Chapter 17

358 17 0
                                    

We drove off to Liam's house after my so-called preparation for their family dinner. Wait, house? House is an understatement. Liam's house—I mean, mansion is huge! Kung hindi ko lang siguro alam na bahay ito ay maiisip ko na isa 'tong luxury hotel dahil kahit na may modern touch ay kitang-kita pa rin ang pagiging classic nito.

"Laki ng bahay niyo, buti hindi kayo naliligaw?" bulong ko nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng mansion nila.

Liam unleashed a harsh bark of laughter due to my remarks. Napanguso tuloy ako habang tinitignan ang pagtawa niya habang tinatanggal ang sariling seatbelt.

Hindi siya nagsalita pagkatapos kaya ginaya ko na rin ang ginawa niya. I was about to unbuckle my seatbelt when he reached for my hand. Napapitlag ako sa gulat at nanlalaki ang mga matang napatingin sa kanya nang ipinadausdos niya sa daliri ko ang isang singsing na kulay silver.

"I haven't had the chance to formally propose to you. Let me grab this opportunity to say that I love you and I want to spend my lifetime with you..." he said and gave me a peck on my lips, making me press them together, as I try hard to ignore the tears stinging back of my eyeballs.

I couldn't even process what he said. Natameme nalang ako at halos hindi mautal ang mga gustong sabihin. Wala akong ibang nagawa kundi ang hayaang dumaloy ang luha sa pisngi ko habang siya ay marahang pinupunasan ang mga 'yon.

Pinasadahan ko ng tingin ang singsing na nakasuot sa'kin. Pinapalibutan ito ng mga diyamante na nakakurba sa korteng 8, sumisimbolo ng eternity at habang-buhay na pagmamahal.

Eternity ring... a symbolism of commitment.

Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko nang magkahawak-kamay kaming lumabas ng sasakyan. I took a deep breath to steady my demeanor and walk confidently.

"S-sir, andito na po si Sir Liam..." rinig kong aligagang saad ng isang kasambahay nang makita kami.

Tila ba nagkaroon ng komosyon ang dating tahimik na dining table pagkapasok namin sa kusina nila. Sinalubong kami ng isang babaeng halos ka-edad ko lang ata at agad na niyakap si Liam.

"Kuya, oh my God, I miss you!" nakakabinging saad nito habang halos lumambitin sa leeg ni Liam. Kumunot ang noo ko. May kapatid si Liam? Akala ko ba ay only child siya?

"Serene this is Athena, my cousin. Athena this is Serene, my fiancee..." Liam introduced while holding my waist.

Nanlaki ang mapupungay na mata ni Athena at halos hindi makapaniwalang tumingin sa'kin.

"Oh my God? What the fuck the fuck?" bulalas nito na ikinatawa naming dalawa. "Mommy, Kuya Liam's getting married, too! Sabi sa'yo i-postpone natin ang kasal ko kasi 'di ba, sukob?"

"We don't believe in such thing, Athena..." sagot naman ng isang sopistikadang babae na sa tingin ko ay tita ni Liam dahil sa parehas na facial features.

"Pero it won't hurt if we follow the tradition, right?"

"Sus, ang sabihin mo ayaw mo lang talagang makasal!" pang-aasar ni Liam at piningot ang ilong ni Athena, dahilan ng pamumula nito.

"Sino ba naman kasing gustong makasal sa taong 'di mo pa nakikilala?" nguso nito at nang makitang nakatitig ako sa kanya ay bigla siyang nangiti. "Ang swerte mo, papakasalan mo 'yung taong mahal mo!"

Nag-init ang pisngi ko lalo na nang marinig ang tawa ni Liam. Hinawakan niya ang kamay ko at iginiya sa dining table kung saan naroroon ang pamilya ni Athena. Umupo kami sa harap nila at halos kinakabahang tumingin sa harap nang mapansing bakante pa ang kabisera ng lamesa. Hinuha ko'y doon uupo ang tatay ni Liam.

Natahimik ang dating maingay na table nang biglang pumasok ang isang matandang naka-wheel chair na kamukhang-kamukha ni Liam. Umaliwalas ang mukha nito nang makita ang anak pero agad ding napalitan ng pagtataka nang makita ako.

In Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon