Chapter Twenty Two

922 61 2
                                    

"You stay here with Dart, Amberleigh. Kami na lang ni Dad ang pupunta sa mga Humphreys at magsasama na kami ng ilang kapulisan para mapa-imbestigahan na sila. We will squeeze the information out of them. I'll do what it takes to bring back your Mom, okay? So don't worry." Ani Dev sa kanya bago tinapik ang kapatid para magpaalam na.

Tinanguan lang niya ang lalaki at hindi siya nagpahalata tungkol sa pagkakatawag niya sa telepono. Hinayaan na muna niyang makaalis ang mag-ama at saka siya medyo nakahinga nang maluwag dahil iisa na lang ang kailangan niyang takasan, ang kapatid ng kasintahan.

"Baka nagugutom ka na? Kumain ka na muna." Iginiya pa niya ito sa mesa kung nasaan ang mga pagkaing hinanda niya.

"Kumain ka na din muna at siguradong gutom ka na din." Alok nito sakanya na inilingan niya.

"I'm sorry, I can't eat right now, knowing that my Mom is still out there somewhere and in danger."

"Trust my brother, he promised you that he will bring Auntie Agnes back. We may fight a lot, but I know him. Devereaux is a man of his words and you have to believe in him. We're the Laveaus, you have to take our word for it."

Alam niyang pinapagaan lang nito ang loob niya ngunit hindi iyon tumatalab dahil alam niya ang totoong nangyari sa ina.

"Thanks, Dart, but I'll just stay inside my room. Doon na lang ako maghihintay sa balita galing sa kapatid mo. I'm tired." At nagkunwaring nahahapo. "Kumain ka lang ha at magpahinga ka na lang din dyan sa sofa."

Tiningan muna siya nang binata kaya medyo nailang siya. Baka kasi mahalata nito ang binabalak niya. Pero nang tumango ito at hindi na siya pinigilan sa pagpasok sa kwarto ay doon lang niya napagtanto na kaya pa rin pala niyang umarte tulad noon.

Her skills aren't that rusty yet.

Pagkapasok niya ay mabilis ngunit dahan-dahan at tahimik ang naging pagkilos niya. She changed her clothes to something more comfortable to move when fighting. And lastly, she prepared all the weapons she will be needing.

Piangsusuksok niya ang ilang baril at mga bala sa katawan at ang pinakahuli niyang isinuksok sa may likurang pantalon ay ang sandata niyang Sai.

She opened her window and jumped outside, leaving Dartagnan behind. She managed to move stealthily so that no one could see her. She needs to move fast, time is ticking and she knew what will happen if she arrives later than what they talked about.

Kaagad siyang kumilos para mabuksan ang isang sasakyan na nakita niya sa di kalayuan mula sa apartment niya. She needed a ride and the only way to lose anyone who will dare to track her, is not to leave some crumbs. She cannot bring her car, so she did steal one and head her way towards the place where her mother is.

Napakuyom siya ng kamao habang nakawak sa manibela. Pinapaspas niya ang pagmamaneho upang makarating na siya sa paroroonan. Paulit-ulit sa isipan niya ang mga sinabi sa kanya ni Sensei na siyang dumakip sa ina.

"Hello, my dear Amethyst! Looks like the end is just around the corner." Bungad nito nang sinagot nito ang telepono ng ina. "Don't speak and let me finish first." Utos nito. "I know you are not alone, you're with your fiancé. Pretend that you're not talking to anyone, or else I'll disconnect this call and you will never see your mother again."

Banta pa nito kaya naman kaagad siyang sumunod. Umarte siya na kunwari ay patuloy pa din siya sa pagsusubok na makatawag ngunit ang totoo ay pinakikinggan niya ang bawat salita ng matanding lalaki sa kabilang linya.

"I want you to come alone in the old dock site. I'll wait for you here. We still have some unfinished business to deal with. Don't bring anyone, especially the police or the agency that you have teamed up with before. Just you or you won't see Agnes again." At saka nito pinatay ang tawag kaya nagkunwari na naman siya na walang napala sa katatawag upang hindi iyon mapansin ng kasintahan. At heto na nga siya ngayon, pinapaharurot ang sasakyan.

F.L.A.W Series Book 1: AMETHYSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon