Kabanata 21

2.4K 113 10
                                    

Kabanata 21

Date

Galla via Island is one of the beautiful island I've ever seen. Mas pino at mapuputi ang buhangin dito at hitik sa puno na  nakakadagdag ng ganda at atraksyon sa island.

Parang gusto ko na agad tumalon sa tubig nang matanaw ko ito sa malaking salamin na bintana mula sa hallway ng hotel.

Habang naglalakad kami sa hallway ay hindi pa rin mawala ang pamumula ng dalawang pisngi ko. Hindi pa rin kasi ako nakaka-recover sa mga papuri sa'kin ni Elwood. I thought that he doesn't like me wearing this such matured dress and red lipstick. Nakadadag din ng points ko ang paglulugay ko ng buhok para mapansin n'ya pa lalo.

Sinulyapan ko ito habang tahimik na naglalakad sa tabi ko. Kahit pa pansin ko ang paglingon dito ng ilang guests at empleyado na nakakasalubong sa amin. Some of them are foreigner girls wearing their swimsuit. Binati nila si Ellwood at nagpaulanak naman ang huli na tumango at ngumiti sa mga ito. May ilang babae na talagang huminto at lakas loob na nagpakilala sa kanya.

Hindi tuloy namin mapigilang hindi tumigil saglit. Those girls are showing their interest to Ellwood. Nagpakilala na ang isa sa mga babae sa grupo. She has blonde hair hair and yellowish skin. Halatang dayo ito sa bansa. May balingkinitan na pangangatawan, magandang mukha at higit pa roon, may malulusog itong dibdib na malayong malayo sa'kin.

"Hi, I'm Sahara!" Pakilala nito. Lakas loob din niyang nilahad ang kamay kay Ellwood na inabot naman ng huli.  

"Ellwood," he said with  a warm smile.

Doon na rin nagpakilala ang iba. Sina Arietthe at Jones. Parehong magaganda at sexy ang mga ito at ang huli ay ang morenang babae na tila half pinay. Si Barbarra.

"Are you here for vacation?" tanong na ni Ellwood na tila gusto pang makipag-usap nang matagal sa apat.

Si Barbarra ang sumagot. "Yes, we're here for vacation and you?"

Bahagyang sumulyap sa'kin si Ellwood. "Yeah, were here for a lunch date," he answered.

My face heated. Hindi ko inaasahang sasabihin iyon ni Ellwood. What the hell? Date ba talaga ang narinig ko?

Tila hindi naman makapaniwala ang apat sa tinuran na iyon ni Ellwood. Halos sabay-sabay pa nga silang sumulyap sa banda ko.

"Your sister?" Barbarra asked.

Agad akong yumuko nang pasadahan n'ya ako ng tingin at naglagi pa ang mga mata sa bubot ko pang dibdib. Sabi ko na ito na naman ang unang mapapansin nila sa'kin. Kahit pa kaya kong dayain ang height ko'y hindi naman makakaila sakanila ang maliit kong dibdib.

But Ellwood answered made my heart flutters.

"No, she's my date."

I saw they reaction and eyed me demurely. Nawala din ang ngiti ng mga ito at napalitan ng panghihinayang natumingin kay Ellwood.

"Okay, see you around!" said Barbarra.

Sinimulan na nilang umalis ngunit bago iyon ay iniwan muna nila ako ng tinging pailalim. Tila gusto akong insultuhin ngunit nagtaas naman ako ng kilay at binigyan sila ng matagumpay na ngiti. I saw they disapproval gleam ngunit mas pinili ko nalang na di iyon pansinin.

Nagpatuloy kami sa paglalakad habang bakas ang lihim na ngiti sa aking mga labi. Ano bang dapat kong sabihin sa ginawa n'ya kanina? Dapat ba akong magpasalamat dahil hindi n'ya ako ni-deny kanina? Pero sa tingin ko ay masyado naman akong OA nun.

Narating na namin ang restaurant na kakainan namin ngunit wala pa rin itong salita sa'kin. Mas naging uneasy ako dahil napakatamihik n'ya simula pa kanina. Hindi ko na rin sinubukang magbukas ng usapan. I let him order for our food, dahil sinabi kong siya na lang ang bahala.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon