Chapter 7

1.7K 69 14
                                        

Nagising ako nang makaramdam ng paghinga sa batok ko. Nabaling ang tingin ko kay Liam na nakayakap sa likod ko habang nakakunot ang noo. Nangingiti kong hinilot ang magkasalubong na kilay niya na unti-unti namang nag-relax sa bawat haplos ko. Tignan mo 'tong isang 'to, pati sa pagtulog, ang suplado ng mukha. Kala mo limited edition ang ngiti, eh.

"Liam..." bulong ko habang bahagyang tinatampal ang braso niyang nakapulupot sa'kin. "Bangon na."

"Hmm..." Kumunot ang noo niya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa'kin. "Let's stay in bed, please?"

"Anong let's stay in bed ka diyan? Hoy, mister. Ipapaalala ko lang sa'yo na may trabaho pa tayong dalawa kaya tumayo ka na diyan. Dali na!"

"Tss!" Nagdadabog siyang umupo sa kama at sinimangutan ako. Nakagat ko tuloy nang wala sa oras ang labi ko sa nasaksihang ka-cute'an ng isang hudas. Dahil doon ay mas lalo tuloy nangunot ang noo niya.

"What the hell are you laughing about?" suplado niyang tanong habang namumungay ang matang nakatanaw sa labi ko.

I shook my head and pouted even more to tease him. He stared intently at my lips and swallowed hard. He looked into my eyes before angling his face to kiss me.

One small kiss and my heart skipped a beat. One small kiss and he pulled away for an instant. I groaned in frustration and heard him chuckle. One small kiss and he devour my lips after.

"Sarap ng breakfast ko. Good morning, angel..." he greeted in a singsong voice.

Nakatungo ako upang itago ang pamumula ng mukha. Dali-dali akong bumangon sa kama, humugot ng ilang damit sa cabinet at dire-diretsong nag-martsa papunta sa CR. Pagkasara ko ng pinto ay narinig ko pa ang tawa ng hudas.

"Hindi ba tayo pwedeng magsabay maligo? You know? To conserve water and save mother Earth?" he teased at kulang nalang ay mangamatis ang mukha ko sa sobrang hiya.

Napatapik tuloy ako sa mukha. Ano ba, Serene? Kumalma ka. Kung maka-react ka akala mo naman virgin ka pa. Hoy para ipaalala ko lang sa'yo ilang beses ka nang inangkin ng hudas na 'yan kaya dapat ay masanay ka na!

I shook my head and soaked myself in the water, washing away my thoughts. Madalian lang ang ginawa kong pagligo dahil sa pag-aalalang baka maburyo na ang hudas sa labas.

Pagkalabas ko ng CR ay nadatnan ko ang nagkalat na paper bag sa kwarto at sa gitna no'n ay isang Liam Anderson na namomroblema sa dalawang pares ng damit na nakalatag sa kama.

"Oh napano ka?" tanong ko habang tinutuyo ang buhok gamit ang tuwalya.

Napakurapkurap siya, tila ba kakagising lang sa malalim na iniisip. Ibinaling niya ang tingin niya sa akin at marahas na ipinakita sa'kin ang isang damit na kanina niya pa pino-problema.

"What the fuck is this?" galit na tanong niya habang pinapakita ang kapares ng couple shirt na nasa kama.

"Oh anong meron? Sa'n mo nakuha 'yan? Wala naman akong damit na gan'yan..." natatawa kong sagot habang pinagmamasdan ang nalulukot niyang mukha.

"Ito ang pinadala ng secretary ko nu'ng tumawag ako para magpadala ng damit!"

Sa sobrang frustrated ng mukha niya ay 'di ko na mapigilan ang tawa. Paano ba naman kasi ay isang pares ng couple shirt na may nakalagay na "her demon at his angel" ang ipinadala ng magaling na secretary niya.

"Okay na 'yan, cute nga eh, bagay sa'yo," I chuckled at tinulak siya papasok sa CR.

Isasara ko na sana ang pinto nang bigla niya akong hilahin at marahas na tinanggal ang nakatapis na tuwalya sa aking katawan.

In Between The SheetsWhere stories live. Discover now