Nang makalabas sa bahay ay agad na sinalubong sina Ralph at Cray ng mga kaibigan nila. Nangunguna roon si Caleb at Andrei.

"Good to see you fine." Pagtukoy ni Ralph kay Andrei na ngumisi lang.

"Ipasuot mo 'to sa mga anak mo. It's a high tech sweater. Bullet proof yan, pinagawa ni Zeke sa organization." Sabi ni Caleb sabay hagis ng dalawang black sweater kay Ralph.

"Thanks" tanging sabi ni Ralph bago suotan ng sweater ang anak. Tinulungan niya rin si Cray na suotan si Raffy. Mabuti na lamang at malalim ang tulog ng kambal kaya hindi ito agad nagigising sa bawat galaw nila rito.

"Hurry dudes! I can trace 3 to 5 helicopters coming here. And I'm hella sure na Cronus syndicate iyon." Seryosong saad ni Blake bago balingan ng tingin si Ralph at Cray. "Good to see you alive, Queen Z." Mungkahi ni Blake kay Cray na kumunot noo lang.

"Anong ibig niyang sabihin?" Takang tanong ni Cray kay Ralph.

"I'll explain later. For now let's go. Pumasok ka na sa loob. Andrei samahan mo si Zai sa likod." Utos ni Ralph sa kaibigan at maingat na inabot si Raphael dito ng makaupo ito sa loob ng helicopter.

"Bakit siya ang kasama ko? Pwede namang tayong dalawa na lang dito kasama ng mga bata." Takang tanong ni Cray kay Ralph. Hindi maganda ang pakiramdam ni Cray sa nangyayari. Pakiramdam niya may masamang mangyayari sa kanila, sa binata.

"Sa isang helicopter ako sasakay. I need to fight with them to protect you, to protect our kids. Just listen okay. Nothing will happen. I'll be fine." Pagpapagaan ng loob ni Ralph sa dalaga bago kinuha si Raffy dito.

"Get inside. Iaabot ko sayo si Raffy. Wear your seatbelt. Bullet proof ang helicopter na yan at mas mabilis kaysa sa iba. You and our kids are safe there. " mungkahi ni Ralph sa dalaga habang inaayos ang seatbelt na suot.

"Okay na, akina si Raffy." Saad ni Cray. Agad namang inabot ni Ralph si Raffy kay Cray. Pagkuwa'y pumasok siya sa loob at hinalikan ang kambal. Bumaling siya kay Cray na nag-aalalang nakatingin sa kanya at nginitian ito.

"I'll be fine. Don't worry." Mungkahi ni Ralph dito. Tumango naman ang dalaga sa kanya bilang pagsagot.

Niyakap ni Ralph si Cray ng mahigpit at hinalikan ito sa ulo. "I love you. Mahal na mahal ko kayo ng mga bata. Keep safe babe." Bulong ni Ralph sa dalaga bago mabilis na hinalikan ito sa labi.

Mabilis na lumabas si Ralph sa helicopter at akmang isasarado iyon ng magsalita pigilan siya ni Cray.

"My mind might be forgot you but my heart doesn't. Mahal din kita Ralph Lauren. Mahal na mahal. Come back to me safe and alive. I will wait you. We will wait you." Mungkahi ni Cray sa binata.

Nginitian naman siya ni Ralph at muling hinalikan sa labi.

"I promise. I'll be back." Tanging sagot ni Ralph bago tuluyang isarado ang pinto ng helicopter.

Sinenyasan ni Ralph si Keir na siyang nagpapaandar ng helicopter at ang babaeng katabi nito sa harap na umalis na.

"Keep them safe buddy." Bulong ni Ralph habang nakatingin sa kaibigan.
Tumango naman si Keir sa kanya bilang sagot. Umatras naman sina Ralph at ang iba pa ng unti unti ng umaangat ang helicopter. Pinagmasdan lang iyon ni Ralph hanggang sa unti unti ng lumiliit sa paningin niya.

"Hurry. May kailangan pa tayong gawin. " agad na anunsyo ni Caleb sa mga kaibigan bago sumakay sa helicopter.

"Is he okay?" Tanong ni Ralph sa kaibigan habang kinakabit ang seatbelt.

"He's far from the word fine dude. Malala ang condition niya. Under monitoring siya ngayon sa loob ng organization." Sagot ni Cole sa tanong ni Ralph.

"The spy, nahuli na ba? What about the girl?" Sunod na tanong ni Ralph.

"Nope. Tinangay niya yung babae. But no worries, alam na namin kung nasaan sila." Caleb.

"At yun ang pupuntahan natin." Cole.

"We must. Dahil siguradong magkukumahog si Zairene na puntahan ang kaibigan niya kapag nalaman niyang nasa panganib yun." Ralph said.

"Tsk! That Sy siblings are really crazy. Siguradong ang kaibigan ni Zai ang sinasabing alas ni Kristoff." Naiiling na sabi ni Caleb habang nilalagyan ng bala ang mga baril na dala.

"Ready your bombs ang guns. Mungkang may tracker din ang Cronus na iyon. Balak tayong salubungin." Imporma ni Blake sa mga kaibigan.

"Natrack din ba nila ang helicopter nina Zairene? " alalang tanong ni Ralph sa kaibigan.

"Nope. I can track their helicopter and malayo na sila sa atin. Siguradong nasa city na sila." Sagot naman ni Blake sa kaibigan. Agad namang napabutonghininga si Ralph sa narinig at hinanda ang sarili.

"Just to inform you na nasa kabilang helicopter ang katulong niyo. Nakalimutan mo yatang hindi lang ang mag-iina mo ang kasama mo sa bahay." Natawa naman si Ralph sa sinabi ni Cole at tinapik ito.

"Thanks bud." Tanging sagot ni Ralph at tahimik na nagdasal.

'Alam kong hindi ako palaging nagdadasal at bumibisita sa palasyo mo. Pero sana pakinggan mo pa rin ang dasal ko.' Simula ni Ralph habang nakapikit pa rin.

'Keep my family, friends and I safe. Help us to surpass this mess so we can go home alive with our families. We're counting on you. I'm counting on you. Hear me please. Amen.'














_____________________
A/N: Sa ganitong sitwasyon, kapag alam mong delikado ang lagay mo. Magdasal ka na. Happy reading by the way. Malapit ng matapos ang kabanata ng series na ito. Let's see kung happy ending ba ang mangyayari. 😊

Mafia Series 2: Until my Last Breath (Completed) Where stories live. Discover now