Pagbukas ng pintuan ay bumungad sa kanya ang isang babaeng nakasuot ng puting mini skirt at pink tube top. Ito ang huling babae na kinalantari ng amo niya sa loob ng opisina at marahil ito rin ang may-ari ng panty na nakita niya sa may sofa noon.

Kaagad siyang tumayo at maayos na humarang sa harapan nito nang akmang di-derecho ng pasok sa loob ng opisina ng boss niya.

"Do you have an appointment with Mr. Laveau, mam?" Magalang niyang tanong.

"Yes I do." Sagot ng babae na balak uli siyang lampasan kaya't mabilis niyang hinawakan ang braso nito at muli siyang humarang sa daan.

"I'm sorry but based on his schedule he doesn't have an appointment with you. But I can set you with another one next month because he doesn't have available time during the next days and he will be quite busy next week and the week after." Pagdadalihan niya para mapaalis na ang babae.

"Oh, no need. Dev just called me and he said he wanted to see me today." Maarteng sagot sa kanya ng babae.

I doubt that!

Mariin niyang bulong sa isip dahil kilala niya ang boss niya at hindi nito gawain ang magtext sa mga babaeng naikama na nito. Fuck and forget ang motto ng lalaki kaya alam niyang gumagawa lang ng palusot ang dalaga.

"I'm sorry, Mam, but I can't let you in because he's busy. I'll just re-schedule your-"

"Can't you understand the words that I said?!" Mataray na ang tono ng babae at kita rin niya ang inis sa mukha nito nang dahil sa kapipigil niya. "He called me and he wants to see me, so get out of my way before I push you to the ground!"

Tumaas ang kilay niya at masamang tiningnan ang dalaga. Iniisip pa niya kung papaano niya ito mapapaalis at kung ano ang susunod niyang gagawin para takutin ito nang biglang bumukas ang pintuan sa kanyang likuran.

Alam niyang nakatayo na sa likod niya si Dev kaya naman hinawakan na niya sa magkabilang balikat ang babae upang itulak na sana palabas ng pintuan nang marinig niya ang boses ng binata.

"Let her in, Miss Guerrero." Ma-awtoridad na utos sa kanya.

Napalingon siya agad sa lalaki upang makita ang mukha nito kung seryoso ba talaga ito sa ipinapagawa sa kanya. Walang bahid ng alinlangan o panloloko ang mukha ng binata at salat din sa emosyon. Kaya't kahit naguguluhan siya ay tumabi na siya at binigyan ng espasyo ang babae upang makaraan.

Umismid pa sa kanya ang dalaga na tila ba inaasar siya dahil sa pagkapahiya niya bago ito naglakad at sinalubong ng halik si Dev. Gumanti din ng halik ang binata na hindi man lang nahiya at ipinakita pa sakanya ang pakikipaglandian nito.

Siya na ang umiwas ng tingin at bumalik na lang sa kanyang pwesto ng tahimik.

"Next time, inform me first about my guests before you shove them away." Na lumapit pa sa gilid ng kanyang mesa. "And by the way, make sure no one will disturb us, okay?" Pahabol pang utos sa kanya ng amo bago hinila ang babae sa loob ng opisina nito.

Nanggi-gigil siya at sa sobrang inis niya ay nabali niya ang hawak na lapis sa isang kamay. She wanted to hurt someone so badly so she could release her anger right now. Kung maaari lang sanang manakit ay kanina pa sana naisugod sa ospital ang dalawang malalandi sa kabilang kwarto.

F.L.A.W Series Book 1: AMETHYSTWhere stories live. Discover now