SDTR: Kabanata 28

Start from the beginning
                                    

Kung darating man ang panahon na muli kaming magkakabangga, sisiguraduhin kong hinding hindi ko na siya bibitawan. Mangangako akong ipaglalaban ko na siya sa kahit anong paraan.

But please, Lord. Just for now, patawarin niyo ako sa gagawin kong pagdaramot. Patawarin niyo ako kung hindi ko magawang pigilan ang puso ko na umibig sa taong hindi naman nakalaan para saakin. Patawarin niyo ako dahil alam niyo kung anong tumatakbo ngayon sa isipan ko.

Just give me this one night with him.

Gusto ko lang iparamdam sakanya kung gaano ko siya kamahal ng walang pag aalinlangan at pagkatapos nito handa kong pagdusahan ang karapatang parusa para saakin.

~~ Baby can you feel me
Imagining I'm looking in your eyes
I can see you clearly
Vividly emblazoned in my mind
And yet you're so far
Like a distant star
I'm wishing on tonight~~

Panay ang murahan ni Tyler at Marcus ngayon dahil sa lakas ng pang aasar ni Tyler sa pinsan.

"Di ka makakapuntos! Antayin mo munang manganak si Ara!" Halakhak ni Tyler saka tinungga ang alak na kanina pa niya hawak hawak. Sinapak siya ni Marcus habang tumatawa.

Umalis na ang mga bisita, nakapalibot kami ngayon sa bonfire. Katabi ko si Ara, sa gilid naman niya si Marcus, tapos si Tyler, Troy at Monique na kanina pa abala sa cellphone niya.

"Yuck, Kuya Tyler, mahiya ka naman kay Ate Ara." Bulyaw ni Monique sa pinsan, humalakhak naman si Ara habang hinahaplos ang namimilog na tiyan.

"Sisteret, nasaan si Ethan?" Biglang bulong saakin ni Ara, kanina pa kasi tumayo si Ethan mula pagkakaupo sa tabi ko at nagpaalam na may kukuhanin lang doon sa loob ng bahay nila Tyler.

Magsasalita na sana ako nang makita ko na kaagad na palabas na siya, kasabay niyang maglakad si Althea na kapatid ni Tyler.

"Ayan na." Huling sagot ko kay Ara, nginisian niya ako at siniko. "Marami ka yatang ikukwento saakin." Panunuya niya saakin, ngumiti nalang ako.

Tumabi saakin si Ethan at halos mamula ang mukha ko nang ipulupot niya ang braso niya sa baywang ko. Nabawasan non ang lamig ng hangin na humahampas sa katawan ko.

Nakasuot na kasi ako ngayon ng beach dress na pinahiram saakin ni Ara kanina para sa bonfire party nga daw na sinasabi ni Tyler, puro alak at barbeque naman ang inihanda dito ni Tyler.

"Gusto mo ba makakita ng Tree House?" Bulong ni Ethan sa tainga ko, bumaling ako sakanya at doon ko lang napansin na namumungay na ang mata niya dahil siguro sa alak. Naaamoy ko na rin yung alak na ininom niya kanina, maging yung mabangong pangangatawan niya ay nahahaluan na yata ng alak, pero kahit ganon ay napaka gwapo pa rin niya.

"Tree House?" Pag uulit ko sa tanong niya, tumango siya.

"Ipakita ko daw sayo sabi ni Tyler, napaka isip bata." Bulyaw niya. Halatang iritado siya sa pinsan niya dahil sa kapilyuhan nito. Nakaramdam naman ako ng excitement dahil sa totoo lang ay hindi pa ako nakakakita ng Tree House sa personal, madalas ko lang iyon makita sa ilang pelikula na napanood ko.

"Hindi ako isip bata, sadiyang adventurous lang ako." Sagot ni Tyler na narinig pala ang sinabi ng pinsan. Tumingin ako kay Tyler at kinindatan niya ako kasabay non ang paglabas ng dimples niya, humigpit naman ang hawak ni Ethan sa baywang ko na naging dahilan para tuluyang manghina ang tuhod ko.

"Punta ka dun, if you want some private time." Pang aasar niya na nagpapula sa mukha ko. Binato naman siya ni Ethan ng buhangin pero kaagad niyang naiwasan iyon.

"Gago." Bulalas ni Marcus habang hinahalikan ang balikat ng asawa.

"Haaay naku, kaya walang nagseseryoso sayo." Pang aasar ni Althea sa kapatid, kumunot ang noo ni Tyler at bumaling sa kanyang kapatid.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Where stories live. Discover now