Chapter 2

18K 489 18
                                    


ALEXANDRA HENRIETTE

My name is Alexandra Henriette Slade. Well, siguro nagtataka kayo kung bakit Alexandra Buenos ang pagpapakilala ko 'no?

Magtaka na muna kayo, malalaman niyo rin naman. Pagdating ng panahon.

Now, let's go back to reality, shall we?

~~

Nakaalis na ng cafeteria yung Merideth, but me? Hindi pa. How can I? Eh sa pinalibutan ako nung mga lalaking nakisali sa usapan =_=.

"Pwede bang padaanin niyo ako?" I asked them using my cold voice.

"Watch your words, miss." The one on the right bluntly said. Bida-bida si kuya oh, Jollibee?

"What the hell are you talking about? I just asked if you could let me pass, is there something wrong with what I said?" Sa mga sinabi kong iyon ay hindi ko na naiwasang medyo mapalakas ang aking boses. High blood mo si ako, kuya.

And with that people, hindi siya nakaimik. Duh, mas OA pa siya kaysa sakin eh.

"Don't you know who we are?" Tanong nung Jared. Isa pa 'to.

"Sorry to disappoint you but, I don't know you, your friends and the five clowns from before." Sagot ko.

"Well then, let us intro—"

"No need to introduce yourselves. I have my own way of knowing things, or person, that is if they intrigued me. Now if you'll excuse me, it is almost time for my next subject and I don't want to be late." I went on my way nang hindi na sila umimik pa.

JARED ASHTON

Ibang klase.

Oo nga pla, the name's Jared Ashton Smith.

"Bro tara na, baka malate pa tayo." Sabi ni Cody.

"Idol ko na siya." Narinig ko namang sabi ni Luke.

"Sino, yung nerd?" Tanong naman ni Kyle. Hindi, ikaw.

Pero hindi nga? Seryoso ba siya sa sinabi niya? Luke doesn't really care about other people, so it's quite shocking hearing that kind of statement from him.

"Tara na."

~~

"So, classmate pala natin siya."

Napatingin ako sa nagsalita nang mabuksan namin ang pinto ng classroom. Si Luke pala.

"Pero bakit kung kailan last year na saka siya nagtransfer?" Tanong naman ni Kyle na sinagot lang ni Cody ng iling dahil kahit kami ay 'di namin alam.

Actually, hindi naman talaga namin vacant ngayon. Sinabi ko lang kay Merideth yun para hindi na siya mangulit pa. So, balik tayo.

Dumating na si Mr. Kim kaya nagsi-ayos na kami ng upo. Pinilit ko na lang na 'wag pagtuunan ng pansin yung nerd, tama nang si Luke na lang ang maintriga, madamay pa ako.

Hindi ka interested Jared, hindi. Nabigla ka lang kasi 'di ka niya kilala.

ALEXANDRA HENRIETTE

Why?! Why do they have to be my classmates? Sana lang talaga ay 'di ko na sila kaklase sa ibang subjects.

Sabihan niyo na akong maarte pero iba kasi ang pakiramdam ko sa kanila.

"Before we start, I would like to welcome our new student. You can call me Mr. Kim." Sabi ng instructor namin na nakatingin sa akin kaya pati ang iba kong classmate ay napatingin sakin.

Kung 'di pa obvious, well ako lang naman kasi ang transferee na nandito. How did I know? Ano pang silbi na anak ako ng isa sa owner ng school, tsk.

"Thank you, Sir." I replied. Nginitian niya ako saka nagsimulang mag-lecture. Nakinig ako syempre, nerd nga 'di ba?

~~

Lumipas ang buong araw na ang ni-lecture ng mga instructor ay review ng naging lessons from the previous semester na pre-requisite ng subjects namin ngayon. And although hindi ako dito nag-aral previously, alam ko pa rin yung mga nadiscuss. Kung hindi ko alam ang mga 'yon, paano ako naka-enroll ng subjects ko ngayon 'di ba?

At sa wakas ay makakauwi na rin ako. Nakakapagod ang araw na 'to, dagdag stress na nga yung Merideth na 'yon tapos isama mo pa na same ang schedule namin nung mga ugok.

Sinong ugok? Sino pa ba? Yung epal lang naman na QuadScor!

As in same schedule! And blockmate ko pala talaga sila! Kesyo may inasikaso lang daw kaya 'di sila nakapasok ng umaga. Tsk, daming alam.

One Person, Three Identities [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon