23: Childhood Memories - I

175 20 68
                                    

Chapter 23 - Part I
Childhood Memories

| Third Person's POV |
Chelsea's side

Palipat-lipat ng tahanan ang pamilya nila Chelsea simula noong bata pa siya. Akala niya normal lang na gisingin siya ng mga magulang sa gabi o kaya'y tuwing madaling araw para umalis na lang bigla. Pero hindi niya alam na para iyon sa pagtatago nila mula sa mga taong gustong pumatay sa kanila.

"Baby, wake up, we're going somewhere." Marahan siyang ginising ng kanyang mommy habang nakadim ang ilaw sa kanyang kwarto. Tanging lampshade lang ang nakabukas kaya ayaw pa sana bumangon ng bata.

"Again?" Inaantok na tanong ni Chelsea habang nira-rub nito ang kanyang mga mata. Naalala pa nito na kalilipat lang nila dito noong nakaraang buwan.

"Yes, we're going to a new place. You want adventures right? Madami roon." Sabi ng mommy nito na hinahaplos ang magkabilang pisngi ng bata.

"Okay mommy!" Biglang nagkaroon ng sigla ang bata kaya hinalikan siya sa noo ng kanyang nanay.

"Now stick with kuya Banjo in his car, 'wag kang makulit sa byahe, okay?" Pumasok sa kwarto ang matandang lalaki na palaging nakasuot ng itim at palagi ding nakashades.

"How 'bout you and daddy?" Tanong ng bata. Napatingin ang kanyang mommy sa butler nitong si kuya Banjo at napasinghap.

"We're gonna follow you, may dadaanan lang kami saglit so we're gonna use our car." Sinuklay ni Clarissa ang buhok ng kanyang anak. "M-mabilis lang toh anak. Then we're gonna go to our new home soon."

Tumango na lamang si Chelsea kahit na hindi niya maintindihan kung bakit parang kinakabahan ang kanyang mommy.

"Let's go, lady Chelsea." Wika ni Banjo sabay lahad ng kamay sa batang babae. Kadalasan ay pinagsasabihan siya ni Chelsea na huwag tawagin ng ganon dahil bata pa siya at hindi pa daw siya lady. Pero ngayon, hindi kumibo si Chelsea dahil na rin naramdaman niya ang pangamba ng kanyang ina.

Nang makasakay na sila ni Banjo sa kotse ay nakahinga na nang maluwag si Clarissa dahil alam niyang ligtas na ang kanyang anak. Agad siyang pumunta sa master's bedroom dala ang loaded na baril nito. Dahan-dahan niyang pinihit at tinulak ang pinto roon. Nakabukas ang lampshade malapit sa bintana kaya mayroong ilaw sa loob. Hinayaan niya rin na nakabukas lang ang pinto para pumasok ang ilaw mula sa hallway.

Ayaw niya nang isindi pa ang ilaw sa kwarto dahil makikita lang nito ang lalaking nakaupo roon sa may bintana. Hawak ng lalaki ang picture frame ng munting pamilya ni Clarissa. Habang sa kaliwa naman ng lampshade ay nakaupo ang asawa nitong si Henry na nakatali at may takip ang bibig.

"My child's safe, now let go of my husband you jerk!" Tinutok ni Clarissa ang baril niya sa lalaking nakadekwatro lang at kalmadong pinagmamasdan ang picture frame.

"You're asking too many favors, dear." Kinilabutan si Clarissa nang marinig ang malamig na boses ng lalaki.

"Your daughter, she's surely gonna take over your family's empire huh?" Napangisi ang lalaki. Maingat niyang ibinaba ang picture sa side table saka tinignan ang mga mata ng babae.

"What do you want, Estefan?" Madiing tanong ni Clarissa habang nakatutok pa rin ang baril sa lalaki na ngayon ay tumayo at marahang naglakad palapit sa kanya.

"Relax, I'm not interested in killing you. In fact, my men, already killed and cleaned up your fake neighbors. They're the ones who are thirsty of your blood." Nanlaki ang mga mata ni Clarissa.

Mababait ang mga kapitbahay nila kaya hindi niya natunugan na may masama silang intensyon. Alam ni Clarissa na nagsasabi ng totoo ang lalaki dahil parte siya ng isa sa mga clan na kaaway ng pamilya niya.

School Life With You (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon