Chapter Eleven

1.2K 85 4
                                    

"Kuya!" Bati ni Dart sa kapatid na seryoso lamang na nakatingin sa kanila. "Hi, Sarah." Sabay bati rin sa ka-date ni Dev.

Nakakaloko ang ngiti ng binata na hindi kayang sabayan ni Amethyst kaya mahigpit lang ang pagkakahawak niya sa kanyang clutch bag at sa folder na dala-dala.

"What brings you here, Dartagnan?" Malamig na tanong ni Devereaux sa kapatid ngunit ramdam ng dalaga ang talim ng pagkakatingin nito sa kanya. "And why are you with my secretary?"

Saglit pa siyang nilingon ni Dart na nananatiling nakangiti. He even winked at her before pulling her closer to him, almost embracing her. Naiilang siya sa pagkakahawak ng binata sa kanyang baywang ngunit sumakay na lang siya sa trip nito.

"She's my date tonight, Kuya. It's past her working hours so there should be no problem, right?" Mayabang na sagot ng binata.

Tiningnan siya nang mabuti ni Dev na tila ba hindi nito nagugustuhan ang isinagot ng kapatid nito.

"But you're here for work, right Miss Guerrero?" Tanong ng boss niya na tinatantiya pa siya.

Totoo naman na idinahilan niya ang mga ipapa-pirma rito upang pumunta roon, ngunit ngayon na nakaharap na niya ang amo at ang ka-date nito ay nakaramdam na naman siya ng pagka-inis.

"No Sir." Tanggi niya. "I'm not here for work. I'm here to have dinner with Dart." Aniya na lumingon pa sa katabing lalaki at saka ngumiti.

"Damn, you're beautiful." Mariin na sabi ni Dart na para bang sinakyan din ang pagsisinungaling niya. "I have something to talk about with you, Kuya but both of us have a date so let's just talk about it some other time. We'll proceed to our table, enjoy your night."

Nagpahila na lang siya sa binata at hindi na lumingon pa sa kanyang amo. Ngunit hindi nakatakas sa kanya ang pagtagis ng bagang ni Dev na tanda ng pagpipigil ng galit.

"Relax, Taniesha, I got your back." Bulong sa kanya ni Dart nang alalayan siya paupo sa upuan.

Hindi ganoon kalayo ang mga mesa nila at naiilang siya dahil hanggang sa makaupo siya ay nakatanaw sa kanya ng boss niya.

"I should've just told him the truth that I am here because I need him to sign these papers." Bulong ni Eshe nang makaupo na rin sa harapan niya si Dart.

"Nah. You did the right thing." Mukhang tuwang tuwa ang itsura nito. "It looks fun seeing him looking like that."

"You want your brother to look pissed? Why?"

"Just for fun." Patuloy pa din ito sa pag-ngiti bago tumawag ng waiter. "Should I order for the two of us?" Tanong sa kanya na tinanguan na lang niya.

Hindi siya mapalagay sa upuan dahil ramdam niya ang paninitig ni Dev sa kanya. Nasabihan na siya nito noon na umiwas sa kapatid nitong si Dart ngunit heto siya at ka-date ang binata.

"There is something different about you now, Taniesha." Untag sa kaniya ni Dart habang kumakain kaya't nag-angat siya ng tingin.

"You mean the way I look tonight? Well, I wanted to dress properly for this unexpected date." And then flips her hair.

"Not that." Natatawang balik nito habang umiiling. "You're not that stiff anymore. Dati palagi kang naka 'poker face' at parang robot, pero ngayon halatang halata na ang emosyon mo. You look uncomfortable right now, why? Do I make you feel uncomfortable?"

"No, you're not." Mabilis niyang tugon.

"Does Devereaux make you uncomfortable?"

Sa pagkakataon na iyon ay hindi kaagad siya nakasagot at saglit pang lumingon sa lalaking tinukoy nito.

F.L.A.W Series Book 1: AMETHYSTWhere stories live. Discover now