23: Childhood Memories - III

147 19 2
                                    

trigger warning:
abuse, violence, killing, etc.

Chapter 23 - Part III
Childhood Memories

| Third Person's POV |

Nawalan ng malay si Chelsea kaya hindi niya alam ang mga sumunod na nangyari. Nang magising siya ay panay ang iyak nito dahil wala si Louis sa kanyang tabi. Natakot siya dahil baka kung ano na daw ang nangyari sa kanya.

"Stop crying, Alissa!" Inis na sigaw ni Dahlia, ang ina ni Vincent.

"I'm not Alissa, m-my name's Chelsea." Pumiyok na sabi ng batang babae.

Nakaupo lamang si Chelsea sa kama at nakasandal sa headboard. Kaninang pag-gising niya ay hindi nito alam ang gagawin kaya nanatili na lamang siya sa pwesto. Natatakot din siya dahil na rin sa marahas na trato ng mga ito sa kanila ni Sean kanina. Baka kapag naglikot daw siya ay saktan nila si Louis.

"You're my Alissa, my daughter." Umupo si Dahlia sa gilid ng kama ni Chelsea at saka hinaplos ang pisngi nito na namumula-mula. "Hush now, my darling, mommy's here. Okay? Don't cry."

Yayakapin na sana ni Dahlia ang bata ngunit lumayo si Chelsea kaya nagulat siya.

"Y-you're not my mommy! You're Albion's mom." Kabadong wika ng bata nang marating niya ang kabilang dulo ng kama. Napatayo naman si Dahlia at napasinghap.

"Yes, I'm your mom and Albion's mom. Magkapatid kayo ng kuya mo, Ali." Mahinahon ngunit nakakapanindig na balahibo ang kanyang boses para sa batang si Chelsea. Nakangiti si Dahlia ngunit ang mga mata nito ay napakalamig.

"I'm not Ali! My name's Chelsea!" Sigaw nitong muli kaya lumapit sa kanya si Dahlia at hinigit ang palapulsuhan nito.

"Listen child, when I say you're my daughter, then you are my daughter. Your name is Alissa and nothing else." Madiing sabi nito kaya napaiyak si Chelsea, humihigpit na kasi ang hawak sa kanyang palapulsuhan kaya nasasaktan na siya.

"L-louis! H-help me!"

"You're not gonna see that kid ever again so shut up!" Sigaw pa ni Dahlia kaya napakunot-noo si Chelsea.

"W-why?"

"Because we will sell his organs and he'll be a cold dead body before you even saw him." Pananakot ni Dahlia kaya nanlaki mga mata ng bata at mas lalo itong umiyak at nagwala.

"L-LOUIS!!!!!" Sigaw ni Chelsea at dali-daling humiwalay kay Dahlia. Sinubukan niyang lumabas ng kwarto ngunit naabutan din siya kaagad ng ginang.

Paulit-ulit niyang sinisigaw ang pangalan ng kanyang kaibigan habang humahagulgol.

"Hoy! Ano bang ingay yan?!" Nanggigigil na tanong ni Berta, isa sa mga taga-pangalaga ng ampunan, nang buksan nito ang pinto ng kwarto ni Dahlia.

"S-si Louis p-po saan niyo siya danala?" Humihikbing tanong ni Chelsea kaya napasinghap si Berta.

"Ikaw Dahlia! Nagdadala-dala ka ng mga bata dito tapos sa may sabit pa! Paano pag may dumaan sa kanto at narinig itong kakaiyak nitong batang toh ha?! Walang may alam na nandidito tayo kayo patahimikin mo yan." Mariing sabi ni Berta kay Dahlia.

"Roy! Kunin mo nga yung batang lalaki na iniiyak-iyak nitong batang toh para matapos na." Utos ni Berta kaya tumango at sumunod naman si Roy. "Ikaw naman Dahlia, umayos-ayos ka ha. Kung hindi lang dahil sa pera mo, papaalisin talaga kita dito!" 

Samantala, kasama ni Sean ngayon ang ilang mga bata na nakakulong sa madilim at masikip na kwarto sa ilalim ng hagdan. Nararamdaman niya na mayroong mga ipis, daga, at iba pang peste na gumagapang sa paligid ngunit hindi siya kumibo. Habang ang ibang mga bata naman ay nagsisi-iyakan na.

School Life With You (Book 2)Where stories live. Discover now