Chapter 20

318 18 0
                                    

Halos mangatog ang tuhod ko. Sa maikling oras ng pagsasalita ni Liam sa stage ay hindi ako nakahinga. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko at hindi ako makapag-isip nang maayos.

"Shit. Shit..." mahinang mura ko. What the fuck is happening? This is not part of the plan! How could I forget that fucking building that Zacharias gave to me as a consolation gift for my mother's death? Putangina!

"Huy, ano? Okay ka lang ba diyan? Humihinga ka pa ba? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?" bulong ni Samuel, dahilan ng pag-ikot ng mata ko.

"OA mo ha?"

"Eh kasi naman! 'Di mo naman kasi ako winarning-an na kailangan ko pa palang magdala ng nebulizer sa oras na makita mo siya at mukhang hindi ka nakahingang malandi ka!"

Hindi ko nalang siya pinansin at tinaas ang kamay para imuwestra sa waiter ang wineglass na wala nang laman. Agad naman itong tumalima at naglagay ng wine.

Nang makaalis siya ay inisang lagok ko ulit 'yon sa sobrang tensyunado. Pagkababang-pagkababa ko ng wineglass ay nakita ko si Liam na naglalakad na papalapit sa table namin. I pressed my lips together, trying so hard to hide the nervousness on my face.

"We meet again, Ms. Cervantes..." he greeted, full of sarcasm. I couldn't help but to notice how he emphasized my surname with so much bitterness in his tone. What, Liam? You can't move on?

"Fancy meeting you here, Mr. Anderson. I'm Samuel Dalton..." sabat ni Samuel nang mapansin niyang wala akong planong mag-aksaya ng laway para makipag-plastikan kay Liam.

"I didn't mean to offend you but I don't remember asking..." Liam coldly said in a gritted teeth. Naiwan tuloy sa ere ang kawawang kamay ni Sam na nakalahad. Napailing ako. Hindi pa rin nagbabago, antipatiko pa rin.

Bumaling si Sam sa'kin na namumula na ang mukha sa pagkakapahiya. Kinagat ko ang labi ko nang bumulong siya upang pigilan ang sarili sa pagtawa. Mukha siyang basang sisiw!

"Pigilan mo 'ko. Pasalamat siya gwapo siya at pwede niya akong bara-barahin. Naku, kung hindi... ay naku! Baka molestiyahin ko 'yan sa harap mo, rawr!"

Natatawa rin akong bumulong pabalik, "Sige nga, gawa? Baka hindi mo pa nahahawakan ang dulo ng daliri niyan ay nasapak ka nang bakla ka."

Samuel was about to say something but he was interrupted when Liam cleared his throat. "I hope I'm not interrupting your landian session but I am here to talk about business and legalities. So please, set aside your kalandian. Ang sakit sa mata."

Tunaas ang kilay ko sa narinig. Wow really, Liam? Coming from you?

"If you want to talk about business, talk to my father. Kung legalities, you can talk to our lawyer. I know it's hard for you to move on but please, be professional. Don't let your feelings consume you..." I sarcastically said.

"What made you think that I haven't moved on yet?" he grinned.

Nalusaw ang sarkastikong ngiti sa labi ko. Nang mapansin niyang natigilan ako ay muli siyang nagsalita sa isang mayabang na tono.

"It's been almost 2 years since you left me, Ms. Cervantes. Sa tingin mo, hindi sapat ang almost 2 years na 'yun para mag-move on? Anong tingin mo sa'kin, aso na matapos mong iwan ay hahabul-habulin ka? Come on, hindi ako masokista."

"Don't let your feelings consume you," he mocked. "Hindi ba't dapat sa sarili mo sinasabi 'yan? Ika nga nila, practice what you preach. But don't worry, I can definitely assure you that I don't let my personal feelings affect my professional judgement. Sana ganu'n ka rin."

He gave me one last look before he smirk at Samuel and turn his back on us. Naikuyom ko ang kamao ko. Putangina mo talaga, Anderson!

"Hoy bakla, saan ka pupunta?!" sigaw ni Samuel nang mag-martsa na ako paalis sa venue.

In Between The SheetsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ