"Kaya ayun.. napilitan ako na... kunayod at awa ng Diyos... nakaya ko.."

Mahabang katahimikan ang nanaig. All we can hear was the road below us, and the slowly harsh wind in our hairs.

"Tapos 'yun na... Naging maganda na uli buhay namin... Napatunayan ko sa magulang ko na kaya ko... na may anak silang matapang at kayang maghanap ng paraan para hindi sumuko... Siguro naman proud sila sa akin, hindi ba?"

"Proud ako sa'yo, paano pa kaya sila mismo, hindi ba?"

I felt he kissed my knuckles. "What do you want to hear more, baby?"

Humalakhak ako at sandali na prinoseso ang narinig. He started his childhood working just to continue school. Naalala ko tuloy iyong mga oras where I want to stop because I'm having a hard time. Sa isang subject.

Paano pa kaya si Trent noon? Walang-wala ang isang subject sa kapakanan at future niya noon.

"How does it feel?"

"Noong nagtratrabaho ako?" tumawa siya. "Siyempre hindi naging madali. Wala namang kasing gustong tumanggap ng bata sa mga magagandang kumpanya."

"Child labor?"

"Yeah... Mahirap pero hindi ko na masyadong iniisip. It's just a memory of me that I'll treasure forever. Something that I will never ever trade to anything,"

"May pagkakataon ba na gusto mo na lang... sumuko noon?"

"May mga pagkakataon... pero mas malakas tawag ng pangarap kaya kinaya. Noon kasi, nalulong si itay sa alak niya."

"Siyempre, hindi naman kami mayaman kaya nagpanic kami kung baka anong mangyari... Thank God wala naman.."

Hindi ako nakasagot. "Ang saya ng pamilya niyo kanina. Pasensya na, ah?"

I open my eyes and creased my forehead. "Bigla ka nalang humihingi ng sorry.."

"E kasi inimbita mo ako kanina pero umayaw ako.."

"Sabi mo pagod ka.. Bakit kita pipilitin?"

Siya naman ang hindi nakasagot. "Siguro nasa akin na nga lahat ngayon, kasama ka, pero gusto ko ring maranasan 'ung pamilya na meron ka. Kahit saglit lang naman.."

"Wala ka bang mga pinsan? Tito? Tita?"

"Wala... Only child sina itay at inay, kagaya nating dalawa so wala talaga.."

Pinakiramdaman ko ang bukol sa gitna ng leeg ko. "Sa susunod... tawagan kita, gusto mo?"

"Sure.. kung sa tingin mo sasaya ka.."

Ngumuso ako. "Why always me? Pwede namang ikaw naman minsan? Ganiyan ka ba sa mga exes mo?"

He chuckled and brushed his hair. "Tutal nabanggit mo na, may naging ex ka na ba?"

Mabilis akong umiling. "Wala. Study talaga focus ko dati.." naningkit ang mata ko sa kaniya.

"You? Imposible na isa lang ex mo.." turo ko sa kaniya.

"You like jumping in conclusions, huh?" binaba niya ang daliri ko at pinisil-pisil iyon.

"It's impossible naman kasi... Ang gu—" napatigil tuloy ako.

Ayoko minsan na sabihin guwapo 'to dahil bigla na lang lalaki ulo. Although may times na hindi pero always na lalaki ulo niya kaya hindi ko na binalak pa.

"Guwapo ako? Baby, there's no wrong to admit it. Magugustuhan mo ba ako kung hindi ako guwapo?"

That made me pinch his chest. "Don't say that,"

What Would It Be? (COMPLETED)Where stories live. Discover now