Chapter 23

7K 194 3
                                    


ALEXANDRA HENRIETTE

"Bakit ang tagal niyo naman?" Tanong sa amin ni Cody nang makarating kami sa private room nila. Hindi kami sumagot ni Jared at dumieretso sa bakanteng upuan sa kanilang dining table.

"Is it—"

"Yes." Putol ko sa kung ano mang sasabihin ni Scarlette. Alam ko naman na kasi kung sinong tinutukoy niya.

Napayuko ang lahat ng kaibigan ko habang ang mga kaibigan ni Jared ay nagtakha sa inakto nila.

"Teka nga. Kanina pa kami nagtataka kung bakit ganyan kayo. At kung bakit parang lahat kayo ay apektado nang pumasok sa room yung transferees. Is there something going on with all of you?" Mahabang pahayag ni Cody.

Wala kasing ibang alam yang si Cody sa mga nangyari sa amin ni Scarlette sa Japan, bukod sa alam niyang 'di ako makaalala.

Wala ni isa sa amin ang tumingin sa kanila o nagtangkang sumagot man lang. And besides, ayaw ko pang ipaalam sa kanila, hindi sa hindi pa ako handa, natatakot ako sa kung anong kaya nilang gawin kapag nagkataon.

"Alexandra." Tawag sa akin ni Cody. Still, I did not respond and decided na ibaling sa iba ang atensyon nila.

"Ano nga pala yung sasabihin mo sa akin, Jared?" I asked pertaining to when he mouthed 'later'.

"Actually, there are questions I would like to ask you. Just to clarify things." Sabi nito na napakamot ng batok.

"Well, if those are personal ones, I think it would be better to talk about it in a more private setting. For now, let's eat our lunch."

JARED ASHTON

Simula nung nangyari kaninang lunch break hanggang ngayong uwian na ay hindi pa rin nawawala yung takot na nararamdaman ko. Takot na baka mawala sa akin si Xandra, ulit. At takot sa maaaring isasagot ni Xandra mamaya.

Sabay-sabay kaming nagpunta sa parking lot ng school. Sumakay na sila sa kani-kanilang sinakyan papunta rito sa school, syempre ganun din ang ginawa namin ni Xandra. Sa isang sasakyan kasi kami sumakay.

*sigh* Ang tagal naman i-held nila Dad ang engagement party. Binigyan kasi nila kami ng chance to be comfortable with each other, then they'll decide when it's going to happen.

Oo, ako na atat.

~~

Nakarating na kami ng bahay ng 'di ko namamalayan. Ni hindi ko nga alam kung papaano ako nag-drive. Buti 'di kami naaksidente.

"Alexa, magsisimula na ba?" Narinig kong tanong ni Kyle pagkapasok naming lahat sa bahay.

"Mamaya na, kumain na muna tayo." Sagot ni Xandra na ni hindi man lang lumingon at pumunta sa hagdan at umakyat sa ikalawang palapag. Alangan namang pumunta sa basement, eh wala naman kaming basement.

Anyway, I followed her and before she could shut the door close, hinarang ko kaagad yung paa ko. Buti na lang at nakasapatos pa rin ako, kaysa rin na kamay ang gamitin ko, ang sakit kaya non, try mo.

Wala siyang choice kung hindi ang papasukin ako.

Nang makapasok ako ay isinara ko ang pinto at sa muling pagharap ko sa kanya ay nakita ko siyang nakaupo sa harap ng study table niya na nakatulala sa kawalan.

Kaya lumapit ako sa kinaroroonan niya at ipinulupot ang mga braso sa balikat niya saka ipinatong ang baba ko sa balikat niya sa parteng malapit sa leeg niya. Inilihis ko ang ulo ko at idinikit sa ulo niya.

ALEXANDRA HENRIETTE

Bago ko pa man maisara yung pinto ng kwarto ay may humarang and when I looked a who it was, Jared.

One Person, Three Identities [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon