Chapter 33

4.8K 162 3
                                    


THIRD PERSON

Tahimik lamang na nagmamasid si Miko sa laban ng dalawa. Kanina pa siya nag-aalala para sa dalawa, lalo na kay Alpha dahil nga sa malakas na suntok na pinapakawalan ni Dark sa kanya.

Alam niya kung ano ang naging epekto ng atakeng iyon kay Alpha.

Nang matumba ulit si Alpha sa pangalawang pagkakataon ay sinenyasan niya na si Hunter ng Pentaurus.

Tumango ito at inilabas ang isang shuriken na nasa hita niya at binato sa direksyon ni Miko. Natamaan nito ang lubid na nakagapos kay Miko sa silya at bumaon doon.

*sigh* Masarap naman ang upo ko, kaso nakakangalay kasi nakagapos ako. 'Di man lang ako makapag-stretch kahit konti. Isip ni Miko nang makahinga siya ng maluwang at makapag-inat.

Hinigpitan din kasi nila ang pagkakagapos sa kanya para kapani-paniwala ang pakulo nila. Mabuti na lang din at madilim ang pwesto nila dahil nakatutok ang ilaw sa mismong laban.

Napangiwi si Miko nang makita niya ang muling pagtumba ni Alpha. Gusto niyang purihin si Dark sa ipinapakita nito ngunit ayaw niya namang mapuruhan ng husto si Alpha kaya dali-dali niyang sinalag ang sipa ni Dark para kay Alpha.

"That's enough, baka mapatay mo." Medyo natatawang sabi ni Miko kay Dark habang hawak niya pa rin ang paa nito.

Binitawan niya ang paa ni Dark para makatayo ito ng maayos at bumaling sa mg amiyembro ng Pentaurus na kanina lag ay katabi niya sa isang sulok. Dali-dali namang nagsilapit ang mga ito sa pinuno nila at tinulungansi Alpha na makatayo.

Agad namang niyakap ni Dark si Miko, yumakap naman ito pabalik. The crowd went wild nang makita ang nangyari sa pagitan ng dalawa na siyang ikinatawa ng dalawa.

Sino ba naman kasi ang maghihinala na kahit mga walang emosyon kung umasta ay magpapakita ng 'di inaasahang emosyon sa harap ng napakaraming tao?

Agad din naman silang kumalas sa yakap atsaka nagsalita ang emcee.

"WHOO! Such a breath-taking fight and an unexpected turn of events! At klarong-klaro rin sa atin kung sino ang panalo! No other than... DARK OF QUADSCOR!" Anunsyo ng emcee which, again, made the audience went wild.

"Sshh. Silence everyone!" The crowd went silent, especially after seeing Phoenix, QuadScor, and Pentaurus lined up at the center where the fight the watched just took place.

Sobrang tahimik ng buong arena. Hinihintay ng lahat kung ano ang susunod na gagawin ng tatlong grupo kasama na ang excitement sa pag-amin ng mga ito kung sino sila sa likod ng kanilang mga maskara.

Sabay-sabay nilang kinalikot ang mekanismo ng maskara na suot nila upang 'di ito basta-bastang matanggal sa laban. Ngunit, hindi pa nila ito binababa ng tuluyan kaya hindi pa rin nakikita ang mukha nila.

Kapag nasabi na nila ang katauhan nila ay saka nila tuluyang aalisin ang maskara nila, katulad ng napag-usapan sa kanya-kanyang grupo.

Naunang nagpakilala ang QuadScor.

"Jared Ashton Smith." – Dark

"Luke Ezekiel Agustin." – Black

"Cody Xander Taylor." – Light

"Kyle Darren James." – White

Grabe ang tilian ng mga babae at binabaeng gangster nang matapos magpakilala at magtanggal ng maskara ang QuadScor.

Sumunod namang nagpakilala ang Phoenix Gang.

"Alexandra Henriette Slade." – Suzaku no Miko

"Austin Manuel." – Hotohori

"Xenia Vivianne Fujiwara." – Nuriko

"Naomi Scarlette Leighton." – Chichiri

"Darell Salvador." – Tasuki

"Kurt Cruz." – Mitsukake

"Charlotte Cade." – Chiriko

Katulad sa naunang grupo, ganun din ang reaksyon ng madla sa pagappakilala ng Phoenix na kasama na ang mga lalaki.

Hindi na mapakali ang lahat dahil sa sabik na makilala ang katauhan ng panghuling grupo, ang Pentaurus. As in lahat, kasama na ang QuadScor at Phoenix, maliban na lang kay Naomi at Alexandra dahil matagal na nilang alam kung sino ang mga ito.

JARED ASHTON

Katatapos lang na magpakilala ng grupo ni Xandra at ngayon nga ay nakatingin na kaming lahat sa Pentaurus.

Gusto ko rin kasing malaman kung sinu-sino 'tong mga ungas na ang lalakas ng loob na dakpin ang Xandra ko.

But I have this feeling, hindi ko alam kung bakit pero parang ayaw ko talagang malaman kung sino sila. Tsk, adik lang?

Kaya nang marinig ko ang pagpapakilala nila lalo na ni Alpha ay parang may kung anong tumama sa akin na nagpaguho ng katauhan ko.

"Eliezer Jan Adino." – Alpha

"Aden Beleda." – Beta

"Chester Ace Denrad." – Gamma

"Lorenz Lioca." – Omega

"Axel Vicares." – Hunter

Does Xandra know? With that thought, I looked at my wife. Wala man lang mababakas na pagkagulat sa mukha niya, habang lahat ay kapareha kong gulat na gulat sa nalaman.

Kaya ba wala man lang ni katiting na takot na makikita sa mga mata niya nung nagising siya na nakatali? Dahil alam niya kung sino ang dumakip sa kanya?

Kaya niya ba pinatigil yung laban namin kanina? Dahil mas nag-aalala siya para dun kaysa sa nararamdaman ko?

Pero 'di, she assured me that I'm the one she loves?

ARGH! Ayoko ng ganito! Ayaw kong magselos lalo na't alam kong wala na sila at akin na siya.

Akin na nga ba talaga?

ALEXANDRA HENRIETTE

Nakauwi na kami at kasama namin ngayon ang Pentaurus. At syempre nakapag-ayos na rin ako. We're currently here at the sala na kanya-kanyang pwesto.

Ang epic lang ng mga mukha nila kanina nung nagpakilala sila EJ. Kaya napatingin ako kay Jared na katabi ko ngayon. Actually, napagitnaan ako nila Jared at EJ.

Nang makita ko ang pagmumukha ni Jared, palihim akong napangiti. Bakit? Kasi ang cute niya kapag seryosong-seryoso siya tapos may pa-kunot pa ng noo.

Pero may napapansin akong iba sa mga mata niya. Bakit parang may galit?

Galit ba siya dahil hindi ko agad sinabi na kilala ko si Alpha at si EJ iyon? O dahil kasama ko si EJ for almost a week.

"Hubby, are you okay?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin.

Kung kanina ay may nakikita akong galit sa mga mata niya, ngayon, wala. His eyes were void of any emotion.

What the freaking hell happened? Is it my fault? What did I do wrong?

One Person, Three Identities [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon