Chapter 15

399 23 3
                                    

I was fuming mad when we arrived at the hotel room but I tried so hard to suppress my anger because I don't want to break down. Ang ayaw ko sa lahat ay 'yung nakikita ng ibang tao na mahina ako dahil ayaw ko ng kinakaawaan.

Marahas kong binato ang hand bag sa kama at agad na tinanggal ang sapatos. Walang imik akong kumukuha ng damit sa bagahe nang marinig ko ang marahas na buntong-hininga ni Liam.

"Baby..." he called. "Can we talk?"

Maang-maangan akong lumingon sa kanya, "Why? What are we going to talk about? May dapat ba tayong pag-usapan?"

"Yes, about earlier..."

"What about earlier?"

"I don't know. Ask me anything. I want to know what's going on with your mind because it's driving me insane."

Umismid ako at napa-irap, "Kung nababaliw ka pala sa mga iniisip ko, eh baka panahon na para magpa-admit ka sa mental. Hindi 'yung ako ang ginagawa mong rehabilitation center to cure your mental disability."

He was taken aback with my sudden outburst. Tila ba hindi inaasahan ang nakuhang reaksyon sa'kin. Pinasadahan niya ng dila ang labi at nang makabawi ay marahas na napabuntong-hininga at humarap sa'kin.

"See? You're claiming na wala tayong dapat pag-usapan pero ganyan ka kung umasta."

"How do you expect me to react matapos akong insultuhin ng babae mo?"

"I told you, hindi ko siya babae. She's just a little sister to me!"

"Marry her so you could inherit her father's company. Ayaw mo nu'n, you're going to expand your assets?" I joked to lighten the mood but he just got angrier.

"Ganu'n ba kababa ang tingin mo sa'kin?" he asked in a cold voice that sent chills to my spine.

His eyes that are now directed to me became darker. Para bang kaunting putol nalang ng pasensya niya ay pwede niya na akong sakmalin.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama at dahan-dahang lumapit sa'kin. His walk reeks of arrogance. Umiigting ang panga habang ang mga braso ay kinukulong ako sa pader.

Nakipagtagisan siya ng titig gamit ang mga nag-aapoy na mata na tila ba naghahamon. Nang hindi na makayanan ay tila ba bumigat ang mga talukap at pinagmasdan nalang ang labi kong nakaawang.

"A-ano? You're going to fuck me again? Ganiyan na lang ba lagi ang gagawin mo tuwing mag-aaway tayo?" saad ko habang pilit na tinatago ang nanginginig na boses sanhi ng pag-angat ng tingin niya sa mata ko.

"No..." he gulped. "We'll talk."

I smirked, mocking his statement. "Really?"

"Really. We need to solve our problems," bulong niya na tila ba sarili ang kinukumbinsi.

"Okay."

Tumango siya at muling pinasadahan ng dila ang labi nang 'di inaalis ang tingin sa mata ko.

"About earlier, I'm not going to marry you then divorce you after. God fucking knows how I did everything just to hold you in my arms like this..." he whispered while his arms lingered around my waist.

"What do you mean? Did we met elsewhere aside from your company?" takang tanong ko kasi malinaw pa sa alaala ko ang unang naging interaction namin. Paanong he did everything? 

"Uh-huh..." he nodded and put his face on my neck, inhaling my scent.

"Saan tayo unang nagkita kung gano'n?" tanong ko pero imbes na sumagot ay patuloy siya sa pagsinghot sa leeg ko kaya tinulak ko siya nang bahagya.

In Between The SheetsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora