Chapter 26

6.9K 174 1
                                    


JARED ASHTON

What the heck?! Ano na naman ba ang nakain ng wifey ko?

Imbitahan daw ba yung lalaking yon sa bahay? Naiinis na nga ako na kinausap niya yung lalaking yon tapos papapuntahin niya pa sa bahay? Kung may nakakabit siguro na jealousy meter sa akin ay sumabog na dahil sa sobrang selos na nararamdaman ko.

At ito namang epal na lalaking 'to... Argh! I'm getting annoyed by the minute! Kung 'di lang masamang pumatay, baka matagal nang pinaglamayan 'tong bwisit na 'to.

~~

Natapos ang buong araw na hindi ko kinibo si Xandra. But it doesn't mean na hahayaan ko silang mag-usap na silang dalawa lang. No f*cking way. Baka mamaya kung ano pa ang gawin ng mokong na yun sa asawa ko.

PARKING LOT...

"EJ, just follow our car." Patukoy ni Xandra sa mokong at sa mga barkada niya. Tsk.

"Ok." Sagot niya at sumakay sa kanya-kanyang sasakyan.

ALEXANDRA HENRIETTE

I'm currently here inside Jared's car, still on the way to our house.

Enebe, sobrang tahimik. It's too quiet for my liking. Himala nga na hanggang ngayon ay 'di pa rin ako kinikibo nitong kasama ko. Tsk.

Sabihin niyo nga, do I need to make suyo of this guy? Okay, conyo ka girl? ARGH! It's the frustration talking, okay?!

Before I could open up a conversation, bigla na lang siyang nagsalita.

"Sasama ako." Huh?

"Sasama ka saan? Aalis ba kayo?"

"Wala kaming gimik. Sasama ako sa 'yo."

"Sa akin? Hindi naman ako aalis ah?" Wala naman akong pupuntahan. Ano bang pinagsasabi nito.

"Tsk. Sasamahan kita. Kasama ako kapag nag-usap kayo nung EJ na yun. Mamaya kung ano pang gawin ng g*g*ng yun sayo." Paliwanag niya. *sigh* Yun lang pala. OA talaga.

"Hindi na po kailangan... walang mangyayari, okay? There's nothing to worry about. Trust me on this, besides sa bahay lang naman tayo. He won't do something stupid knowing that fact."

JARED ASHTON

"Tsk. Sasamahan kita. Kasama ako kapag nag-usap kayo nung EJ na yun. Mamaya kung ano pang gawin ng g*g*ng yun sayo." Paliwanag ko. Pambihira, minsan talaga may pagka-slow 'tong asawa ko, sarap tuloy halikan.

"Hindi na po kailangan... walang mangyayari, okay? There's nothing to worry about. Trust me on this, besides sa bahay lang naman tayo. He won't do something stupid knowing that fact." May tiwala naman ako sa kanya eh, pero dun sa lalaking 'yon, wala.

"Still, wala pa rina kong tiwala sa kanya kaya sasama ako."

"Just trust me, ok? Hindi mo naman siya kailangan pagselosan pa."

"Hindi mo naman maaalis sa akin ang pagseselos. May nakaraan kayo, may nagpagsamahan kayo, and what's worst is that naging kayo!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko nang sabihin ko yun.

"Have you forgotten that all of that's already in the past?! And this is just a closure between him and I! Gaano ba kahirap intindihin ang sinabi ko na magtiwala ka sa akin? Why can't you trust my words na walang mangyayari?! Ang problema sayo, masyado mong pinapairal ang selos mo! Nakakasakal yang ganya, Jared."

Wala ni isang nagsalita sa aming dalawa ang kumibo after ng bangayan namin iyon. Yan kasi Jared, hinahayaan mong mawalan ka ng kontrol sa sarili mo! I can't help it, okay? Ang tagal niyang nawala sa amin at ngayon na umaayos na saka naman may dadating na asungot. *sigh*

"I'm sorry." Hindi ko ng tawad. "Xandra, I –"

"You know what? Forget it. I don't need your explanation. Na kesyo nagseselos ka. Na sa akin may tiwala ka pero kay EJ, wala. May tiwala ka nga sa akin, pero dyan sa ipinapakita mo ay wala. Hindi man lang ba sumagi sa isip mo na kung ano man ang iniisip mong gagawin ni EJ sa akin ay 'di ko hahayaang mangyari? Na kaya ako pumayag sa kagustuhan niyang mag-usap kami dahil may tiwala ako sa kanya? And besides, di hamak na mas kilala ko siya kaysa sa pagkakakilala mo sa kanya." Mahabang litanya niya.

"So siya pa ang kinakampihan mo?" Yun ang dating sa akin ng sinabi niya eh, na mas pinipili niya yung lalaking yon kaysa sa akin.

"Hindi ko siya kinakampihan, dahil wala akong dapat kampihan. Ang sa akin lang, kung totoo yang pagtitiwala at pagmamahal mo sa akin, hindi mo kailangang mangamba at magpadala sa selos mong yan. I'm committed to you, aren't I? I don't break my promises, Jared."

ALEXANDRA HENRIETTE

"Why can't you trust me..." Huminto ako ng bahagya bago muling nagsalita, "na hindi ko hahayaang may gawin siya na makakasira sa relasyon nating dalawa."

Wala ni isa sa amin ang nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay.

Agad akong bumaba ng kotse niya nang makapasok kami sa garahe. Dumiretso ako sa sala at naupo sa single sofa, dito ko na lang sila hihintayin.

Maya-maya ay nagsidatingan na sila at kanya-kanyang pwesto ng upo.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo, dahilan para tumingin silang lahat sa akin. Except for Jared.

"EJ, follow me." Utos ko sa kanya at tinahak ang daan papunta sa kwarto.

JARED ASHTON

What the hell?!

Alam kong masama ang loob niya sa akin pero, BAKIT SA KWARTO NIYA?!

Langya naman oh...

Nandito akong asawa niya! Can't they see? Can't they see?!

"Sabihin mo lang kung gusto mo nang sirain yang sofa para makahanap na ako ng pamalit." Napatingin naman ako kay Austin na siyang nakatingin sa akin, particularly sa kamay ko.

Grabe pala ang grip ng pagkakahawak ko sa sofa. Tsk. Kasalanan nung mokong na yun.

"Knowing them, babalik na yung dalawang yan sa pagiging mag-close friend." Komento ng isa sa mga kaibigan nung mokong.

"How can you be so sure?" Masungit na tanong ko. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pananahimik ng grupo ni Xandra, so I'm not sure whether this guy's telling the truth or not.

"Ganun naman talaga silang dalawa eh. Kahit na mukhang malabong magkabati sila, sa loob-loob nila ay bati na sila." Sabi naman nung isa pa.

"How. Can. You. Be. So. Sure.?" Madiin ang bawat salitang binitawan ko.

"Simple..." Another one trailed off.

"Dahil pinapasok na ni Alexandra si EJ sa kwarto niya." Pagtatapos nung isa pa nilang kabigan.

One Person, Three Identities [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon