22: Survival of the Fittest - I

269 23 9
                                    

Chapter 22: part I
Survival of the Fittest

"In the struggle for survival, the fittest win out at the expense of their rivals because they succeed in adapting themselves best to their environment

Hoppsan! Denna bild följer inte våra riktliner för innehåll. Försök att ta bort den eller ladda upp en annan bild för att fortsätta.

"In the struggle for survival, the fittest win out at the expense of their rivals because they succeed in adapting themselves best to their environment."

-Charles Darwin

| SHAIRA's POV |
the scavenger hunt

Ang ganda lang ng paligid dahil sa araw na malapit nang lumubog. Ang refreshing sa mata kasi tumatagos yung sinag ng araw sa pagitan ng mga dahon ng mga puno. Pero kahit na ang ganda ng ambiance, ang misteryoso pa rin ng kagubatan. Hindi mo alam kung may biglang tutuklaw sayo o aatake.

Minsan, parang gubat ang Empyrean Academy. Napakamisteryoso nito sa labas, at pagpasok mo sa loob, makikita mo ang kaguluhan at kagandahan nito. Pati mga estudyante doon, parang taga wild, mababangis at minsan nakakatakot, pero ang iba ay harmless pala. Maybe, we all doing this for survival. Lalo na ngayong high school, hinahanap pa namin mga sarili namin sa loob ng gubat.

Habang papunta kami sa forest A ay napapakanta ang mga kaklase namin. Si Kier todo ang pagvlog niya, at ang iba ay nagpipicture ng sceneries gamit ang mga camera nila. Mukha naman nag-eenjoy ang lahat kaya napapasabay ako sa trip nilang pagkanta.

Sa ngayon, hindi pa namin alam kung may ahas ba talaga sa Corinthians, pero sana wala. Sana walang tumuklaw sa section namin habang nandito kami sa Leaf camp. Sana samahan ang mabuild, hindi pagdududa.

"Yow Shaira! Mukha kang matsura! Nakainom ka ba ng dinamita? Oh yeah, mukha kang paminta." Pagsabay ni Rylen sa beat ng kinakanta ng mga kaklase ko. Obviously iniba niya ang lyrics para maasar ako kaya natawa ang iba at kinantyawan na naman kami.

"Ha... How you like that?" Pakantang sabi pa niya kaya sinaman ko siya ng tingin.

"Oh tapos?" Taas kilay na tanong ko. "Pajacket-jacket ka pa kala mo oppa ka?"

"Ohhhhh!" Pangaasar ng mga kaklase namin.

"Hoy pakialam mo ba! Eh sa nilalamig nga ako, reklamo-reklamo ka diyan, gusto mo tanggalin ko jacket ko tapos yakapin mo na lang ako, oh?" Sabi pa niya na hinuhubad na ang itim niyang jacket.

"Ayieeeeee!"

"ShaiLen! ShaiLen!"

Lumayo na lang ako kay Rylen at tumabi kay Chelsea na kasama si Vincent.

"Hayst, Shaira panira ka naman ng diskarte, balik ka na don kay Rylen." Bulong pa sa akin ni Vincent kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Baka gusto mong pag-untugin ko kayo ng unggoy na yon?" Inis kong sabi kaya napasorry na lang ang gunggong. Hayst. Sakit talaga sa ulo mga boys!

Samantala, eksaktong 4 pm ay nagsimula nang magsalita ang aming principal sa mini stage dito sa forest A.

"Good afternoon Grade 10!" Talagang naka-megaphone pa si Ma'am Mercy. "Habang nandito kayong lahat, pumunta sa mga camp sites ang mga scoutmasters para magtago ng ilang mga mahahalagang piece. Kada forest din ay mayroong mga nakatagong bagay na nasa sa hunt list ninyo. You're free to visit each camp sites, but be reminded that the things you will hunt are not found inside the tents. Do not search on other's personal belongings. Are we clear?"

School Life With You (Book 2)Där berättelser lever. Upptäck nu