sa mukha niya habang pinapanood akong nakasalampak sa pader na puno ng luha ang mukha. Sa tanang buhay ko ay ayaw na ayaw kong kinakaawaan ako ng mga tao. Lagi kong pinapakita na kaya ko at malakas ako. Na kahit anong mangyaring unos sa buhay ko ay malalampasan ko kasi malakas ako. Pero ngayon, hindi.

Para bang isang gatilyo ang mga nangyari na naging dahilan ng pagsabog ko. Ang mga tinatagong emosyon noon ay sabay-sabay na lumabas kaya halos hindi ako makahinga sa sakit. Ni hindi ko rin makilala ang sariling boses dahil sa pagkapaos. Siguro nga ay totoo ang sinasabi nila. Kapag sobrang saya ng mga nangyayari sa buhay mo ay kabahan ka na kasi may darating na problema. Hindi hinahayaan ng tadhana na lagi kang masaya kasi mas natutuwa ito kapag nakikita kang nagdurusa.

"May bababa ba? Nasa bayan na tayo ng Subic!" sigaw ng kundoktor na naging dahilan ng pagtayo ko.

Pagkababa ko ng bus ay sumalubong sa mukha ko ang hampas ng hangin mula sa probinsyang nakalakihan. Sa pagbalik ay nagbalik rin sa'kin ang mga paghihirap na dinanas nang mawalan ng ina sa murang edad. Kung paano ako nawalan ng ganang mabuhay at sa edad na trese ay sinubukang magpakamatay.

Kung paano ako sisihin ng tiyahin na ako raw ang dahilan ng pagkamatay ng sariling ina. Na kung hindi lang daw ako nabuhay sa mundo eh 'di sana ay buhay pa ang kapatid niya.

Itinanim niya sa utak ko na kasalanan ko ang lahat. Sa murang edad ay pinaniwalaan ko na kasalanan ko nga. Nang magkaisip ay saka ko lang pinatawad ang sarili. Kaya mahirap sa'king tanggapin na ang puno't dulo ng mga problema ko ay naabswelto sa krimeng ginawa niya habang ako ay nakulong sa sariling nakaraan. Paano kaya siya nakakatulog sa gabi kahit na alam niyang may taong namatay dahil sa kanya? Hindi man lang ba siya inusig ng konsensya niya?

Nagsimula akong maglakad sa masukal na parte ng Subic hanggang sa marating ko na ang kinalakihang bahay. Nakita kong natigilan ang nagwawalis na tiyahin nang makita ako. Pinasadahan niya ng tingin ang dala dala ko at nang makita ang ekspresyon sa mukha ay walang salita niyang kinarga ang mga bagahe ko.

Sinundan ko siya papasok. Walang asawa ang auntie dahil pinili niyang mapag-isa. Ang sabi niya ay minsan na siyang nagmahal sa isang lalaking malapit nang ikasal. Nang malaman niya 'yon ay pinapili niya raw ito ngunit dahil mayaman ito at nakatali sa isa pang mayaman ay hindi siya ang pinakasalan. Hindi na raw niya naisipang humanap pa ng iba kasi may parte pa sa kanya na umaasang babalikan siya nito.

"Kumain ka muna at mukhang pagod na pagod ka. Nagluto ako ng tinola, nandiyan sa lamesa. Sandukan mo nalang ang sarili mo kasi hindi ka naman disabled," monotonong saad nito at pinasok na ang bagahe ko sa kwarto.

Sinunod ko ang utos niya at nagsandok na ng kanin sa plato. Pagkabalik niya ay siya ring pag-upo ko sa harap ng hapag. Isinalin niya ang tinola sa bowl at pagkaamoy na pagkaamoy ko nito ay tila ba umikot ang sikmura ko.

Napatakbo ako sa banyo at dumuwal kahit na wala namang nailalabas na suka. Umiikot ang paningin ko at ang ulo ay ultimo pinupukpok.

"Ano 'yan, buntis ka?" tanong ni auntie, dahilan ng pagkatigil ko sa pagmumumog.

In Between The SheetsWhere stories live. Discover now