Epilogue

483 24 2
                                    

On our way to the hospital, no one dared to speak. Pati ang paghinga ay kontrolado ko dahil alam kong baka kapag gumawa ako ng kahit anong tunog ay bigla siyang sumabog. Liam was really mad, his face was all red and his knuckles turned white. Mahigpit rin ang pagkakahawak niya sa steering wheel habang ang tingin sa kalsada ay matalim.

When we arrived at the hospital, wala pa rin siyang kibo. Nauna na tuloy akong maglakad papuntang Front Desk para itanong ang room number ni Primo. Hindi na kasi ako na-reply'an ni Papa dahil baka naging busy na sa pag-aasikaso.

"Miss, Ysmael Primo Cervantes..." saad ko sa nurse na naging dahilan ng pagtaas ng kilay ni Liam.

"Nasa Pedia Ward siya ma'am, room 3B."

I said thank you to the nurse and proceeded to the elevator. Pagkapindot na pagkapindot ko ng 3rd floor ay bigla siyang nagsalita.

"Ang unfair mo. Pinagdamot mo na nga sa'kin 'yung anak ko, pati apelyido ko ipagdadamot mo pa..." malamig niyang saad na naging dahilan ng paglunok ko. Hindi ako makasagot, feeling ko ay parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. 

Sa huli ay pinili ko na lang manahimik sa takot na baka kung magsasalita pa ako ay hindi ko kayanin dahil hahagulgol nalang ako sa harap niya. Alam kong deserve niya ng explanation pero hindi ko pa rin alam kung paano sisimulan kasi kahit ako ay hindi ko mabigyan ng hustisya ang ginawa ko. Naging makasarili ako, nilamon ako ng galit at sarili ko lang ang inisip ko. At some point, I deserve his wrath. I deserve this cold treatment that he's giving me.  

"Primo..." I whispered to myself when I saw my child lying on the hospital bed. Namumutla ito at may nakatusok na mga aparato sa munting katawan niya. Napansin ko rin ang naka-band aid na likod ng kamay niya, mukhang kinuhanan siya ng dugo para sa blood test.

"Anong nangyari?" tanong ko kay Papa habang pinapanood ang doctor na sinusuri ang anak.

Lumipat ang tingin sa'kin ni Papa mula sa pagkakatitig sa tao sa likod ko. Pansin ko ang pagkagulat niya pero winaksi niya pa rin ang namuong tanong sa isip niya at sinagot ako nang walang pag-aalinlangan.

"Natutulog kami kanina tapos nagising nalang ako na parang may mali sa paghinga ni Primo. Pagkatingin ko sa kanya para na siya kinu-kumbolsyon kaya sinugod ko na siya sa hospital."

"Diyos ko..." Nasapo ko ang bibig habang hinahaplos ang sugat ng karayom sa kamay niya. 

"Sino po ang magulang ng bata?" tanong ng doctor. Magsasalita na sana ako kaso naunahan ako ni Liam na tuluyan nang lumapit kay Primo.

"I'm the father," saad ni Liam sa isang matigas na Ingles. Tumango ang doctor at nagbasa sa dala-dala niyang board.

"Your child has anemia. His bone marrow cannot properly produce red blood cells na magdadala ng oxygen at nutrients sa buong katawan niya. Uneven ang blood circulation niya na nag-cause ng unstable breathing. Habang bata pa, we need to perform surgery. But for the mean time, kailangan natin ng blood transfusion."

"W-where can we get blood donors, doc?" tanong ko, halata ang panginginig sa boses.

"Meron naman sa blood bank. Ang kaso, kailangan niyo pang maghintay kasi may proseso pa. Marami pang pasyente ang nakapila. Maybe one of you can donate. Type AB ang bata."

"I can, type O ako..." Liam said, full of determination. I swallowed hard, thanking him silently. Kung wala siya ay baka matagal pa ang hihintayin bago magkaroon ng donor si Primo.

"Great! Nurse..." Tinawag ng doctor ang nurse at inutusang kumuha ng mga gamit para masimulan na ang blood transfusion. Pinaalis din kami sa kwarto para maisagawa ang gagawing operasyon. 

In Between The SheetsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora