Kabanata 13

3.8K 183 20
                                    


San Marcelino

Maaga palang ay bihis na bihis na ako. lNakahanda na rin ang sarili sa pag-alis.

Kagabi ay nagpaalam na ako kina Manang Gloria, Issay at Allan na uuwi na nang Geneya sa San Marcelino.

Mahigpit man ang pagtanggi ng mga ito ay hindi na ako nagpapigil. Para na rin ito sa kanila, kaya lang naman sila nag ti-tiyaga mamalagi dito ay dahil sa akin.

"Sigurado ka na ba talaga? Hindi na ba magbabago ang isip mo?" tanong sa'kin ni Issay. Tulad ko ay maaga rin itong nagising para ihatid ako paalis.

Magkakaharap kami sa hapag, kasama sina Manang at Allan. Sabay-sabay kaming nag-almusal dahil mamaya lang din at uuwi na sila sa kani-kanilang bahay. Si Issay at Allan ay didiretso sa Villa nila Ellwood kung saan talaga sila nag ta-trabaho habang si Manang Gloria ay babalik sa kanilang bahay kasama ang mga apo't anak.

"Babalik naman ako kapag okay na ang lahat. Bibisita ako dito ng madalas pangako." mahina kong sagot.

Doon pumasok si Ellwood na bihis na bihis. Gaya ng dati simpleng white long sleeve polo at maong na pantalon na binagayan ng itim na sapatos ang suot nito. Gayon pa man ay angat na angat ang tikas at tindig nito sa suot.

Mabilis akong umiwas ng tingin nang sumulyap ito sa'kin. Naglakad ito palapit sa lamesa para kami sabayan mag almusal.

"Ihahatid mo ba itong si Venice?" tanong ni Manang Gloria sa bagong dating.

"Isasabay ko lang ho patungong San Marcelino. May shipment ho kami doon ngayon," aniya.

Inalok niya ako noong isang araw na sa eroplano sumakay pauwi ng San Marcelino ngunit mariin kong tinanggihan.

Labis labis na ang naitulong niya sa'kin. Mas makakatipid kung makikisakay nalang ako sa cargo ship nito tutal ay doon din ang tungo nila.

"Eh kailan ka naman babalik dito?" tanong sa akin ni Manang Gloria nang pasakay na ng kotse ni Ellwood.

Bahagya muna akong sumulyap kay Ellwood bago sumagot.

"Kapag naayos ko na ho ang problema ko sa amin. Bibisitahin ko kayo."

"Kung ganoon ay, mag-iingat kayo." Hinaplos nito ang puno ng aking buhok bago ako yakapin.

I shut my eyes firmly, kahit na Ilang linggo palang ako dito ay napalapit na nang husto ang loob ko sakanila. Mahirap nang kalimutan ang mga pinagsamahan namin dito lalo na nina Issay at Allan na siya kong parating kasama.

"Mag-iingat ka doon ha?" Isang mahigpit na yakap din ang ibinigay sa akin ni Issay.

Sumakay na ako ng kotse at kumaway sa mga ito na bakas ang lungkot at panghihinayang sa maikling pinagsamahan.

Pangako babalik ako oras na matapos ko na ang problema ko kina Dolfo at Auntie Celeste.

"Nadala mo ba ang lahat ng mga gamit mo?" tanong sa'kin ni Ellwood habang bumibyahe patungong pantalan.

Sinulyapan ko ang isang shoulder bag na galing kay Issay. Naroon ang mga pinamiling damit sa'kin nila Manang Gloria at mga pabaon nilang pagkain para sa mahabang byahe.

"Wala naman akong masyadong dala." sagot ko na itinuon ang pansin sa labas ng bintana.

"Ano pala 'yang mga dala mo?"

Sinulyapan ko ito kaya bahagyang nagtama ang mga mata namin bago nito ibalik ang tuon sa daan.

Dahil ba naiinip siya kaya panay ang tanong n'ya oh, baka gusto lang niya ng kausap.

"Pinadalhan ako nila Manang ng kukotin sa barko." mataman kong sagot.

"Hmm, mukhang mami-miss ka nila ng sobra." His voice sounding more soft ang gentle. Tila walang balak taposin ang usapan doon.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon