25: Red Dragons - I

232 21 24
                                    

Chapter 25 - part I
Red Dragons

| Chelsea's POV |

The Dandelion City arena was filled with student athletes representing their respective schools. It is as if the color of the rainbow is complete because of our sports uniforms. Our school, Empyrean Academy is wearing the mighty color red with our Dragon emblem printed on our Jerseys and varsity's jacket.

Kanina noong hinatid kami ni tita Hera, competitive kaming magpipinsan sa isa't-isa.

"Psh! Sports animal niyo, dragon? Okay lang kayo?"

"Oo nga! It's a mythical creature."

"Meaning, myth lang din ang lakas nila."

"Ooooh!"

Napa-iling na lang ako sa pagbabardagulan naming magpipinsan. Ang Zidea Academy kasi ay kilala sa tawag na Blue Whales kaya naman naka-color Blue sila. Ang Buvlen High naman ay Black Ravens, St. Every ay Yellow Tigress, at St. Adamson ay Golden Lions. Mayroon pang ibang schools sa Dandelion City na kasama sa Sports Fest. Mayroong naka-green, orange, violet, pink, at iba pang kulay. This Sports Fest will gonna be exciting!

Pagkatapos ng parade of athletes, ay dumiretso kami sa Dandelion City Arena para sa grand opening. Bawat sports ay may isang representative per school na aakyat sa grand stand para sa torch lighting. Ako dapat ang representative ng EA archery team sabi ni coach L, pero ang payo ng sports adviser ng EA ay hindi daw maganda kapag bagong player ang mag-la-light ng torch. Dapat yung may experience na daw, kaya naman si Bryan na kasama ko sa Archery team ang representative namin sa Junior High.

"Red Dragons! Red Dragons! Fly high and roar! Fly high and fire! Fly high and slay!"

Habang tumutugtog ang drum & lyre, ay nagchicheer at sumasayaw naman ang mga cheerleaders. Naroon si Violet kaya naman napangiti ako at kinuhanan ko siya ng video. Napalingon ako sa katabing linya namin, kung saan nakapila ang Volleyball team, at nakita ko si Shaira na nirerecord din si Violet. Napansin niya ako at ni-video-han din kaya ginaya ko 'yon at nagtawanan kami.

Nang magsimula na ang torch lighting ay tumahimik ang lahat. Ang grand stand speakers na ang lumikha ng marching sound na nakakataas ng level of proudness bilang athlete.

"Someone's enjoying," napalingon ako sa tumabi sa akin sa linya.

"Yohan?" My eyes widened at the same time his smile enlarged. "What are you doing here?" I asked while looking at the people staring at us.

Yohan was wearing a white shirt with an outdated red varsity jacket. It was the last year's design. He is not in a sports team this school year, that's why I am surprised to see him here.

"Nakikipila para makausap ka," sagot nito.

"Ayieee! Kayo pala?" tanong ng isang archery team na senior high.

"P-po?" gulat kong tanong at napalingon kay Yohan. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako, saka siya nag-"Shhh!" sa lalaking Senior High na nakapila sa likod ko. Pagkatapos non ay hinarap na ako ni Yohan sa may grand stand kung saan ginaganap ang torch lighting.

"Seriously Yohan? I thought you were busy today?" I asked. He didn't tell me what's he gonna do today, so I assumed I'll not see him.

"I'll be busy watching your game," he smirked while his arms are still on my shoulders while playing with my hair.

"E-eh? What if I couldn't concentrate?" kabado kong tanong. Feeling ko kasi mapepressure ako habang nandoon siya kaya kung pwede sana wala na lang manood sa akin na kakilala ko.

School Life With You (Book 2)Where stories live. Discover now