Chapter Three

1.5K 112 13
                                    

When Eshe came back to the office, her mind was too preoccupied that she didn't even notice how angry her boss is. He is mad because the food that she ordered is now in such a mess. It doesn't look appetizingly edible.

Sumabog na kasi iyon sa loob ng lagayan dahil sa ginawa niyang pagkaripas ng takbo kanina. Hindi na niya inintindi pa ang hawak dahil mas inisip niya ang sariling kaligtasan.

"Nananadya ka ba?!" Galit na tanong sa kanya ni Dev. "Do you expect me to eat that crap, huh?! Ikaw ba kaya mong kainin yan?! Damn! I hate people who waste food and you just waste mine!"

"I'm sorry." Tanging sambit niya habang ang isip niya ay sa iba nakatuon. "I've been an inefficient secretary, Mr. Laveau." Pag-amin niya.

"Damn right! Couldn't agree with you more." Mabilis na pagsang-ayon sa kanya ng amo.

"Then, in that case, I am now resigning from my job." Aniya na ikinagulat nito. "This will be an immediate resignation so I'll leave everything behind. But don't worry, I have kept your file organized, so the next one who will fill my position will have no problem continuing the job. Well, except if she's stupid or if she falls for your charm then she's doomed."

"Wait, what?!" Tila naalarma naman ang lalaki sa biglaan niyang desisyon. "Tell me you're just joking, Miss Guerrero." Seryosong utos sa kanya. "That you're just fooling me by doing reverse psychology so I won't fire you."

She remained her stoic face to make him see that she isn't bluffing.

"Have I been a joker before, Sir?" Tanong niyang may pagka-sarkastiko ang dating. "As far as I remember, I've never played a joke on you, not even once." Saka inayos ang suot na salamin sa mata. "I'll hand my resignation right away." At tumalikod na para lumabas ngunit lumingon siyang muli nang may maalala. "and it is irrevocable."

Dire-direcho na siya sa kanyang mesa at mabilis na gumawa ng resignation letter. Inayos na din na muna niya ang mga dapat ayusin upang mas magiging madali sa papalit sakanya ang magiging trabaho nito dahil naka-organize na ang lahat. Hindi tulad noong bago siya, walang sistema at kalat lahat ng mga importanteng mga files at documents.

Gusto niya ay wala na siyang maiiwan na hindi natapos na trabaho dahil hindi niya ugali ang magpasa ng responsibilidad. Kahit noong nasa isla pa siya, ni minsan ay hindi siya tumalikod sa misyon at hindi siya nagpapasa ng trabaho kahit gaano pa iyon ka-brutal, ka-hirap at ka-delikado.

Gusto rin niya na kapag ipinasa na niya ang resignation letter niya ay dire-direcho na siya sa pag-alis roon. She doesn't need to mingle around like the others who still spend days before leaving or still have time for farewell parties. Dahil bukod sa kailangan na talaga niyang umalis ay wala naman siyang naging ka-close talaga o naging kaibigan roon dahil umiiwas talaga siya sa lahat.

Come to think of it, after spending three years in that company, she doesn't have anyone whom she can call friends. She still has no one she can count on in times of trouble. She has been alone all along but she has endured it because her life now is way better than before. But then, it's coming to an end so she needs to leave and start over again somewhere.

Patapos na siya nang bumukas ang pintuan sa likuran niya.

"Fuck! You're really serious about leaving." Halatang hindi makapaniwala ang boss niya. "Akala ko umaarte ka lang."

Nilingon niya ang lalaki at saka tinaasan ng kilay.

"I'm no actress, Sir." At muli niyang ipinagpatuloy ang ginagawa. "I'm almost done here." Sabay abot ng resignation letter niya. "That's only for formality."

Hindi pa nga binabasa ng lalaki ang papel na iniabot niya ay kaagad na nitong pinunit iyon.

"I am not accepting this." At saka itinapon sa basurahan ang punit punit na papel. "I won't let you quit your job! You're not leaving, Miss Guerrero!"

F.L.A.W Series Book 1: AMETHYSTWhere stories live. Discover now