28: Erudite Acts - III

99 7 3
                                    

Chapter 28 - part II
Erudite Acts

| DAIXON's POV|

"Daix is on, that's your gaming username right?" she asked.

"Oo," sagot ko sa babaeng kumalabit sa akin. Naka-bangs ito at blonde ang unat na buhok. Pamilyar siya, pero 'di ko matandaan.

"I knew it! You're Daixon Lim!" masayang sabi nito kaya napakunot-noo ako.

"You and your fan girls," bulong ni Sean sa akin.

"Fan girls? Ah! That's because you're famous now," sabi ng babae na tumatango habang nakatingin sa akin.

Teka, pamilyar din yung boses niya. Tinitigan ko ang babae at unti-unti itong namukahan. Dati wala siyang bangs at kulay itim pa ang buhok, kaya pala hindi ko siya nakilala agad.

"Honey?" gulat kong tanong. Paano siya napadpad dito sa Dauntless House, at sa Empyrean Academy?

Teka teka teka. Hindi ko nabanggit si Honey nabanggit kay Violet--- kailangan ba na banggitin ko sa kanya? Ge, kapag wala na siguro ako masabi.

"Yup!" masayang sabi niya. "Finally, nakilala mo rin ako! It's nice to meet you in person, Daixon."

Sean made a face to me and gave me a signal which says "I'm out of here, good luck."

Tumango lang ako kay Sean at hinarap ulit si Honey.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Napadpad ang tingin ko sa ground floor habang nandito kami sa may pasamano ng 2nd floor.

Teka, nasaan na ang babaeng yon? Wala na sila doon sa pwesto nila kanina kaya naalerto ako. Naglakad ako ng kaunti para silipin ang mga tao sa baba, pero hindi ko siya makita.

"Actually," nagsalita muli si Honey kaya napatingin ako sa kanya. "I'm here sa Empyrean Academy kasi I'm checking it out. I might transfer here next school year."

Tumango-tango ako sa sinasabi niya habang hinahanap pa rin sina Violet.

"I'm in grade 11, mas matanda ako ng isang taon sa'yo," sabi ni Honey na natawa ng kaunti.

"Ah, nasabi mo na noon," sabi ko.

"Wow! You actually remembered," masayang sabi nito, tumango naman ako. "Anyway, where were you staying? Nagdodorm ka ba malapit sa school niyo?"

"Sa bahay," sagot ko. Nakangiti lang siya sa akin na parang naghihintay pa ng sagot. Pero wala ako masabi kaya tinanong ko na lang. "Ikaw?"

"Oh! I'm staying near Buvlen High," masiglang sabi nito. "Alone, with my computers of course."

May sasabihin pa sana siya pero nahagilap ko bigla si Violet na paakyat ng hagdan.

"Ah ge, bye."

Mabilis kong pinuntahan sa hagdan si Violet. Baka nahihilo siya tapos mag tumbling pa 'yan.

"Daix! I was just about to go to you," sabi ni Violet nang makita akong pababa na ng hagdan.

"Uwi ka na?" tanong ko. Tumango naman ito habang pababa na kami ng hagdan.

"Nandiyan na sundo ko, then kasama ko si Shaira. She's gonna sleepover," nakangiting sabi nito pero alam kong may halong pag-aalala iyon. Halata sa tono niya.

"Anong meron?" tanong ko habang nililingon ang paligid para hanapin si Shaira. Malapit lang naman kasi dito sa school yung apartment na tinutuluyan niya, bakit kila Violet pa siya matutulog?

"Girl's night," sabi nito. "By the way, can you see me out?"

Tumango ako at hinatid siya sa labas. Binati ko ang driver nila at agad naman niya akong namukahan at binati pabalik. Nagtaka pa si Violet kung bakit close kami ng driver nila. Eh paano, noong nagsleep over kami sa bahay nila Violet, wala akong makalaro ng ML hanggang sa niyaya ko driver nila.

School Life With You (Book 2)Where stories live. Discover now