Chapter 8

1.7K 66 10
                                    

Matapos naming mag-grocery kahapon ay tinaboy ko na agad si Liam paalis ng bahay. Hindi dahil sa naiinis ako kundi dahil marami pa siyang kailangang tapusing trabaho at kung habang-buhay siyang tutunganga sa apartment ko ay parehas kaming walang matatapos.

Alam kong medyo harsh ako sa part na matapos niya akong i-grocery ay itataboy ko na, pero kasi, kaliwa't-kanan na ang tawag sa kanya ng sekretarya niya pero wala pa rin siyang pakealam. Ang hudyo na 'yon! Wala man lang atang pakealam kung iiwan siya ng mga kliyente niyang nagpapa-schedule ng meeting sa kanya. Sabagay, sa yaman ba naman ng mokong, hindi niya na ata mapapapansin kung nalagasan na siya ng ilang milyon.

"Miss Serene, pinapatawag ka po ni Sir Liam."

Kunot-noo akong napabaling sa secretary ni Liam na bumaba pa talaga sa floor department namin. Sa sobrang lakas ng bunganga nito ay halos magsilingunan na ang mga katrabaho ko sa gawi namin.

Napapikit ako nang mariin at pilit na ngumiti, "Sige susunod na 'ko."

Pagkatalikod niya ay agad ko siyang sinundan dahil namamataan ko nang ako nanaman ang magiging topic ng chismisan. Hindi na bago sa'kin 'yun dahil kahit naman noong bata ako ay gustong-gusto ng mga tao na updated sila sa nangyayari sa buhay ko. Daig ko pa nga ang artista sa sobrang daming nakikiusisa sa buhay ko.

Pagkapasok namin sa elevator ay agad na pinindot ng secretary ni Liam ang button ng floor niya. Tinanaw ko siya mula sa gilid ng mga mata at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nabaling ang tingin ko sa medyo umbok sa tiyan niya.

"B-buntis ka?" tanong ko at huli na nang mapagtanto na 'di ko nanaman na-kontrol ang bibig ko. Malamang, Serene! Obvious ba?

Pero parang wala lang naman sa kanya 'yung kontrobersyal na tanong ko at sa halip ay tumango lang siya habang namumutawi ang ngiti sa labi.

"Ah, ano..." pagputol ko sa namutawing katahimikan.

"Kyra. Ako si Kyra."

"Ah, Kyra hehe. Pwede bang magtanong ulit kung di mo mamasamain?"

"Oo naman, ano 'yun?"

Nagdadalawang-isip pa 'ko kung sasabihin ko ba ang namumuong tanong sa utak pero sa huli, dahil lumaki ako sa chismosang kapaligiran, umusisa na rin ako.

"Sino ama niyan? Si Liam ba?" nang-aalangan kong tanong na naging dahilan ng paghawak niya sa dingding ng elevator dahil sa pagkawala ng balanse.

"Gaga ka ba?!" tanong niya na sinundan ng nakakalokong tawa. "Pasmado ba utak mo at nakapag-isip ka ng gan'yan?! Excuse me, Serene wala akong planong agawin si Sir Liam sa'yo kasi may Yuan na 'ko!"

"Eh hehe..." saad ko nalang at medyo nakahinga nang maluwag.

Nagtanong lang naman ako kasi malay mo, 'di ba? Ang libog pa naman ng mokong na 'yun kaya dapat maka-sigurado tayong wala siyang ibang anak sa labas. Ang unfair naman ata nu'n sa part ko.

Pagkalabas namin ng elevator ay agad na bumungad sa'kin ang nakabusangot na mukha ni Liam habang nakatingin sa laptop. May suot-suot siyang reading glass at ang suot na longsleeve na polo ay hindi nakasara ang dalawang butones sa taas. Gulo gulo rin ang buhok nito at halatang problemado.

"Oh anyare sa'yo?" bagot kong tanong na naging dahilan ng pag-angat ng tingin niya mula sa laptop patungo sa'kin.

"Nagkaroon lang ng kaonting problema sa issuance ng financial reports. Mukhang nagkakaroon ng anumalya..." aniya at agad naman akong tumango-tango, kunwari ay naiintindihan ang pinagsasasabi niya at ang mga papeles na may nakakahilong numbers sa table niya.

In Between The SheetsWhere stories live. Discover now