Chapter 40

3.9K 87 0
                                    

THIRD PERSON

"MOMMYYYY!!" Masiglang sigaw ng batang babae habang tumatakbo pababa ng hagdan ng kanilang tirahan.

"Alexandra Henriette! Don't run down the stairs!" Suway ng ina nito, na siyang nasa tapat lamang ng hagdan at kinakausap ang kasambahay, but was ignored by her daughter.

"Mommy! Mommy! Mommy! Now punta nila? Right? Right?!" Napailing na lamang ito sa inasal ng anak niya. Kanino ba nagmana 'tong batang 'to? Isip nito.

"Yes. So, stay put. You're making me dizzy. Ang likot mo masyado." Sabi nito nang 'di pa rin matigil kakatalon ang anak.

"May pinagmanahan naman eh. 'Wag ka nang magtaka." Hinarap nito ang ngayo'y bagong dating at sinamaan ng tingin.

"Shut up, unggoy."

"Don't wanna, baby sis." Pilyong sabi ni Harold sa kapatid.

Kasama nitong dumating ang matalik na kaibigang si Charles habang bitbit ang unica hija nitong si Naomi Scarlette. Katabi rin nito ang asawang si Violette.

"Mag-asawa ka na kasi, unggoy. Hindi yung ako na lang lagi napagdidiskitahan mo." Napairap na sabi ni Hariette sa kapatid at bumalik sa ginagawa.

"I'm enjoying my single and problem-free life, baby sis." Proud na sabi nito sa kapatid. His sister just scoffed at him at hindi na ito pinansin. Napailing na natatawa naman ang mag-asawang Violette at Charles sa inasal ng magkapatid.

"Mommy, why inaaway mo again si tito pogi?" Singit ni Alexandra na siyang tuluyang ikinatawa nila Violette.

"See? Baby, lagi na lang akong inaaway ng mommy mo. 'Di na niya ako love." Nakangusong pagmamakaawa ni Harold sa pamangkin.

"Ako tito pogi, labs labs kita!" Nakangising litanya ni Alexandra at yumakap pa sa tito nito.

"Labs na labs din kita favorite baby ko."

"At nag-utuan na naman ang mag-tito." Pabulong na komento naman ni Hariette na nasa tabi na nila Violette at nilalaro si Naomi.

"Really? Asan na money ko?" Biglang sabi naman ni Alexa na siyang nagpahagalpak kay Hariette.

"Baby naman. 'Di mo man lang pina-enjoy kay tito." Pagmamaktol ni Harold sa pamangkin.

"But you said na if I call you 'tito pogi' and save you from mommy give ka money." Nakangusong sabi naman ni Alexandra. Napakamot na lang ng ulo si Harold habang mas lalong lumakas ang hagalpak ni Hariette.

Sa mga lumipas na taon ay nagpatuloy ang pagkakaibigan nila kahit pa may kanya-kanya na rin silang pamilya. Well, except for Harold.

Tulad din ng nakasanayan ay nagkakaroon sila ng get-together tulad ng ganap ngayon kaya't habang hinihintay ang iba nilang mga kaibigan ay tamang catch up dito at kulitan doon.

Minsan din ay sumasama ang mga magulang nila para makabonding ang mga apo, but this time, hindi sila makakapunta dahil may kanya-kanyang lakad ang mga ito. Hindi rin makakapunta ang pamilyang James dahil kasalukuyang nasa ibang bansa ang buong pamilya, nagbakasyon.

Gayunpaman ay tuloy ang kasiyahan. Ika nila'y 'bawi next time'.

Hariette and Alexander was blessed with twin boys and a daughter. They named their twin Brent Clifton, the elder twin and more mature between the two, and Brett Clinton, the younger twin which is also the more playful twin. Pero parehong mana sa tatay, lalo na kapag nagseryoso't kapag ang kapatid na si Alexa ang pinag-uusapan. And there's the family's princess, Alexandra Henriette, na siyang pinaka nagmana sa kakulitan ng ina ayon na din sa lolo't lola nila.

One Person, Three Identities [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon