Chapter Nineteen

1K 76 6
                                    

"Don't you think that this was too much?" Tanong ni Amethyst habang tinuturo ang screen ng hawak na Ipad.

Mayroon kasing kumakalat na artikulo sa media tungkol sa pakikipagkalas ng mga Laveau sa negosyo ng mga Humphrey. Pati sa ibang mga investment ay binalak din ng binata na kumalas kung saan may involvement ang pamilya ni Sarah. Ngunit pinigilan lang ng ibang mga kasosyong businessman kaya't ang mga Humphrey na lang ang tinanggal dahil mas makapangyarihan ang mga Laveau.

"No, it wasn't." Kibit-balikat na sagot ng lalaki habang nakasandal sa upuan nito sa loob ng opisina. "Kulang pa nga yan. Balak ko pa nga na isabotahe ang negosyo nila para tuluyan nang bumagsak."

Nanlaki ang mga mata ni Eshe sa narinig.

"Don't be so mean, Dev. Sarah was hurt so she tried to get even with us by humiliating me. Mababaw lang naman ang ginawa niya, pero itong ginawa mo ay mabigat, lalo na sa pamilya niya."

"No one should ever disrespect you or they have to go against me. Tama lang yan sa kanila dahil noon pa man ay gusto na talaga nilang idikit ang pangalan nila sa amin para sa negosyo. It was all about business." Rason nito.

"But it wasn't all about business to her. She loved you."

"And she knows that I won't ever gonna feel the same way. She should've just accepted the fact that I am in love with someone else. But instead, she tried to hurt you and I won't let that go. She brought this to herself so she has to deal with it!" Matigas nitong litanya.

Napabuntong-hininga na lang siya dahil mukhang hindi na niya ito maaawat pa sa kung ano pang binabalak nitong gawin para pahirapan ang pamilya ni Sarah.

Lalabas na sana siya ng opisina nito nang bigla siyang hinila kaya't napakandong siya mga hita nito at saka siya ikinulong sa mga bisig.

"Hey! We've talked about this, right?" Aniya na pilit pumipiksi. "Walang landian kapag nasa opisina dahil baka may makakita sa atin!"

"I don't care if someone sees us. I'm the boss here!"

"Well, I care!" Sabay irap. "Hindi naman ikaw ang pinaguusapan ng lahat eh. Hindi din naman ikaw yung pinaparinggan, at mas lalong hindi ikaw yung halos isinusumpa ng mga tao rito. They hate me so please stop doing something that can make them hate me more."

"Don't mind them, I'll fire everyone who will say anything bad about you. Wala silang pakialam sa relasyon natin at mas dapat wala tayong paki sa kanila. Don't get affected by them. They're just envious of you because you got me hooked. The boss is under the secretary's spell." Na kinindatan pa siya.

Napailing siya sa kalandian nito.

"Yeah, the Dev-L has surrendered to my charm." Ani Eshe na binigyang diin ang pangalan ng amo na tunog 'Devil'.

"I hate hearing that awful term but how come when you said it, it sounded so hot?" At mas hinigpitan pa ang pagyakap sa kanya. "You're breaking my own rules, Amberleigh." Bulong nito habang inaamoy-amoy ang leeg niya. "I never mix work with pleasure, but not this time. Now that your this close."

He was giving her chills when he kissed and licked her neck.

Noon pa man ay sinabi na nito na wala itong nakarelasyon o pinatulan na empleyado. Kung may dinadala man itong babae noon sa loob ng opisina upang makipagharutan ay mga pawang nakilala lang nito sa bar o kung saan-saan.

"I guess I was the exception, huh?" Aniya na nilingon na ang binata at kusang humalik na rito.

In an instant, she threw all her inhibitions away and took charge. She stood up and turned to face him and didn't hesitate when she straddled on him.

F.L.A.W Series Book 1: AMETHYSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon