Chapter 38

5.3K 115 5
                                    

HARIETTE BUENOS

"Got everything ready for tomorrow?"

"Yes, dad." I answered. Tinatanong kasi nito ang paghahanda ko for tomorrow. Ano bang meron bukas? My first day in college.

"Are you going with your brother?" Mom asked.

"Of course, mom. Mahirap na at baka kung saan-saan pa maggala – aw!" Buti nga sa 'yo. Para ngang siya dapat ang bantay-sarado dahil sa aming dalawa, siya ang gala. Sisihin daw ba ako? Kinurot ko nga ng manahimik.

"*chuckle* Isn't it the other way around?" Dad asked, teasing him as well. Bleh, buti nga!

"I heard from Cassy that they'll be staying for good." Mom said. Cassy? As in, Tita Cassandra?

"Yeah. Nabanggit din ni Lander."

And their conversation went on until the end of dinner, then we retired to our respective rooms.

KINABUKASAN...

"Baby sis, wala munang magjo-jowa, ha?" Argh.

"Stop calling me 'baby sis'! Geez, kuya." Pagtataray ko. Inuumpisahan niya na naman kasi ako.

"Oo na. Haha. Nandito na tayo." He said.

I went out of his car as soon as makapag-park siya. Hindi ko na pinansin nang tawagin niya ako dahil alam kong aasarin niya lang ako.

By the way, kuya and I are both in college but he's in his last year, a graduating student, and I'm in first year. Maloko pero maalaga. Kaya sa mga may gusto, binebenta ko po ang kuya ko, mura lang. PM is the key!

Kyzer texted me that he and Lauren's already in front of our building, na building rin ni kuya pero bahala na siya sa buhay niya.

Si Lauren nga pala ay girlfriend ng best friend ko na friend ko din. Buti nga sinagot siya eh. Nakaka-bitter mga mag-high school sweethearts, alam niyo yun? Buti na lang din at kasundo ko si Lauren, lalo na sa pang-aasar kay Kyzer *smirk*.

"Har!" I smiled when I saw Lauren waving at me habang napapailing naman si Kyzer na nasa tabi nito.

~~

A week has passed since the school year started and today's Saturday pero nandito kami sa school ngayon. Acquaintance kasi.

It's a school festival held by the school to, well, make the students be acquainted even if they're from different year levels.

Chance na rin ng different clubs na mag-recruit ng members. Typical school festival.

"HARIETTE!" Kahit 'di ko lingunin, alam ko na kung sino ang sumigaw ng napakaganda kong pangalan. Bahala siya diyan.

"Baby sis!" Argh! Nakakahiya ka, kuya!

I stopped on my tracks and turned around to glare at my sweet brother. That didn't last though, because when I turned around, hindi lang si kuya ang nakita ko.

Bakit magkasama sila?! Bakit kasama ni kuya si Alex?!

Sh*t!

Bakit nagpapanic ako?! Ano ba Hariette?! Umayos ka! Ano ngayon kung magkasama sila? It doesn't have anything to do with you!

"Natulala ka na diyan, baby sis? Porque kasama ko lang si Alex, ha." Shet na malagkit! Kailan pa nakalapit 'tong mga 'to?

"Che." Pagtataray ko sa magaling kong kuya.

Paano kung narinig ng iba yung sinabi niya?! Pasalamat siya at naisipan niyang ibulong yang pang-aasar niya, hmp!

Tinalikuran ko na sila't nagtuloy ng lakad. Nakita ko ring nagkatinginan si Kyzer at Lauren. Nakalimutan kong kasama ko nga pala 'tong dalawang 'to.

ANO BA HARYETA UMAYOS KA NGA!!!

~~

"Baby sis, kailan ka pa nag-diet?" Ang sarap talaga sakalin nitong napakabait kong kuya. Tsk.

"Simula ba nung –"

"Shut up!" Pagpigil ko sa kung ano mang kalokohan ang balak niyang sabihin.

Nandito kasi kami sa cafeteria ng school.

I'm with Kyzer and Lauren. 'Di ko nga alam kung paano, pero kasama na rin namin si kuya at mga kaibigan niya simula nung mag-iskandalo siya sa harap ng napakaraming booth kanina.

I didn't know that my brother and Alex are already this close. I'm not really close sa mga kaibigan ni kuya, but what I do know ay new found friend niya si Alex at yung isa pa. Minsan na rin kasing nagpunta sa bahay ang mga barkada ni kuya.

Hindi ko ganoon ka-kilala ang friends ng kapatid ko, but that changed today. Sa daldal ba naman ng lalaking 'to na 'di ko alam kung paano ko naging kapatid.

Share ko na rin sa inyo kasi mabait ako. Syempre 'wag na ang kuya kong epal kasi nga ang topic natin ay ang mga kaibigan niya.

First up is kuya Charles. Kuya Charles is his closest friend dahil mula nung high school kami pareho ni kuya ng school, ito na ang laging nakikita kong kasa-kasama niya. Medyo close na din kami since matagal na siyang pabalik-balik sa bahay. He was actually my first crush pero hush lang kayo, saka may fiancée na siya, si ate Violette. It may be arranged but their love for each other grew.

Ate Violette naman became my ate figure and their close friend. She's only a year older than me kaya 'di masyadong awkward ang relationship naming dalawa. Civil but a little bit friendly.

Next is kuya Stephen, same age ni kuya. Tulad kila kuya Charles ay 'di ako ganong ka-close sa kanya pero mas maloko siya kaysa kay kuya Charles. His girlfriend is Cassiopheia which is ka-age ko lang pala.

Cass is the bubbly type of girl. Parang Kyzer minus the nakakairita part. Also, Cass and kuya Stephen met when kuya was a graduating student in high school. Almost like Kyzer and Lauren's story.

Finally, their new found friends. Alexander Slade and Theo Smith. Correction, kuya Alexander and kuya Theo.

'Di bagay, hmp. Basta 'di bagay.

They are best friends and both of them grew up from States. Mostly because of business, of course. States and Japan daw ang lagi nilang pinupuntahan at ngayon nga'y they're staying in the Philippines. Namiss siguro nila ang init.

Same age din sila ni kuya but irregular students since they came from a different school, there are subjects na need nilang i-take. Kaya napag-alaman kong may subject sila na offered sa first year, which is kaka-finalize lang daw.

He could be my classmate. *ehem* I mean them.

Ish oo na! May gusto ako sa kanya! I like Alex!

Hariette, what have you gotten yourself into?

One Person, Three Identities [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon