Chapter 14

1.3K 50 8
                                    

"You're late again, Lyra!" natatawang saad ni Mr. Bueno sa dalagang dumating. Base sa hulma ng mga mukha nila ay batid kong mag-ama sila.

"'Di ka pa ba nasanay kay Lyra, sir? She spends forever in the shower!"

Liam ran his hands through his hair, staring at the woman next to him. I noticed how Lyra's hands trembled and the way her eyes sparkled just by receiving a glint of attention from Liam. The latter laughed along with the two men and I never felt so outcast. Para akong isang teenager na naggala kasama ang bestfriend ko, not knowing na may sinama siyang ibang kaibigan niya kaya 'di ako maka-relate sa usapan nila.

Buti nalang biglang dumating 'yung order namin kaya may rason ako para ipagsawalang-bahala ang mga naiisip ko. Nang maihatag na sa lamesa ang mga pagkain ay walang sabi-sabi ko 'yung nilantakan habang busy silang tatlo sa usapan. Natigil lang din ako sa gagawing pagsubo nang biglang ibigay ni Liam ang pagkain niya kay Lyra at umorder pa ng isa. Sa sobrang kilig ng higad ay napahampas pa ito sa braso ni Liam at kulang nalang ay umikot ang mga mata ko sa nasaksihan.

"How was your school, by the way? What did you took nga ulit? Related din ba sa engineering or software designing?" Liam asked after awhile.

"Multimedia arts! You know how I hated math naman, 'di ba? Ikaw pa nga ang tutor ko noong senior high palang ako at alam kong na-stress ka sa'kin nang bongga noon! Kaya you wish na kukuha ako ng course related to math especially engineering. I don't want to die early kaya!" Lyra answered, dahilan ng pagngiwi ko.

"I don't want to die early kaya~!" I made a face and mimicked her tone in a voice as low as a whisper.

Liam, the observant he is, noticed what I did. He furrowed his eyebrows at me and the amused expression was plastered all over his face.

Naputol lang ang tingin niya sa akin nang biglang dumating ang follow up order niya at imbes na sa akin ay nakipagtitigan siya sa pagkaing nakahatag sa harap niya na tila ba malalim na tumatakbo sa isipan.

"Alam mo naman 'yang si Lyra, Liam, walang interes sa business. Kaya nga hindi ko alam kung sinong magmamana sa negosyo ko eh siya lang ang unica ija ko. Paano nalang kung mawala ako, 'di ba?" madramang saad ni Mr. Bueno.

"Papa, don't you worry, papakasalan ko naman si Yamyam. At least siya, alam niya na pasikot-sikot sa business world niyo kaya you don't need to be worried, I'm in good hands..." the bitch have the audacity to smirk at me while saying that.

"Ly, I told you before na para lang kitang nakababatang kapatid, 'di ba? Atsaka may girlfriend ako..." sabat naman ni Liam na marahas na napabuntong-hininga sa tabi ko.

Lyra snorted and rolled her eyes on Liam, "Yamyam, you know naman na there's no such thing as 'taken' if you're going to fill up a form that asks for your civil status. Basically, you're still single because you are not yet married so you can still date me!"

Nanlaki ang mata ko sa tinuran ng higad. Ang kapal ng mukha! Kung makapagsalita kala mo single pa 'yang kinakalantari mo. Na-normalize na ba ang pagiging kabit ngayon at mukhang hindi ako updated?

"Apparently, I'm already engaged with her..." Liam simply answered as he looked at me. I raised a brow at him but immediately changed my expression when Lyra looked at me in confusion.

"Oh, so you proposed na ba sa kanya?" she barked and continued eating her steak, unbothered.

"Lyra..." saway naman ng tatay niya.

"Not yet."

"Then why are you claiming na she's your fiancee when you didn't even asked for her hand so you can marry her?"

In Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon