26: Shield and Armor - II

133 12 27
                                    

Chapter 26 - part II
Shield and Armor

| Chelsea's POV |

"On the third week of December, all students will have to take the Dandelion Schools Achievement Test for two days. Then after that, you will have your 3rd monthly exam before your holiday sem break," pag-anunsyo ng aming principal kaya naman ay napa-groan kaming mga estudyante. "We are not aiming to stay at 5th placer for this year. That's why we expect you all to do great in your DSAT."

Marami akong narinig na mga reklamo. Some students even talked to Vincent while we were line up here at our school's gymnasium.

Natigil ang ingay ng mga estudyante dahil sa pag-congrats ng aming principal sa mga nanalo noong nakaraang Sports Fest. Ayon sa kanya, pandagdag din iyon sa puntos ng Empyrean Academy para sa Dandelion Top Schools list, alongside the results of the Academic Fest, and the upcoming DSAT.

"You have two weeks to review. Good luck and study hard students!" pagtatapos ni principal Mercy.

Nagsimula nang magsilabasan ang mga estudyante sa exit ng gymnasium. Napadpad naman ang mga mata ko sa linya ng aming klase. Naroon sa pila si Sean na kausap si Gino. Hindi ko pa pala siya nakakausap tungkol noong Saturday victory party. I need to say sorry for not leaving him.

"Bakit kasi may test pa dito sa school this month eh meron pang DSAT!" reklamo ni Violet habang hinihintay naming maubos ang mga estudyante sa exit.

"Yeah, that's exhausting!" buntong-hiningang kumento ko. Sabay kaming napalingon ni Violet kay Shaira na walang reklamo.

"Oh no Shaira, you're enjoying this?" hindi makapaniwalang kumento ni Violet sa kanya.

"What?" natawa si Shaira. "Come on Violet! Hindi ka pa ba sanay? Ganito rin naman last year ha? After ng DSAT exams, mayroong monthly test, tapos Christmas party, at ayon bakasyon na!"

"Bakasyon only for 2 weeks? That's not what we deserve!" dismayadong reklamo ni Violet kaya napatango-tango ako.

"Chelsea, huwag mo sabihing may reklamo ka?" Shaira asked while raising her brows. "You love school, right?"

"Yeah," natatawang sabi ko dahil alam ni Shaira na ayaw ko magbakasyon. I love going to school! "But we all need rest. Like paano tayo makaka-concentrate sa DSAT exams knowing na may school test din tayo after non?"

"So true!" pag-agree ni Violet. "Iniisip ko pa lang, stressed na ako."

"Right! Nakakapagod mentally," dagdag ko.

"Oh come on Chelsea! Matalino ka, kaya dapat hindi ikaw yung nagrereklamo," sabi ni Shaira.

It's good that she's back to her self. Hearing our stressful bickers made me smile despite all the academic stress.

Yesterday wala man si Shaira sa outreach program pero ni-update naman niya kami ni Violet tungkol sa mga nangyari at nararamdaman niya. Now, sabi niya okay na siya kaya naman masaya kami para sa kanya.

"Save the debate later," biglaang pagsingit ni Vincent na kasama si Alice. "Excuse us but we need Chelsea to come with us at the student council room."

"Eh? What's wrong?" tanong ni Shaira.

"Madaming reklamo mga students tungkol sa test," sagot ni Vincent sabay kibit-balikat.

"Okay I'm coming with you," sabi ko saka nagpaalam na kila Shaira at Violet.

Apparently, madami nga talagang reklamo ang mga estudyante. Two days ang DSAT tapos two days din ang 3rd monthly test namin, magkasunod pa talaga iyon. So, paano pa kami makakapag-Christmas party, Game of 10s, at kung ano-ano pa?

School Life With You (Book 2)Where stories live. Discover now