Chapter 5

4.5K 73 8
                                    

Kasalukuyan akong nakaupo sa lamesa ko ngayon, tuliro pa rin dahil sa nangyari kanina sa top floor. Paulit-ulit na parang sirang plaka kong naririnig ang naging pag-uusap namin ni Liam kanina. Dumapo ang tingin ko sa computer screen na paulit-ulit ko ring binabasa pero hanggang ngayon ay wala pa ring na-aabsorb ang utak ko. Ayun tuloy, nang madatnan ako ni Sariah ay halos mapaigtad ako sa exaggerated na pag-ubo niya.

"Ano?"

"Anong ano ka diyan? Ano na girl? Anong ginawa mo sa top floor at parang pasan mo ang mundo sa itsura mo ngayon?" 

"Wala," sagot ko at inabala ang sarili sa binabasa.

"Kung wala, bakit ka nagkakaganyan?"

Jesus, ano ba ang dapat kong isagot sa bruha na 'to? Pinatawag ako ng boss namin to have sex with him? Swerte niya naman kung sabihin ko sa kanya 'yun kaya napagdesisyunan kong 'wag nalang siya pansinin at nag-focus nalang sa pagbabasa ng material ng password encryption para sa kumpanya. Napansin niya sigurong ayokong makipag-usap kaya medyo tumahimik siya. Although, tingin pa rin siya nang tingin sa'kin, ultimo nakagawa ako ng krimen, mas mabuti na rin 'yang ganyan siya kesa sa inuusig niya ko na magkwento.

Nang mag-lunch time ay dumiretso ako sa sandwich shop sa labas ng kumpanya. Nag-order ako ng isang meatball sandwich at umupo sa isang table na malapit sa window.

Muli nanamang lumipad ang isip ko kay Liam. For some reason, familiar talaga ang mukha niya. Hindi ko lang mataandaan kung saan ko siya nakita. Ipinagsawalang-bahala ko nalang 'yun at inabala ang sarili sa pag-ubos ng sandwich. Hindi pa ako nangangalahati ay bigla nang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nag-text. At sino naman kaya ang poncio pilatong magte-text sa ganitong oras?

"Where are you?" It was from an unknown number.

Magre-reply na sana ako kaso nakita ko si Bench na pumasok rin sa sandwich shop. Kumaway ako nang makita niya ako.

"Uy, Serene! Ayos lang ba kung maki-share ako ng table sa'yo?"

I shrugged, "Oo naman!"

Dumapo ang tingin niya sa sandwich ko at halos magningnig ang mga mata niya. "Parang masarap 'yan, ah? Maka-order nga. Wait lang."

Hindi naalis ang mata ko sa likod niya nang maglakad siya papunta sa counter. In fairness, cute siya. Hindi siya kasing-gwapo ni Liam pero cute siya. Tumunog ulit ang cellphone ko dahil sa text ni Sariah na nagpapabili ng lunch dahil hindi raw siya makakababa. 

Natawa nalang ako nang pagkabalik ni Bench ay agad niyang nilantakan ang in-order na sandwich.

"Ngayon ka lang ba nakatikim niyan?"

"Oo eh, wala kasing ganito sa bundok," biro niya na muli kong ikinahalakhak.

We continued to eat and talk. When I was done, I ordered a sandwich for Sariah. Sabay na rin kaming pumasok sa kumpanya. Pagdating namin sa lobby ay kinawayan ako ni ateng nasa front desk.

"Bakit?" tanong ko, habang binibigay ang pagkain ni Sariah kay Bench. Kumaway siya upang magpaalam saka naglakad papunta sa elevator.

"Miss Cervantes, Mr. Anderson has requested you on the top floor."

Ano nanaman ba ang kailangan sa'kin ng poncio pilato na 'yun? Kung sa tingin niya mapapasunod niya 'ko sa mga utos niya, pwes nagkakamali siya. Kaya naman pagkasakay ko ng elevator ay pinindot ko ang button ng floor department ko.

Pagkadating ko ay bumungad sa'kin si Sariah na nilalantakan na ang binili ko. Nagningning ang mga mata niya nang makita ako.

"This is heaven! Gutom na gutom na ako akala ko mamamatay na ako sa gutom!"

"Ano ba kasing ginawa mo at hindi ka nag-lunch?" tanong ko habang umuupo sa desk ko.

"May isa kasing nag-break down na server at kailangan kong ipaayos sa maintenance kaya ayun... pero okay naman na!"

"Ah..." saad ko nalang at binuksan ang computer para makabalik na sa trabaho.

Magsisimula na sana ako ulit nang biglang tumunog ang landline sa mesa ko.

"Hello, this is Serenity from the IT Department of Anderson Corporation. How may I help you?"

"Serene..." Kinilabutan ako nang marinig ang malalim na boses ni Liam sa kabilang linya. Napakagat-labi ako kasi may parte sa akin na masaya dahil nakausap ko ulit siya kahit na feeling ko ay matutuliglig na ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"Ano?" tanong ko at inilibot ang tingin sa paligid para ma-check kung may nakatingin ba sa akin.

"Saan ka nag-lunch?"

"Sa sandwich shop sa baba. Bakit? May kailangan ka ba?"

Natahimik ang linya kaya akala ko ay binaba niya na pero ilang minuto lang ay muli siyang nagsalita, pero this time ay mas malalim.

"Come up here, angel..."

"At bakit naman kita susundin?"

"Dalawa lang 'yan. It's either ikaw ang aakyat dito o ikaw ang bababain ko. Mamili ka."

"Oo na papunta na!" Napipilitan kong saad na dahilan ng pagtawa niya.

Nagmamadali akong sumakay ng elevator at pinindot ang button ng top floor. Liam will be the cause of my death. Hindi ko matapos ang trabaho ko nang dahil sa kanya!

Pagkarating ko ay nadatnan ko siyang nakasandal sa swivel chair niya habang iniikot-ikot niya 'yun nang bahagya. Nagtaas siya ng kilay nang galit kong hinampas ang table niya.

"Ano bang gusto mo?"

Inilapit niya nang bahagya ang mukha niya sa mukha ko, dahilan ng pagpikit ko. Tila nawawala nanaman ako sa hwisyo lalo na nang maamoy ko ang amoy ng mouthwash at aftershave niya. Ikinuyom ko ang mga kamao ko upang ikalma ang sarili.

"Ikaw ang gusto ko," saad niya habang ang mga mata ay nakadapo sa labi ko.

"Hindi mo ako pwedeng ipatawag nalang basta-basta. May trabaho akong kailangang gawin, Liam!"

"Uhuh..." Kinuha niya ang kamay na ginamit ko panghampas sa table at nang makita niyang namumula 'yon ay agad niyang ni-rub ang thumb niya para maibsan ang sakit.

"This is unprofessional, Liam. Kailangan nating mag-set ng boundary line!" Reklamo ko at binawi ang kamay sa pagkakahawak niya. "What are we even doing? Jesus, Liam. Boss kita at mas lalong hindi tayo mag-jowa!"

"Pwede bang manahimik ka muna, Serene?" Nagsimula nang kumunot ang noo niya. "Why do you have to think so damn much in that head of yours? Does it ever stop?"

Sinamaan ko siya ng tingin, "Anong gusto mong gawin ko? Bago mo sana ako paungulin, check mo muna label natin!"

He smirked in a cocky way then crushed his lips against mine to silence me. There goes my last coherent thought that I was clinging onto. I gripped his shirt and pulled him closer to me. His hand cupping my nape as he kissed me passionately. His tongue darting out to play with mine and roaming every crevice inside my mouth. Jesus, he was a good kisser.

When he broke away, his lips were swollen red from kissing me and his eyes were hooded still with desires. He rubbed my lips gently before his eyes fleeted back up to mine.

"You are mine which means you are my girlfriend. Do you understand that, Serene?" He stated. "Now, say it."

"I'm your girlfriend..." I replied like a robot. I just kept staring at his handsome face. Oh, how I wanted him to take me again.

In Between The SheetsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant