Kabanata 14

3.4K 191 17
                                    


So cold

Pasado alas-otso na ng gabi nang pumasok kami sa lungsod ng Geneya.

Malayo palang ay tanaw ko na ang mataas na bakuran ng aming hacienda. Hindi na nawala pa ang matinding kaba at takot dito sa puso ko. Lalo pa noong huminto na ang sasakyan nito sa tapat ng aming gate.

I clasped my both hands over my lap and shut my eyes firmly. Parang biglang ayoko nang tumuloy at tumakbo nalang pabalik kung saan tiyak kong ligtas ako.

But this the only battle I know. Ito nalang ang' kaisa-isang paraan para makamit ko ang hustisya na nararapat kila mommy at daddy at hindi ako pwedeng basta-basta nalang umatras.

My eyes raised as Ellwood gentle caressed my hands.

"You'll ready for this?"

Sumulyap ako sa bintana at huminga ng malalim bago sumagot.

"I guess so..."

Ngunit yumukod ito at bahagyang hinila ang aking baba dahilan upang tumingala ako ng tingin sa kanya.

"Huwag kang matakot nandito ako." His lips curved a bit. Malalim din ang mga titig nito habang nakayuko sa'kin.

May kaba man sa dibdib ay namumutawi parin ang kakaibang pintig sa puso habang nakatitig sa madilim ngunit puno ng sinseridad nitong mga titig.

I have to do this. Alam kong nasa likod ko lang si Ellwood at hinding hindi ako iiwan. Kailangan kong lakasan ang loob ko at huwag magpadala sa takot.

Bumusina si Ellwood sa matayog na bakod at ilang saglit pa'y dahan-dahan itong bumukas. Napalis bigla ang kaba sa aking puso nang mamataan si Tata Teban.

Mabilis akong bumaba mula sa sasakyan at sinalubong ito ng isang mahigpit na yakap.

"Dios mio, senorita! Saan ba kayo nanggaling?!" Tila basag na ang boses nito noong magsalita saʼkin.

"Kamusta ho kayo dito? Si Aling Lusing?" Naglikot ang mga mata ko at sinuyod ng tingin ang loob ng bakuran.

"Maayos naman kami dito, senorita."

Tumingala ako dito. Bakas sa mukha ang hindi maitagong pangungulubot ng balat dala ng katandaan.

"Si, Dolfo at si Auntie?"

Lumingon muna ito sa loob at humakbang palabas ng bakuran. Umatras ako habang may mga kabang bumabalot sa puso.

"Lumipat na sila dito matapos mamatay ng Daddy mo."

Umiling ako't biglang namuo ang luha sa mga mata.

"Saan kaba nanggaling? Matagal ka na naming hinahanap. Nagpa-blotter na kami sa pulisya at nagpakalat ng litrato mo pero 'di ka nagpapakita."

Hindi ako sumagot sa bagay na iyon. Tiyak na wala pa silang alam sa totoong nangyari.

"Namatay ang daddy mo na hindi mo man lamang nasilip sa huling pagkakataon." Dugtong pa niya.

Pumikit ako ng mariin para ibsan ang bumabangong kirot sa puso nang maalala ang sinapit ng Ama sa mga kamay ni Dolfo.

"May kasama ka pala."

Sinulyapan ko si Ellwood na kabababa lang ng sasakyan.

"Si Ellwood po pala..." Pakilala ko dito.

Humakbang si Ellwood at tumabi sa'kin matapos ay bahagyang nakipagkamay sa kaharap.

"Halika kayo, pasok kayo.."

Nagmamadali nitong niluwagan ang bukas ng gate kaya sinulyapan kong muli si Ellwood at bahagyang tumango.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon