Kabanata 15

3.4K 173 12
                                    


Hacienda

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Ellwood kung bakit niya pinasyang dito magpalipas ng gabi.

Oo nandoon na ako sa nag-aalala siya sa kalagayan ko. Pero wala ito sa napagusapan namin.

"Dito ka muna ang magiging silid mo ngayong gabi." Tinulak ko ang pinto ng isa sa mga guest room at pumasok.

Katabi lamang ito ng aking silid at pinalinis ko na sa mga kasambahay bago kami umakyat.

"Your house is neat and clean. I am more fascinated by this kind of place. Peaceful and quiet," anito at naglakad para buksan ang bintana.

Ang malamig na ihip ng hangin ang sumalubong sa amin. Tumayo ito doon at bahagyang binisita ang likod bahay kung saan tanaw mula rito ang malawak naming lupain.

"Kahit sino, magkaka-interes kung ganito kaganda at kalaki ang ari-arian naiwan saiyo," aniya bago humarap sa'kin.

Umiling ako. Wala nang saysay pa ang mga ito kung nawalan naman sa'kin si daddy dahil lang dito.

"Kung may kailangan ka tawagin mo lang ang mga kasambahay." sagot ko.

"Aalis din naman ako bukas na bukas. Ikaw lang ang inaalala ko kaya hindi kita agad maiwan."

Tumingala ako dito na bakas sa mukha ang gulat. Alam ko naman kung ano ang dahilan kung bakit pa siya nandirito. Para bantayan ako at sigurohing ligtas ako sa kanila.

Pero ang isiping aalis siya at iiwan ako ay nagbibigay sa'kin ng matinding takot at kaba.

Bumuka ang mga labi ko ngunit agad ko ring itinikom. Maling obligahin ko siya sa bagay na wala naman siyang papel umpisa palang. Sobrang nakakahiya na para hilingin ko pa sa kanya na dumito muna.

"Ayos lang ako dito. Salamat sa lahat. Sige... Good night, Ellwood." Tuluyan na akong tumalikod dito at lumabas ng silid.

Mabibigat ang hakbang kong naglakad diretso patungo sa silid ni daddy. Ngunit naka-lock ang pinto nito kaya hindi rin ako nakapasok.

Bumaba ako at pumunta sa silid ni Aling Lusing para sana kunin ang susi ngunit wala raw sa kanya ang susi ng silid ni daddy.

"Na kay Senyora Celeste, hija. Mula noong namatay ang daddy mo'y hindi na ako napasok pang muli doon." Tila nasa tono nito ang nagsusumbong sa'kin.

Siya kasi at wala nang iba pang katulong ang naglilinis ng silid ni daddy noon pa man. Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit ayaw siyang papasokin doon.

Mas lalong lumakas ang loob ko na pasokin ang silid ni daddy. Baka kasi may ebidensya akong makuha doon na pwede kong gamitin sa kanila.

"Kamusta ho kayo dito matapos mamatay ni daddy?" tanong ko.

"Maayos naman hija. Iyon lang tumahik masyado sa bahay. Lalo pa't nawala ka. Saan ka nga ba nagpunta? Namatay ang daddy mo nang hindi mo man lamang nakikita sa huling pagkakataon."

"Noong gabi ho bago ako nawala may narinig ho ba kayong kakaiba? Or ano po ang sinabi nilang ikinamatay ni daddy?" Naupo ako sa isang silya kaharap nito.

"Sabi nila ay inatake sa puso ang daddy mo matapos niyang nalamang naglayas ka." Nagising na lang kami kinabukasan na pumanaw na nga ang Ama mo." Basag na ang boses nito nang nagsalita sa'kin.

I bit my lower lip. Sobrang sakit isipin na sa'kin pa rin ang sisi kung bakit namatay si daddy.

"I'm sorry, manang." Iyon nalang ang tangi kong nasambit.

Bumalik ako sa sariling silid na bagsak ang mga balikat. Dito muling dumaloy ang mumunting alaala ng kahapon.

Dito kung saan panatag at masarap ang aking tulog. Kung saan alam kong ligtas ako't walang pwedeng nanakit sa'kin. Ngunit ngayo'y tila isa na itong bangungot para sa'kin. Isang lugar na hindi ko na dapat pang tapakan.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon