Sobrang clear ng text niya na huwag muna ako kumain dahil dito na lang daw kami kakain. "Nakalimutan mo?"

"Of course not!" halakhak na naman. Masyado siyang masayahin. "Hindi pa ako nagprepare pero bibilisan ko na lang, okay lang?"

"Sure,"

Dumeretso kami sa kusina. Walang katao-tao sa buong bahay. Umaasa ako na kahit isang kasambahay nila ang mamataan namin. Imposible na wala silang isa, this house is bigger than mine!

Pagbukas niya ng pinto, isang matanda ang nakita namin na nasa lababo. Agad napunta ang tingin niya sa amin, kay Trent muna sabay dapo sa akin.

"Manang! Nandito po pala kayo!" he let go of me kaya ako na ang nagsara ng pintuan.

Pinanood ko sila na magyakapan sabay tingin sa buong paligid. This is a big and nice room. May parang bar stool sa gitna ng kuwarto at doon nakalatag ang ilang utensils.

Are they cooking?

"Nagugutom ka na ba hijo?" anang matanda sa kasama.

"Gutom na nga po kami!" umakto na parang bata si Trent at ngumuso. He's funny but he's cute that way.

"Ganoon ba?" sumulyap siya sa akin. Ngingiti sana ako pero mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin.

Feels like something drops inside me.

"Pagluluto ko na kayo, ano bang gusto niyo?"

"Hindi na po, ah, gusto ko po na ako na ang magluto para sa kaniya," he lend his arm on me. "Pwede po ba?"

Umawang ang labi ng matanda. Nagpapanic na ako sa loob dahil hindi ko naman batid na may ganoon pala siyang plano?!

"Sige!" sagot niya. "Iiwan ko na kayo,"

Walang salita kay Trent at mabilis niya kaming iniwan. She didn't even looked me in the eye before she left the room.

Yeah, she's not obliged to do that but.. it's just.. I don't know.

"Nakalimutan kitang ipakilala!" biglang sabi ni Trent sa akin.

Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko. "Galit ka?"

"Hindi!" agap kong sabi.

"Galit ka, e."

"Hindi nga.." umiling ako. "You can introduce me anytime. It's not like the world will end the next hour,"

Tumawa siya at hinalikan ang knuckles. Lumapit siya sa ref at bumaling sa akin. "Anong gusto mong kainin?"

Ikaw. My mind thought.

Pansamantala nanlaki ang mata ko. What the fuck, Stefan?!

"Baby, what do you want to eat?" ulit niya nang wala akong agad sagot.

Pinakalma ko ang sarili muna dahil sobrang nagulat ako sa naisip! Talaga?! Kanina siya lang ang sinipat ko tapos biglang ako naman?!

"Impress me!" bawi ko kahit na gusto kong sapakin ang sarili.

"Sabi mo, e.." and he started doing things.

Habang nakaupo doon at walang magawa, kasi ayaw niya na tumulong ako ay kinukuhanan ko na lang siya ng litrato. Sometimes it's just his back but some are with his side view.

God this guy, even with side view, he looks so good.

Nale Sajero: hey, san ka?

My phone is not always on silent so it beeped and catched Trent's attention. "Sa'yo?"

What Would It Be? (COMPLETED)Where stories live. Discover now