Chapter Eight

1.2K 94 5
                                    

Warning: There is violence and some disturbing scenes that may not be suitable for you. Please read at your own risk.

They aren't talking during the first few hours of their flight. She's too pissed to even look at him because she knows that this is just a big joke on him. He is not taking things seriously and has plenty of time to flirt with other women.

Kung pwede lang niya pilipitin ang leeg ng lahat ng stewardess roon ay kanina pa niya ginawa dahil walang tigil sa pagpapa-cute sa lalaki. At heto namang katabi niya ay game na game din at panay kindat.

"Ingat ka at baka mahipan ka ng masamang hangin at habang buhay ka nang ganyan. Walang tigil sa ka-ki-kindat na para bang may sakit." Aniya na hindi man lang nililingon ang binata.

"Sounds like you care about me, huh?" Balik nito sa kanya na halatang nang-aasar. "Halos lahat ng babae rito pinapansin ako maliban sa asawa ko."

"Dyan ka naman magaling diba? Ang magpapansin?" Sarkastikong sagot niya. "You always wanted attention, especially from women." Saka saglit niyang nilingon. "So drown yourself until you're satisfied!" Sabay irap at ibinaling na lang ang atensyon sa may bintana.

She can hear him holding his laugh but she didn't dare look at him again. After another few more hours, they heard the Captain's voice that they are about to land already.

Dahil wala naman silang check in baggage ay mabilis lang silang nakalabas ng aiport at doon ay nakita nila ang isang babae na may hawak na placard na may nakasulat na mga pangalan nila.

Mr. and Mrs. James and Arianna Cole

"That's us, Honey." Ani Dev na hinapit pa siya sa kanyang baywang habang sabay silang naglakad papunta sa babae.

"Hello, Mr. and Mrs. Cole, I'm Paye O'Riley and I'll be the one to assist you while you're here in Ireland." Magalang na bati sa kanila ng babae.

"Hello, Miss O'Riley." Sabay lahad ng kamay ni Dev. "I know my father told you about us so let's just stop being so formal. What should we call you?"

"Alright, call me Patience." Sagot ng babae na nakipagkamay sa binata.

"Can we please leave now?!" Singit ni Amethyst sa dalawa. She remained her poker face look but she's secretly eyeing the woman.

There is something in her, like the way she moves and speaks, and even the way she smiles. It was all calculated. She isn't ordinary so Eshe has to be careful around her.

"Sorry about her- my wife." Anas ng binata na tinuro pa siya.

"It's alright. I wouldn't be named Patience if I don't have one." Sagot ng babae na hindi nakatakas sa kanya ang kakaibang tingin. She's studying her too. "Follow me." At nagpatiuna na sa paglalakad.

Her assassin skill mode is on. She's simply observing everything around her, especially the woman they've been following. She can't trust anyone, even the people that Marcel had arranged for her to help her in whatever she needs. She believed that everyone can betray her in the end except her own.

Nang marating nila ang isang SUV na nakaparada sa may gilid ay kaagad na niyang kinausap ang babae nang wala nang paligoy-ligoy pa.

"I'll be needing a yacht and some guns." She demanded. "I also need a drone that can't be detected easily."

"Where are we heading?" Pormal na tanong ni Patience sa kanya.

F.L.A.W Series Book 1: AMETHYSTWhere stories live. Discover now