21: Unite to Survive - II

223 23 44
                                    

Chapter 21 - part II
Unite to Survive

| Third Person's Point of View |

Maayos na nakarating ang team camp site sa Forest F at sinimulan nila ang pagtayo ng mga tents. Maayos naman na nakapila ang flag making team sa Forest A habang naghihintay ng turn nila sa paglalaro para makakuha ng art materials.

Habang ang cooking contest team naman ay pababa na sa medyo matarik na lupa ng valley para makapunta sa Forest D. Nasa ibabang bahagi o sa kapatagan kasi nakadestino ang isang canopy kung saan naroon ang ilang Grade 10 na nakasuot ng mga sibilyan na damit tulad nila.

Napatingin ang cooking team sa paligid at nakita nila na mayroong malawak na vegetable garden doon. Nakita din nila ang mga nakakulay puting shirt at brown slacks na mga scouts.

"What do we have here?" Tanong ni Freya nang makapasok sila sa loob ng canopy. Napatingin siya sa may pinakaharapan at nakita niya roon ang lalaking nakatingin sa kanya.

"Oh my gosh." Mabagal na kumento ni Freya saka nito napagtanto na ang mga nakita niyang pamilyar na mukha na nakasuot ng white shirt ay ang mga scouts na magga-guide sa kanila.

"Are they the... uhm... special section of EA?" Nagtatakang tanong ni Violet dahil namumukahan niya ang ilan sa mga naka-white shirt, a.k.a scouts.

"Unfortunately, yes." Sagot ni Freya habang nakatingin sa lalaking naglalakad palapit sa kanila.

Ang special section ng Empyrean Academy ay binubuo ng mga estudyante na kadalasan ay ayaw umattend sa face-to-face classes. Sila ay enrolled sa flexible or blended learning kung saan may schedule sila ng online classes at meron ding face-to-face classes. Ang iba naman sa kanila ay pure homeschooled, kung saan mayroon silang mga sari-sariling instructors. Mahal ang tuition fee ng mga ito dahil sa special program nila.

"Good morning, I'm Yohan and she's Jessica, we are your guides in this camp." Wika ni Yohan nang makalapit siya sa mga Corinthians, kasama ang isang babaeng scout.

Parte si Yohan sa homeschooling program ng EA special section. Ngunit nag-enroll ito sa blended learning para makapag-face-to-face classes na rin siya.

"Before you can have the ingredients of your choice, that are still available, you will have to play our quiz bee." Wika ni Yohan. Nang mapatingin siya kay Freya ay inirapan siya nito kaya napangiti ang lalaki.

"The quiz have riddles, trivia questions, and topics from school. If you got 1 correct answer, you can have 1 ingredient or kitchen tools. Since we are almost out of stock, you will have a quiz-bee-like competion against the other section." Paliwanag ni Yohan.

"Hala! Bakit naman naubos agad?" Reklamo ni Jennica kay Shaira, narinig naman iyon ng mga scouts.

"Madami po kasing ni-request na ingredients yung mga taga ibang sections kanina." Wika ni Jessica, ang scout na kasama ni Yohan. Hindi na nakapag-reklamo ang mga Corinthians dahil wala na rin silang magagawa pero naroon ang pagka-inis nila.

"Pumila na lang po kayo dito, tapos palista po ng names and section. Bale 5 players lang po ang kailangan sa quiz bee." Dagdag pa ni Jessica. Kaya naman nag-assign si Shaira ng mga maglalaro at nilista niya iyon.

Habang si Freya naman ay napahalukipkip at napataas ang isang kilay nang magtagpo sila ng tingin ni Yohan.

"Why are you a scout?" Mataray niyang tanong na para bang kinukwestyon ang buong pagkatao ni Yohan. Halos pabulong lang iyon dahil ayaw niya na pagtinginan sila ng ibang estudyante. Lalo na't alam ng karamihan na mag-ex sila.

School Life With You (Book 2)Where stories live. Discover now