Chapter 9

1.5K 60 7
                                    

"Oh bakit andito ka pa?" panimulang bundad sa'kin ni Sariah nang dumating ako sa floor namin.

"Ah? Kasi dito ako nagw-work?" naguguluhan kong sagot.

"Gaga! Tanggal ka na raw! Nalaman ng board 'yung sexcapades mo with sir Liam. Nagdesisyon silang sibakin ka!"

"What the fuck? Seryoso?" aligagang tanong ko habang pinapasadahan ng tingin ang buong floor. Wala na nga ang mga gamit ko sa cubicle ko kaya mas lalo akong ginapangan ng kaba sa dibdib.

"Hala, Sari! Kailangan ko ng trabaho. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho, wala akong mapapadala kina auntie. Shit, Sari. Baka pwede naman silang pakiusapan, 'di ba? Iiwasan ko nalang si Sir Liam para hindi ako matanggal. Sari, tulungan mo 'ko."

But instead of helping me out, Sari just laughed out loud because of my reaction. Napahawak pa siya sa tiyan niya na tila ba tuwang-tuwa sa nakuhang reaksyon sa'kin. Kumunot ang noo ko at pinag-krus ang magkabilang braso sa dibdib nang ma-realize na, ah ginagago lang ako ng bruha na 'to.

"Oh my God, the look on your face is so satisfying to see. Sobrang laptrip ka, ghorl. Tingin mo naman kaya kang sibakin ng mga 'yon? Duh, did you forget na jowa mo may-ari ng kumpanya? Baka sila pa sibakin ni Sir Liam!" she laughed again, tears are already forming beside her eye, making me sigh exaggeratedly.

"Punyemas kang babae ka, kinabahan ako! Nasaan na ba kasi mga gamit ko at bakit nawala bigla sa table ko? Akala ko tuloy ay talagang sinibak na 'ko!"

"Girl, 'di ba sinabi ng jowa mo na gagawin ka niyang substitute secretary kasi nag-maternity leave 'yung secretary niyang balyena?"

Pagkasabing-pagkasabi niya no'n ay agad akong sumakay sa elevator para dalhin ako sa top floor kung nasaan ang office ni Liam. Ang gago talaga na 'yon! Padalos-dalos kung mag-desisyon at halos hindi man lang magtanong kung payag ba ako sa gano'ng set-up. Kahit ano nalang talagang naisin niya, gusto niya nakukuha niya, eh!

Padabog kong binuksan ang pintuan ng opisina ni Caspian at agad na tumambad sa'kin ang mga gamit ko na nakasalansan na sa lamesa na ilang dipa lang ang layo sa lamesa niya.

Mula sa laptop ay itinaas niya ang tingin sa mga mata ko. Puno ng pagtataka ang rumehistro sa mukha niya habang pinapanood ako na nagpupuyos sa galit.

"Ano'ng nangyari at bakit ako tinanggal sa department namin?"

He looked at me with amusement in his eyes. His eyebrows shot up and a ghost of smile was written on his lips, tila tuwang-tuwa pa sa reaksiyon ko. "'Yan lang kinakagalit mo?"

"Sagutin mo ang tanong ko, Liam."

"Remember my secretary, Kyra? She took a maternity leave, so meaning, her position is vacant and I need a replacement for her. And because I don't trust just anybody, I chose you..." he explained while swaying his swivel chair. "Besides, matagal ang process ng application for this position, at mahihirapan lang ang HR kung iba-background check ang lahat ng applicants so, naisip kong ikaw nalang tutal intern ka naman at hindi ko masikmura 'yung nalalamang inuutus-utusan ka lang sa baba ng mga employees ko."

Kumalma ako sa narinig na explanation muka sa kanya. Totoo namang masyadong harsh ang mga may mataas na position sa department namin, palibhasa regular na sila kaya kinakayan-kayanan lang nila mga tulad kong intern at bago pa lang. Hindi ko talaga malilimutan noong inutusan ako ng isa sa mga manager na bilhan siya ng pagkain tas noong hihingin ko na ang pambili sa kanya, sinabihan ba naman akong ako nalang daw ang magbayad tutal kakasahod ko lang? The nerve? Eh, 'di hamak nga na mas mataas pa ang sahod ng bruha na 'yon sa'kin tapos siya pa ang kuripot? In the end, hindi ko siya binilhan kaya tinambakan niya ako ng trabaho.

In Between The SheetsKde žijí příběhy. Začni objevovat