Kabanata 24

2.1K 94 6
                                    


Kabanata 24

School 

Maaga pa lang ay nag handa ako para pumasok sa eskwela. Ngayon ang unang araw ng klase. Talagang pinaghandaan ko ang araw na ito dahil sa wakas ay maipagpapatuloy ko pa rin ang pag-aaral kahit na alam kong nasa peligro pa rin ang buhay ko kina Auntie Celeste.

Itong business management ang kurso na gusto ni daddy na taposin ko at malapit ko nang makamit ang pangarap niya para sa'kin. Gusto kong ipakita sa kaniya na nagtagumpay ako at gagawin ang lahat para mabigyan sila ng katarungan.

Maaga talaga akong gumising para hindi ko makasabay sa almusal ang mag-anak nina Auntie Celeste. Maaga din kasi ang pasok ni Iverson kaya umiwas akong maksabay siya lalo na sa pagpasok.

Dahil hindi pa ako gano'n kabihasang mag-drive kaya si Mang Teban ang inatasan kong mag-drive para sa'kin.

"Kamusta ho ang taniman natin ng mais at mangga? Naalagaan ho bang mabuti?" tanong ko dito habang bumabyahe kami sakay ng kotse ni daddy. Sa katunayan ay ngayon lang ulit nagamit ang sasakyan na nito mula ng mawala si daddy. Bagong bago pa ito dahil halos ilang buwan pa lang ang nakakalipas bago siya mamatay nang bilhin n'ya ito.

"Mabuti naman ho, senorita. Lagi ko hong binibisita ang lugar, pati nga ho ang silid pahingahan ng daddy n'yo ay sinisiguro kong malinis."

Kumunot ang noo ko dito. Ngayon ko lang nalaman ang bagay na iyon kaya hindi ko ito maiwasan tanongin sa bagay na iyon.

"Anong klaseng pahingahan ho iyon, Mang Teban?"

"Iyon ho ba? Isa ho iyong bunggalo house, ako nga lang ho ang nangangalaga doon. Talaga hong hindi na nabisita mula nang yumao ang Ama n'yo," aniya sa'kin.

Tila lumakas ang kutob ko na may kakaiba sa bunggalo na iyon. 

"Ah, Pwede ho ba kapagtapos ng klase ay doon tayo dumiretso mamaya?" 

"Sige ho, walang problema."

Matapos niya akong maihatid sa school ay namataan ko na agad si Menchie na nag-aabang sa'kin. Hindi kami magkaklase sa sem na ito pero pareho naman ang oras nang pasok namin. 

"Sayang talaga hindi tayo magkaklase," ngumuso ito sa'kin. Papasok na kami ngayon sa loob ng campus.

"Pareho naman ang schedule natin diba? Saka may isang subject tayo na magkaklase," wika ko.

"Sabagay, malay mo naman may maraming boylet doon sa klase ko. Hindi ako mabo-boring."

umikot lang ang mata ko sa sainabi n'ya at hindi na ito pinatulan. Nang marating n'ya ang kaniyang silid ay iniwan ko na lang ito ng isang ngiti at kumaway.

"Good luck on our first day!" sambit niya bago pumasok nang tuluyan sa kaniyang silid.

Ako naman ay dumiretso na. Sa ikalawang palapag pa kasi ang aking first subject. Habang naglalakad ay hindi maiwasang pagtingin ang gaya kong fresman sa campus. Though, madalas ako dati dito sa tuwing hinahanap ko si Iverson pero iba pala ang pakiramdam na isa na ako sa kanial. I"m finally grown at ilang buwan na lang ay magiging ganap na akong dalaga.

"Hi, Venice!" Bati sa'kin ng grupo ng mga lalaki sa hallway.

isang tipid na ngiti lang iginawad ko sa mga ito matapos ay dumiretso na sa ikalawang palapag. Doon ay mas napansin kong maraming estudyante pa ang nakatambay sa may corridor. dahil marahil maaga akong dumating sa campus.

"Venice!" 

Nilingon ko ang tumawag sa aking boses na si Samuel. Isa sa mga bestfriend ni Iverson.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon