Chapter Ten

1.1K 87 8
                                    

She went back to her old pretend self. The old maiden look that she portrayed for three years is back. She's back being her boss' secretary as if nothing has ever happened in between them.

Balik na naman siya sa mga gawain niya. Taas noo siyang pumapasok araw araw sa opisina na wala naman ding nakakapansin sa kanya. Kahit nga nawala siya ng ilang araw noon ay parang wala namang nakahalata. She's that invisible to other people that no one ever notices she was gone.

Tuloy-tuloy lang siya sa nakasanayang gawain gaya ng paglilinis sa loob ng opisina ng amo niya. Lahat din ng mga nakabinbin na trabaho ay kaagad na niyang ginawa upang mabawasan.

Isang linggo na magmula nang bumalik siya sa trabaho. Wala namang nagbago sa mga gawain niya maliban na lang mismo sa kanyang amo. Pormal na itong makitungo at hindi siya kinakausap kung wala naman itong kailangan sa kanya.

Naninibago siya sa atmospera sa pagitan nila. Hindi niya tuloy alam kung siya ba ang lumalayo sa binata o ang lalaki na mismo ang lumalayo sa kanya. Iyon naman din ang gusto niyang mangyari ngunit bakit parang hindi na niya nagugustuhan iyon sa ngayon?

Just like another day, she was busy on her computer when Dev came.

"Good morning Mr. Laveau." Bati niya na mabilis lang ginawang pagtingin rito at muling ibinalik ang tingin sa harapan ng computer.

Hindi naman sumagot ang binata at dire-direcho sa loob ng mismong opisina nito. Iwinasiwas niya ang pagbangon ng inis sa dibdib dahil maski sa paningin ng binata ay invisible na din siya.

Kinse minutos muna ang pinalipas niya bago siya tumayo sa kanyang upuan para ipagtimpla ng kape ang lalaki. Kumatok siya ng dalawang beses bago siya pumasok sa loob at naabutan niyang seryosong nakatuon ang binata sa mga papeles na nasa ibabaw ng mesa.

Ni hindi rin ito nag-angat ng tingin nang ilapag na niya ang tasa ng kape sa gilid nito. Naninibago na talaga siya at ayaw man niyang aminin ay talagang naiinis siya sa hindi nito pagpansin sa kanya nang mahigit isang linggo na. Kaya naman siya na ang kumuha mg atensyon nito.

"Sir, you have a three o'clock meeting with your subordinates and also, Mr. Fischer called and wants to check out the brand new parts we have for his private plane." Paliwanag ni Taniesha. "And also, I have set a meeting presentation with the-"

"Just email me my schedule for the week and I'll look into it later." Putol nito sa kanya na hindi man lang siya talaga tiningnan.

Napakuyom siya ng kamao dahil sa inis ngunit kaagad din naman niyang napakalma ang sarili.

"Noted, Sir." Magalang niyang sagot at saka umatras na para makalabas ng kwarto.

Mukhang nilalagyan na ng boundaries ng lalaki ang pagitan nila at umaakto na naaayon sa kanilang posisyon. Iyon naman ang ginusto ni Amethyst pero bakit parang nasasaktan siya?

Ganoon nga ang ginawa niya at pormal lang ang pakikitungo ng amo sa kanya. Seryoso lang ang mukha nito kapag may iuutos sa kanya at madalas pa ay sa telepono lang nito itinatawag ang kailangan na para bang ayaw siyang makita.

Iniisip na lamang niya na baka maraming iniisip ang lalaki dahil siksik talaga ang schedule nito ngayong linggo dahil nga matagal tagal din silang nawala at kababalik lang nila noong nakaraang linggo sa trabaho.

Matalas ang pandinig ni Taniesha at kahit nasa labas pa lamang ng kwarto niya ang naglalakad ay alam na niyang babae iyon dahil sa tunog takong ng sapatos. Inihanda na niya ang sarili dahil may itataboy na naman ata siya sa araw na iyon.

F.L.A.W Series Book 1: AMETHYSTDonde viven las historias. Descúbrelo ahora