Chapter 17

10.8K 284 2
                                    



ALEXANDRA HENRIETTE

Is this person being serious right now? Sa kanya raw ako? HUH! Noon oo, pero ngayon? Hindi na and never will be!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Is this person being serious right now? Sa kanya raw ako? HUH! Noon oo, pero ngayon? Hindi na and never will be!

The nerve of this guy! Kahit naman hindi niya sabihin kung sino siya, halata naman na kung sino siya! Tsk.

"Hoy babae! Kanina pa nag-beep yang phone mo. Ano bang problema mo at natulala ka na lang bigla?"

"Wala. Tara na puntahan na natin sila Austin at baka mamaya mapasobra na naman ang inom ni Kurt." Paghikayat ko sa kanila para 'di na sila mangulit pa.

Me and the girls kasi, we're currently at the mall while the guys, nasa Kirai O Tsubusu. Again. Parang halos kakainom lang namin dun ah.

~~

Nandito na kami sa Kirai O Tsubusu and as usual, amoy ng alak at usok ang sumalubong sa amin. Syempre, ano pa bang aasahan mo sa bar?

Hindi na lang namin ito pinansin at hinanap kung saan naroroon yung mga kaibigan namin at saka sila pinuntahan.

JARED ASHTON

"Bro, bar tayo. Nakakabagot dito." Sabi ni Kyle. Simula kaninang umaga kasi ay nandito lang kami sa bahay. Punta ng entertainment room tapos babalik ng kwarto o kaya dito sa sala.

"Tao tayo, hindi bar."

"Loko ka Cody, 'wag mo kong pinipilosopo. Dadagdag ka pa eh."

"Let me guess... your girl ditched you last night? Am I right or I'm right?" Mapang asar na sabat naman ni Luke. At pinagkaisahan na naman nila si Kyle.

"Isa ka pa." Gigil na sabi ni Kyle. Kaya nagsitawa yung dalawa. Matigilan na nga 'tong tatlong kumag at baka lumala pa.

"Tama na yan. Oo na, tara na mag-bar. Matahimik lang kayo."

~~

Kirai o Tsubusu... Ang tagal na rin pala since the last time we went here together. 'Kirai O Tsubusu' meaning 'crush hater'. Loko rin talaga magbigay ng pangalan itong si Ate Kyla, nakakatandang kapatid ni Kyle.

Pagkapasok namin ay dumeretso kami sa second floor, sa VIP section kung saan meron laging naka-reserve na pwesto para sa amin. Pagkaupo ay tumawag kami ng server at umorder.

After a few hours of staying, we decided na umuwi na rin at baka madatnan pa kami ng ate ni Kyle. Hindi naman sa bawal, sadyang mainit lang talaga ang ulo ng magkapatid sa isa't isa. Not sure why and ayaw din naman naming masyadong makisawsaw. Baka kami pa ang pag-initan.

ALEXANDRA HENRIETTE

It was already past midnight when we decided to go home. At isa pa, lasing na talaga si Kurt. Buti na lang talaga at Sunday palang bukas, or ngayon, kasi nga midnight 'di ba?

One Person, Three Identities [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon