26: Shield and Armor - III

94 11 2
                                    

Chapter 26 - part II
Shield and Armor

| Third Person's POV |

Pagkatapos sipain ni Sean si Judas ay tumalsik ito sa sahig malapit sa hagdan. Umupo si Vincent sa harapan ng kawawang lalaki at maangas na kinausap ito. Lumapit sa kanila ang mga guro habang pinapabalik sa mga classrooms ang mga estudyante na nakiki-usyoso sa may hagdan.

"Tell me Judas, who paid you to ruin Chelsea's image?" seryosong tanong ni Vincent.

Naniniwala kasi ito na inosente si Chelsea sa pag drug deal. At ang hinala niya ay may nagframe lang sa babae.

"No one," madiing sabi ni Judas.

"That's enough Mr. Ocampo and Mr. Santos," utos ni Ms. Mara sa dalawang estudyante. "Wala ang principal ngayon, at mukhang mainit pa ang mga ulo niyo kaya pag-usapan na lang natin ito sa Monday."

"I can't wait that long Ms. Mara," kunot-noong sabi ni Vincent saka ito tumayo. "Naka-publish sa The Prophets ang pag defame nila kay Chelsea. Hindi ko siya titigilan hanggang hindi niya babawiin mga sinabi niya."

"It's not defamation! I'm telling the truth, the Prophets are telling the truth!" giit ni Judas habang nakasalampak pa rin sa sahig at napapangiwi sa sakit ng katawan.

Napabuntong-hininga si Ms. Mara dahil wala ngayong araw ang Principal pati na rin ang Guidance Counselor, kasama ang ilang teachers. Alam niya na hindi nito dapat pakialaman ang kasong ito. Lalo na't wala siyang awtoridad sa ganito kalaking isyu.

"Vincent, I'll talk to the editor in chief of The Prophets to take the articles down both online and offline," pag-bigay ng pag-asa ni Ms. Mara. "Pero dahil marami na ang nakabasa nito, expect niyo nang hindi nila titigilan si Chelsea. I advice you to wait until Monday and gather evidences if Judas and The Prophets are telling the truth or not. You should prove Chelsea's innocence, it's the only way to stop the rumors from spreading."

Napatango si Vincent dahil sa ayaw na niyang sumumbat pa sa kanilang adviser. Puno pa rin ng inis at galit ang lalaki pero pinilit niyang kumalma.

"I told you it's not a rumor," pabalang na sagot ni Judas.

"As for you Judas," napasinghap si Ms. Mara dahil sa kalagayan ng lalaki. "You should go to the clinic and get yourself treated."

"Dapat malagot din si Sean Quintos dito! He assulted me!" panduduro ni Judas sa lalaki na hawak ni Chelsea.

"Yeah, on Monday he'll surely be punished," sabi ni Ms. Mara habang pinapakalma ang lalaki. Napatingin ang guro kay Sean na nag-iwas lang ng tingin.

"And Vincent!" pagduro naman ni Judas sa lalaki. "Ikaw ang Student Council president kaya malalagot ka rin sa ginawa mo sa akin!"

"Yes Judas, all of you will go on trial this Monday. Doon mo sabihin ang mga reklamo mo kay Principal Mercy. For now, go to the clinic," utos ni Ms. Mara sa kanya sabay turo sa direksyon ng clinic.

Itinayo ng dalawang lalaking teacher si Judas para ihatid sa clinic. Napapangiwi ito sa sakit kaya masamang tinignan niya sila Vincent, Sean, at Chelsea.

"You three will surely take the downfall by Monday," nakangising banta pa ni Judas.

Napasinghap si Ms. Mara at napailing. Saka ito humarap sa tatlong estudyante. Hindi siya naniniwala na kayang gawin ni Chelsea ang pag-drug deal. Kaya naman gulat pa rin ito sa mga nabasa niya pero may tiwala siya sa mga estudyante niya.

"Chelsea, you should get yourself clean," wika nito. Tumango si Chelsea at naglakad na papunta sa CR nang sundan siya ng dalawang lalaki.

Biglang nagpanik si Ms. Mara sa nakita. "Vincent, Sean, don't come with her! Susmaryosep mga batang toh! Shaira, samahan mo si Chelsea sa CR."

School Life With You (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon