25: Red Dragons - II

184 14 86
                                    

Chapter 25 - part II
Red Dragons

| Violet's POV |

Finally! Tapos na kaming magmartsa sa parade at mabilad sa initan dahil sa opening ceremony. Ngayon naman ay nasa loob na kami ng covered auditorium ng Dandelion City. Dito gaganapin ang pageant ng mga muses and escorts ng iba't-ibang schools.

"Go Fafa Daixon!!!!" sigaw nila Kier, Kris, at Kisha kahit wala pa namang lumalabas na mga muses at escorts sa stage. Nakikipagsabayan sila sa ingay ng music sa stage, sa tugtog ng mga drum & lyre, at sa mga cheers ng iba't-ibang schools.

Daixon gained popularity ever since he won the title as Empyrean Academy's Mr. Intramurals. Now, he have to deal with another pageant. But this time it's against different schools in Dandelion City.

Medyo kabado ako ngayon, hindi dahil sa wala akong tiwala na pwedeng manalo si Daixon, kung hindi dahil baka takbuhan niya ang pageant.

"Ang tagal naman!" kumento ni Shaira na nasa tabi ko. Todo paypay siya sa sarili kasi crowded na.

Nasa side bleachers kami dahil ayaw naming makipagsiksikan sa mga nakatayong audience sa tapat ng stage. Nasa kaliwa ko si Chelsea na kasama sina *sigh* Yohan at *smile* Sean. Tapos nasa harap at likod naman namin ang iba pang Corinthians.

Nandito rin sa malapit ang mga Romans para suportahan si Ariella na siyang muse ng EA junior High. Actually, madami rin akong nakita na mga EA junior high na manonood ngayon at susuportahan ang bets namin.

"Violet, sama ka sa backstage?" tanong ni Vincent na nasa ibaba ng bleachers. Nagulat ako at napaturo sa sarili ko.

"Me? Why?" I asked and looked at Shaira and Chelsea so I can get answers. Pero maging sila ay nagtataka. And oh! Did I mention na hindi nagpapansinan sila Chelsea at Vincent? Yup.

"Syempre para may support si Daixon! Ayieeee!" pang-aasar ni Rylen na kasama ni Vincent sa ibaba.

"Ayieeee! VioDaix! VioDaix!" pang-aasar ng mga kaklase namin kaya sinimangutan ko sila.

"Punta ka na girl!"

"Oo nga kawawa naman si Daixon!"

"Hoy sama rin kami!" pagdemand ni Shaira kila Vincent.

"Hindi raw pwede na madaming tao sa backstage! Saka bawal ang matsura don!" sabi ni Rylen.

"Mas panget ka unggoy!"

Napailing na lang ako at napa-nguso kila Chelsea at Shaira.

"Girls, huwag niyo kong aasarin pero pupunta ako to support---"

"Ayieeee!" natatawang pangaasar ni Chelsea. "Just kidding, go ahead na! Pasabi na lang kay Daixon na galingan niya kasi magchicheer buong Corinthians and even the whole EA for him."

"Okay, I'll say that," nakangusong sabi ko.

"Stage girlfriend yarrrn?" pangaasar ni Shaira kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Joke lang gaga! Pumunta ka na doon kasi 'di gets nila Rylen at Vincent mga ganap sa backstage. Maalam ka sa ganyan 'di ba? Oh! Ge na!"

"Fine," pagsuko ko saka na ako bumaba ng bleachers dala ang sling bag ko at pom-poms.

Nakapang-cheerleader outfit pa rin ako kasi mamayang tanghali na ang competition namin. Ramdam ko na agad mga tingin ng tao sa akin. Nagagandahan ba sila sa akin? Napapangitan? Hinuhusgahan ba nila ako sa suot ko?

"Hoy Byoleta! Sabihin mo na dapat siyang manalo or else ibebenta ko online yung mga pics niya habang tulog sa classroom!" pahabol pang sigaw ni Shaira. Kaya natawa ako at tumango.

School Life With You (Book 2)Where stories live. Discover now