Chapter Four

1.4K 110 5
                                    

"Remember that Mommy loves you so much, okay?" And kissed her forehead.

She closed her eyes a bit and when she opened it, she's now alone in the room. It looks like she's inside a prison. A room without windows.

Sumubok siyang sumigaw para palabasin siya ngunit walang nakakarinig. Hanggang sa isang mala-bruhang tawa ang naririnig niya sa paligid, kasunod niyon ay ang pagbukas ng pintuan at paglitaw ni Madame Pearl roon.

"You betrayed me, you betrayed the organization! And you know how I hate traitors!" At saka humakbang palapit sa kanya. "So I'm gonna make you pay for it!" Banta nito.

"Kill me now!" Matapang niyang saad. "I am not afraid to die anymore."

Muling tumawa ang babae na para bang nagpapatawa siya.

"Killing you is too easy, my dear." The old woman flashes her wicked smile. "I'm gonna strike you where it would hurt you the most." Sabay turo sa kanyang dibdib kung nasaan ang puso niya. "I may have helped you remove your fears before but I can able to put it back."

"Good luck on that, Madame. You didn't remove the fear in me, you took away all my emotions until there was nothing left. How can you hurt me when I don't feel a thing?"

Her level of confidence is shooting high, not until the woman leans closer and whispered to her ear.

"Trust me, I can hurt you without even touching you." And before she can even react, she heard the familiar voice again somewhere and she was calling for her.

"Amberleigh!" The woman screamed and a loud gunshot filled the air.

Biglang napabangon si Taniesha at kaagad niyang hinablot ang sandata niyang Sai mula sa ilalim ng kanyang unan. Hinanda niya kasi ang sarili sa kung sakali mang may biglaang sumugod sa kanya roon ay maipagtatanggol niya ang sarili. Kaya naman itinabi na niya sa pagtulog niya ang armas niya.

Napahilamos siya ng mukha dahil sa isang masamang panaginip na naman ang dumalaw sa kanya. Kung noon ay paulit ulit ang mga nagiging bangungot niya tungkol sa mga nangyari sa kanya sa pasilidad na pinanggalingan ay iba na ngayon. Dahil ang mga napapanaginipan na niya ay mga bagay na maaaring mangyari pa lamang sa hinaharap.

Nagsimula iyon nang may nangyari sa kanya noong nakaraang buwan. She was attending a meeting with a client at a hotel, when an old woman grabbed her, claiming that she's her long lost daughter.

Dahil nabigla siya ay naitulak niya ang matanda palayo, kaya naman nakakuha sila ng atensyon at tinulungan siya ng mga staff ng hotel na mailayo ang babae sa kanya.

"Amberleigh! It's me, Mommy! Can't you remember me anymore?" Umiiyak na turan sa kanya habang pilit na pumipiksi as security na umaawat rito. "I've been looking for you for years, baby. They said that you're dead, but I don't believed it. And I was right! Look at you, you're alive!"

Naalala niyang sabi ng matandang babae sa kanya.

Kinaladkad ng security ng hotel palabas ang matanda at hindi na niya hinarap pa. Ilang araw na gumulo sa isipan niya ang mga sinabi sa kanya at doon nga nagsimula ang mga kakaibang panaginip niya.

Sinubukan niyang balikan ang hotel para kunin ang CCTV pero nagulat siya nang may nanloob daw roon at binura ang nasabing video. Ni hindi rin niya nakuha ang pangalan o ang kahit na anong impormasyon sa matandang babae na lumapit sa kanya.

Kaya't mas lalong tumibay ang naramdaman niya na maaaring ang ina niya ang lumapit sa kanya. Only a mother could recognize their child no matter how long they've been apart. At nagagalit siya sa kanyang sarili dahil nagkaroon na siya nang pagkakataon na muling makasama ang ina ngunit napakawalan pa niya.

F.L.A.W Series Book 1: AMETHYSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon