Chapter 6

14.3K 434 3
                                    


ALEXANDRA HENRIETTE

THE NEXT DAY...

I'm currently on my way to SSU and by the way, hindi ko pa kasama yung anim dahil next week pa sila papasok. Ewan ko sa mga 'yon, bahala sila sa buhay nila.

"Oh, my gee!!"

Napalingon ako sa kung nasaan yung tumili, and I saw Merideth with her group -.-

"I thought she already transferred schools na?"

Loka ka girl? Isang araw lang na hindi pumasok, nagtransfer na?

"My gosh! She really don't bagay here in our school."

"Yeah, right girls. You know, I'm pretty sure naman na sooner NOT later is magtatransfer na siya." Rinig ko namang sabi ni Merideth.

Hindi ko na lang sila pinansin kahit na pagkalakas-lakas ng boses nila at pinili na lang na dumeretso sa classroom.

~~

Sa pagpasok ko ng room ay ramdam ko ang mga masasamang titig ng mga kaklase ko, particularly mula sa mga kababaihan. Hindi ko na lamang sila pinansin at dumeretso sa upuan ko saka yumuko sa mesa, wala pa kasi ang prof namin.

Nagtuloy lang ang ingay ng mga kaklase ko pero maya-maya pa'y tumahimik na din sila, baka dumating na yung prof. Umayos ako ng upo at tumingin sa harapan pero napakunot ang aking noo nang hindi pala ang prof ang dumating kun'di yung QuadScor.

Sumubsob na lang ulit ako dahil wala naman akong pake sa kanila. Pero 'di kalauna'y nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa akin. Sa sobrang katahimikan ba naman dito sa room na halos marinig mo na ang paghinga ng bawat isa, sa tingin mo hindi mo maririnig yung yabag nila?

Kahit na alam ko nang may papalapit sa akin ay nanatili akong nakasubsob.

'Di pa man nakakalapit ng tuluyan ang taong 'yon nang magbukas muli ang pinto ng classroom sabay ng pagbati ng instructor sa buong klase.

LUNCHBREAK – CAFETERIA...

I was peacefully eating my lunch when...

"Kyaaaah!"

"OMG! Da hu?!"

"Ang po-pogi!"

Sigawan ng mga babae at binabae na nandito sa cafeteria. Ako naman 'tong sinaniban ng pagka-chismosa sa oras na 'to ay tumingin din sa kung ano ang dahilan ng tiliian ng mga loka.

"MY GASH! Nakatingin sila sa akin!" Sabi ni ate girl na nasa likod ko.

"GIRL! Magtigil ka nga! It's pretty obvious naman na they are making tingin of me!"

"Mga echoserang frog! Ako ang lalapitan nila noh, duh!"

WHAT THE FREAKING HELL?!!

AUSTIN

Nakakabagot, wala kaming magawa dito sa bahay ni Alexandra at kasama kong nakatambay sina Kurt at Darell. Wala ang girls, si Alexa ay nasa school at nasa mall naman sila Xenia.

"Austin." Tawag sa akin ni Kurt.

"Oh?"

"Mag-isip ka nga ng gagawin natin." Lakas maka-utos ng loko.

Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya napalunok lang siya at napakamot ng batok.

"Kalma, hehe." Na lang ang nasabi niya bago kami nilamon muli ng katahimikan.

~~

"May naisip na akong gagawin natin." Pagbasag ni Darell sa katahimikan na may nakakalokong ngiti.

"Ano? Ano? Ano?" Makulit na tanong ni Kurt.

"Why not go to SSU?"

"Sige! Sige! Sige!" At umiral na naman ang pagkaisip-bata nitong si Kurt.

"And what will you do with Alexandra?" Singit ko sa usapan nila.

"Ah-eh..." Alanganing sagot ni Darell.

"You do know that she'll get mad if you will suddenly show up without giving her a heads-up." Sabi ko na ikinayuko nila.

"AH!" Sabay kaming napalingon ni Darell kay Kurt nang sumigaw ito at talagang nakataas pa ang kamay nito. "Why not sing her a song?" Sabi nito na napakalapad ng ngiti.

"There's also a probability that won't work."

"Nakakabadtrip ka bro, alam mo 'yon?!" Sigaw ni Kurt sa akin. Tss.

"Hoy Kurt! Magtigil ka kun'di ako na mismo ang magpapatahimik sa 'yo!" Putol ko nang akmang magsasalita pa ito ng kung ano na paniguradong walang kabuluhan. Sakto ring tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa tabi ng sofa.

"Hello?"

[Austin.] Napatigil ako nang magsalita ang nasa kabilang linya.

"Kuya Brent." Oo, si Kuya Brent ang kausap ko, ang kuya ni Alexandra.

[May ipapagawa ako sa 'yo, ayos lang ba?]

"Anything kuya, I will do my best." Magalang na sagot ko rito. May idea na rin ako kung tungkol saan, o mas tamang sabihin na kung tungkol kanino ang sasabihin nito.

[By the way, kailan pala kayo papasok sa SSU?]

"Next week po kuya."

"Let's give Austin a round of applause!" Singit ni Kurt.

"Woohoo! Gumagalang ka pala bro?" Isa pa 'tong Darell na 'to. Tsk, mga loko-loko. Narinig ko tuloy ang ang mahinang pagtawa ni Kuya Brent.

[Say hi to Kurt and Darell for me. Anyway, back to business. I sent a letter to Alexandra and I want you to give it to her as soon as you received it. I'm guessing that it would be there any minute now.] And as if on cue, the doorbell rang and Darell went to get the door, coming back with an envelope in his hand.

"Kuya Brent, the letter is here." Pagbaling ko sa cellphone ko.

[Good then, kindly give it to Henriette please.] Sabi nito.

"You can count on me kuya." I then turned my attention to Kurt and Darell as soon as the call ended. "We're going to SSU."

One Person, Three Identities [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon