PROLOGUE

53 2 0
                                    

"Sorry late ako!"



"Ano bang bago? Since college late ka lagi, hindi na bago sa 'min na late ka Hailee." Umirap pa si Sab, iba talaga katarayan nitong bestfriend kong 'to.




"Sorry naman 'di ba, na traffic lang." sagot naman ni Hailee na mahaba pa ang nguso.




"Ang sabihin mo, talagang mabagal ka kumilos." Sabad ni Aika habang nilalapag ang order namin.




"Bakla oh! Pinag tutulungan nila ako!" Pag susumbong sa 'kin.




"Wala akong magagawa riyan, baka pati ako madamay sa pang aasar niyang dalawa." Sa aming apat, si Aika at Sabrina ang wagas kung mang asar at mang real talk. Kaya minsan ayoko makikisabay dahil pati ako nadadali nila.




"Tanggapin mo nalang, muntik ka pa ngang ma FA diba." Wala talagang patawad si Sab.




"Choda ka nanaman ah!" Mukha nang iiyak itong si Hailee, kami naman ni Aika patawa tawa lang.




"Whatever." Inirapan pa ni Sab si Hailee kaya lalong sumimangot. "Anyway, ano ba ginagawa natin dito? Akala mong mga walang trabaho."




"Ewan ko, tinawagan lang ako ni Erika." Sabay tingin sa akin ni Hailee, kaya naman natuon ang atensiyon ni Sab sa 'kin.




"Si Aika ang may sasabihin, hindi ako." Mabilis kong sagot, nakigamit lang talaga si gaga ng cellphone kaya akala nila ako ang nag aya rito.



"Ano kasi, ahm, kasi ganito yan.." nagkatinginan pa kaming tatlo dahil mukhang kabadong kabado si Aika.




"Ano? Bilisan mo Aika Patricia may susunduin ako sa airport." At dahil dakila kaming tsismosa, kay Sab naman natuon ngayon ang atensiyon namin.




"Luh? Bakla sino?" Nangunguna syempre sa ka tsismosahan si Hailee.




"Someone very familiar to Erika." Hindi ko gusto ang ngiting 'yan ni Sab ah. "I'm sure you missed him, right Eka?" She's now smiling like a demon, well demonyo naman talaga siya. Chos.



Bigla nalang nag tititili sila Aika at Hailee.




"Oh my gosh! Bumalik na siya?!" At dahil napaka lakas ng boses ni Hailee, sinalpakan siya ni Sab ng cookies sa bibig.




"Napakalapit ko sa 'yo, ba't ka ba sumisigaw.." hindi na makapag salita si Hailee dahil sa sinalampak na cookies ni Sab sakaniya.



"No, seriously. Nakauwi na siya?" Tanong naman ni Aika. Tumango lang si Sab at nagsimula nanaman mag iritan itong dalawa, para pa silang uod na sinabuyan ng asin sa sobrang likot.




Hmm. Nakabalik na pala siya. Kung anong kinasaya nitong dalawa, 'yon naman ang ikina kaba ko.



"But that's not important, so ano na Aika. Ano ba sasabihin mo?" I mouthed thank you at Sab. Alam kong iniba niya ang pinag uusapan dahil sa akin, kilalang kilala talaga namin ang isa't isa. Ngumiti lang siya sa akin at tumingin na kay Aika.




Tinaas naman ni Aika ang kamay niya na may singsing. "I'm getting married in two months!" Hindi naman namin alam ano irereact namin. Hindi ko alam kung ilang minuto kami nanahimik hanggang sa nagtanong si Hailee. Ang bilis?! Hindi nga namin alam na may jowa pala 'to?!




"May jowa ka pala," napaubo tuloy si Sab bigla. Sumama naman ang mukha ni Aika.




"Oo meron, compared to you na hanggang ngayon it's complicated pa rin." Parang batang nakikipag away si Aika.




"Ay, quiet na 'ko may pag atake na e." True to her words, talagang nanahimik na siya.




"Finally, you're settling down. After so many years." Mag papasalamat na sana si Aika kaso may dinagdag pa si Sab. "And so many boys."




"Hoy grabe ka naman, nagkakamali ka ng tinitignan. Ayan oh," sabay turo sa akin. "Ayan ang dapat mong tinuturo, nakailang boys na ba yan." At ito na nga ang sinasabi ko, madadamay at madadamay pa rin ako.




"Honestly, I lost count." Between us all, Sab is the person who knows me more. We've been bestfriends since grade three, so alam niya lahat ng escapades ko. "Kayo ba?" Tanong niya sa dalawang baliw.





"Hindi ko na rin sure kung ilan 'te." Pakikisabay ni Hailee, sinamaan ko siya ng tingin. Kapal talaga nitong babaeng 'to, parehas lang naman kami.




"Chosera ka, parehas lang kayo." Pambabara ni Aika. "Tutal narito naman na tayo, pag tsismisan na natin lahat ng naging lalaki nitong si Eka." Ngiting aso nanaman si Aika, Lord ba't niyo naman ako binigyan ng mga baliw na kaibigan.




"Oh! I know!" Patay na, hyper na si Sab. Ibig sabihin lang nito, hindi nila ako titigilan. "Let's start with Mr. Feeling Bad Boy."



Napiling nalang ako at handa na sa mga kuwento nila. Mahabang usapan 'to.

——————————————————————————- 🌸

I dedicate this story to my best friend since grade school, enjoy reading ateng! Mwah!

September (Seasons of Love Series #1)Where stories live. Discover now